She will be loved

Start from the beginning
                                    

"Perfect..." nakangiti nitong tugon habang nakatingin pa rin sa mata ni Ina, sabay lipat ng tingin sa langit.

"And peaceful." dugtong pa ni Ama.

Mula sa paglubog ng araw hanggang sa pagsikat nito ay magkasama sila. Sabay nilang nakita kung paano nagningning ang bituin at kung paano rin ito unti-unting nawala.

Mula sa maraming tao hanggang sa pag-alis ng mga ito, at muli nilang pagbabalik. Magkasama nilang nasilayan ang mga ito.

For them, it was the first time that they both almost spend their day and night with each other.

"Perfect but imperfect." mahina nitong sabi ngunit sapat na upang marinig ni Ina.

"Perfect but imperfect?" tanong ni Ina.

"Oo..."

"Parang stars. They are all perfect lalo na that they are placed at dark. Ang saya niyang tignan, ang kinang, ang perfect. Pangarap ko siya, kaya lang nakakapagod tumingala ng tumingala para lang makita ko siya. Ang taas niya to the point na hindi ko siya kayang abutin. *sigh Kailan ko kaya siya matitigan? Yung nasa harap ko na talaga. I was so dumb to dream for perfectness. She's so perfect and I am imperfect." sagot naman ni Ama.

Natawa naman si Ina dahilan para mapatingin sa kanya si Ama. "Stars pa ba talaga yung pinag-uusapan natin, sino 'yang she na 'yan?" natatawang tanong ni Ina kay Ama. Bakas naman sa mukha ni Ama ang pagkagulat.

"W-wala," naiilang na wika nito.

"Ayhieee, kinikilig ka." natatawa siya pero huminto din agad. Sumeryoso ang mukha ni Ina at malungkot na tumingin sa malayo, tumingin naman sa kanya si Ama.

"Bakit?" tanong ni Ama.

"Wala, syempre... kapag naging girlfriend mo na 'yan. Meaning, iiwanan mo din ako." sabi niya.

"Hindi ko yun magiging girlfriend. Bituin nga siya di'ba? Hindi ako magugustuhan 'nun." sabi ni Ama na tipa naninigurado.

"Sinabi mo na ba sa kanya na gusto mo siya?" tanong ni Ina.

"Hindi. May mga bagay kasi na hindi na kailangang sabihin... dapat nararamdaman." sagot naman ni Ama.

Napangiti naman si Ina at saka nilingon si Ama. "May pinaghuhugutan ka talaga nuh?" tanong nuli ng dalaga. Buntong hininga naman ang sinagot ni Ama.

Pagkatapos ng tagpong iyon ay hindi na sila nagkita. Halos tatlong araw silang hindi nagkasama at tanging pagtawag na lang ang komunikasyon. Abala kasi ang dalawa sa trabaho at hindi nagkatugma ang schedule nila.

Nang sumunod na linggo, nagkita sina Ina at Ama sa parke. Sinabihan ni Ina si Ama na isasama niya ang binata sa Resort kung saan siya nagtatrabaho.

Nakaangkas si Ina sa motor ni Ama. Hindi naman kasi kalayuan sa lugar nila ang Resort.

Unang ipinakita ni Ina ang booth na ipinaupa sa kanila ng Tito niya. Ipinaliwanag niya na silang dalawa ni Christian ang may-ari nito. Ipinakilala niya rin kay Ama ang mga photographers nila. Habang tinitignan ni Ama sa monitor ang mga captured images ay nasa gilid naman sina Christian habang hatak-hatak si Ina.

"Hoy, K. Pansin ko lang, you're always with him. Kayo ba?" mausisang bulong ni Christian.

"What?! No, kaibigan ko lang si Ama." mabilis na sagot ni Ina.

Orion's Belt  Where stories live. Discover now