"Hoy ikaw panget! Anong ginawa mo sa Kimmy ko!" kinuwelyuhan niya si George na halata parin sa mukha niya ang sakit ng pagkakasipa ko sa pagkalalaki niya.

"Kim ayos ka lang?" tanong ni Trish na parang ngayon ko lang napansin dahil lahat ng attention ko na kay Steph lang.

"Ayos lang ako, salamat." lumapit ako kay Steph para awatin siya.

"Steph, tama na nakakahiya sa mga tao oh"

"Sino ka ba?" maangas na tanong ni George! Aba! Wag mong babastusin ang mahalko! Bwiset na to.

"Ako? Sino ako? Girlfriend lang naman ako ng babaeng hinaharass mo!" nagulat ako sa sinabe niya tumingin ako sa paligid alam kong dinig nilang lahat ang sinabe niya.

Tumawa lang siya ng malakas bilang sagot kay Steph.

"Really? Girlfriend niya si Stephanie Martinez?" bulong nung girl sa may bench sa di kalayuan.

"Oh Em! Ano na bang nangyayari sa mundo?" bulong ng babae sa di kalayuan sa kinatatayuan namin.

"Oh bagay sila ang hot nilang pareho" Yan ang mga naririnig ko na sinasabe ng mga tao sa paligid namin. You can never please everybody nga naman. Napabuntong hininga na lang ako dahil wala na akong magawa.

"Hoy! Bat ka tumatawa?" nabaling muli ang atensyon ko kay Steph.

"Kung totoo yang sinasabe mo, Why don't you kiss her?" panghahamon pa ng binata kay Steph.

Agad naman akong dinampian ng halik ni Steph sa labi.

"Happy now?" napanganga nalang lahat ng taong naroon sa mga oras na yun. Kahit ako ay nabibigla sa mga pangyayari.

"Tara Baby alis na tayo baka malate pa tayo sa klase natin" hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako paalis sa lugar na yun.

------------

"Ayos kalang ba Kim?" tanong ni Steph sa akin. Nang matapos ang klase namin ay dumeretso agad kame sa dorm upang magpahinga.

"Oo ayos lang ako" umupo ako sa gilid ng bed.

"Are you sure? Coz you don't look ok" napasandal siya sa study table at humalukipkip.

"Yeah, Pagod lang ako"nag-iisip ako ng malalim tungkol sa mga biglaang pangyayari kanina sa may lobby.

The next thing I knew nakaupo na sya sa tabi ko ganun na ba kalalim ng iniisip ko't di ko naramdamang nasa tabi ko na sya. Kinuha ko ang unan at itinakip sa mukha ko.

"What happened previously.. Hay.. Sorry Kimmy" hawak hawak niya ang kamay ko saka niyakap ako.

"Kimmy, kausapin mo ako please" pilit niyang hinihila ang unan.

Sa sobrang lakas ng pagkakahila niya ay pasubsob ako sa dibdib niya na agad ikinapula ng aking mukha. This is so not good!

Tumawa sya ng malakas nung makita niyang nagiging mala kamatis na ang aking mukha na sa ano mang oras ay puputok sa sobrang pamumula. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko saka dinampian ako ng isang halik sa noo napayakap nlng din ako sa bewang niya.

"Baby, Ngayong alam na ng lahat na Girlfriend kita? Pwede bang ipakilala narin kita sa mga magulang ko?"

Nang marinig ko ang mga katagang yon ay bumilis ang tibok ng puso ko na parang nakikipagkarera sa sobrang bilis! Hindi ko alam kung bakit pero talagang kinabahan ako sa sinabi niya. Baka di nila ako magustuhan o di kaya'y paghiwalayin nila kame kase babae ang karelasyon niya. Oh My God! Anong gagawin ko!

"Kim" muli niya akong tinawag dahil hanggang ngayon di parin ako umiimik. Ibinaon ko ang mukha ko sa leeg niya dahil di ko naman alam anong isasagot ko sakanya

My Lovely RoommateWhere stories live. Discover now