Chapter 17

9K 182 21
                                    

Someone

"Anong balita?"

"Wala naman pong special sa ginawa nila kahapon Sir. Nanuod lamang sila ng sine pagkatapos umuwi na." Paghahayag nito.

Pinasundan ko sila Dianne at ang gago kahapon ng mabalitaan kung niyaya nya itong lumabas. Halos mabaliw na ako sa galit kahapon. Mabuti nalang at nakapagpigil pa ako. Ngunit hindi ko ito mapapangako sa susunod na araw.

"Yun lang?"

"Umalis na po kasi ako nung pumasok na sila sa baha----"

Hindi ko pinatapos ito.

"Wait, you mean. Pumasok sa luob ng bahay nila Dianne ang gago!?" Paglilinaw ko rito.

Kita ko ang paglikot ng mata nito. Putchaks! Kung kahapon ay napigilan ko ang galit ko, ngayon hindi na! Sagad na ang sagad na ang galit ko.

"Lumabas ka!"

Imbis na matakot ay lumapit pa ito saakin. Pumunta ito sa likuran ng inuupuan ko.

"Pabayaan mo na si Dianne Sir, narito naman ako tyaka hindi naman kayo bagay. Mas bagay tayo Sir." bulong nito sa tenga ko.

Dali-daling umakyat ang dugo ko sa sinabi nito. How dare her?

Minamasi pa nito ang balikat ko. Kung akala nyang mawawala nito ang galit ko, pwes nagkakamali sya.

Tumayo ako mula sa upuan at humarap rito.

Nakatayo lang ito sa harapan ko suot ang kanyang mapang-akit na tingin. Akala nya madadala nya ako sa ganyang tingin? Ni hindi nga sya makapantay sa kagandahan ni Dianne.

Pinasadahan ko ng haplos ang kanyang mukha. Napapikit naman ito sa ginawa ko. Hangang sa bumaba ang kamay ko sa leeg nya.

"Uhmmmm." Mahinang ungol nito.

Hindi nito naramdaman na unti-unti kung hinihigpitan ang pagkakahawak sa leeg nito. Napaungol pa ito ng isang beses bago tuluyang namalayan na masyado ng mahigpit ang pagkakahawak ko sakanya.

"S---sir."

Hinampas hampas nito ang braso ko at nagsimulang kumawala sa pagkakahawak ko. Akma ako nitong sipain mabuti nalang at nasagang ko iyon gamit ang aking mga binti.

"Sa susunod na may sabahin ka pang hindi ko magugustuhan, sinisigurado kung sa sementeryo ang bagsak mo."

Napaupo ito ng bitawan ko ang kanyang leeg. Nag-imbak ito ng sapat na hangin bago nito iangat ang kanyang tingin. Pulang pula ang mukha nito. Bakas sa mukha nito ang takot.

Ganyan nga, Matakot ka!

"Manmanan mo si Dianne, ang bawat kilos nito." Pag-uutos ko dito.

Agad naman itong tumangi at sinabi na ayaw na daw nyang masali sa kabaliwan ko.

Napangiti ako rito.

"Well, kung gusto mo pang mabuhay ang nanay mo. Susundin mo ako. Balita ko nakalatay pa ito sa ospital ngayon. Alam mo naman kaya kung gawin diba?"

Agad namang itong napaluhod at umiyak.

"Sir... pleasee.. gagawin ko po lahat wag nyo lang pong idamay si mama."

Dianne

"Ay sorry po."

Napalingon ako sa nakabanga saakin. Gaya ko ay nakaupo rin ito sa lupa dahil sa lakas ng pagkakasalpok namin.

"Okay lang." Sabi ko dito sabay pulot sa mga nahulog kung libro.

Nang mapulot ko na ang mga libro ay tumayo ako.

"Sorry ulit." nakayuko nitong pahayag.

"Wait, parang pamilyar ka." Saad ko dito ng nag-angat ang tingin nito. "Tama.. Ikaw yung nasa office ni Sir Keveen." Nagulat naman ito sa sinabi ko.

"Ay oo. Student assistant nya kasi ako."

Napansin ko mugto ang mata nito. Kaya naman tinanong ko ito kung ayos lang sabi nya lang ay okay sya. Ayaw ko namang pilitin ito na sabihin saakin ang problema nya tyaka hindi naman kami gaanong magkakila.

"Una na pala ako. Malapit ng magsimula ang klase." Paalam ko rito ng napansin ko ang orasan sa may ding-ding ng aming tinatayuan. Tinanguan lang ako nito.

Habang tumatakbo ay may napansin akong itim na pigura sa nadaanan ko. Napatigil ako sa pagtakbo at napalingon dito.

Wala namang tao dun.

Kaya nagpakawala ako ng buntong hinga. Napaparanoid na talaga ako.

"Bhe? Bakit pala ang tagal mung bumalik?" napalingon ako dito kahit na nagtuturo ang guro namin sa harap ay nagawa parin nito akong kausapin. Ibang klase talaga.

Si Sir Deveen pa naman teacher namin ngayon. Ayaw na ayaw nitong makarinig ng kahit anong ingay na walang koneksyon sa tinuturo nito.

"Basta. Mamaya ko na sasabihin."

"Sige."

"Mrs. Fernandez! Mr. Montevista! Kung magkwekwentuhan lang kayo sa klase ko ay mabuti pang lubas nalang kayo!"

Lahat ng kaklase namin ay napalingon saamin.

"Sorry po Sir." nakayuko kung saad dito. Ayaw ko syang tignan sa mata kasi nakakatakot.

"Sa susunod na marinig ko kayong magkwekwentuhan pa dyan sa likuran ay papalabasin ko na talaga kayo!" Maya-maya pa ay nagsimula na ulit itong magturo.

Nakayuko lang ako buong diskasyon. Ayaw kung makita ang mukha ng aming guro ngayon.

Teacher's AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon