Chapter 2

17.5K 388 20
                                    


Dianne

Isang malakas lang na tawa ang narinig ko mula saking kaibigan. fish tea right? kinuwento ko kasi ang horror encounter na nangyari kanina.

"Hoy Dianna! Sinasabi ko sayo tigilan muna kasi ang pagsinghot ng katol. tignan mo ako, fresh!" saad nya habang piniflip ang imaginary long hair nya.

"Saan ang fresh dyan? san banda?" pang aasar ko sakanya.

"Bhe? open mo lang google map mo then you can find it anywhere!" confident nyang sabi saakin sabay pakita sakanyang cellphone.

"Ano namang meron dyan? ehh halos lahat naman ng nandyan kanto? ano yang ganda mo kanto?" Inis ako nitong inirapan saaking pang-iinis. "Hoy Kahon! bakit ang tagal mo kanina pumunta sa tambayan? alam mo bang halos mamuti na ang buhok ko sa kakahintay sayo?" pag-iiba ko sa usapan.

"Nagpaturo pa kasi yung pesteng Lyndon na yun. 'di ko pa sana sya tuturuan pero putspa! Pair ko sya sa reporting natin sa Economics. Naiistress na talaga 'ko sa lalaking yun." inis nyang mungkahi.

Si Lyndon kasi yung sigang lalaki sa silid namin na palaging inaasar si Kahon. Actually kay Lyndon galing yung word na Kahon na ngayo'y ipinalayaw ko sakanya. Ewan ko ba kung bakit ang init ng dugo nito kay Lyndon. Para silang langis at tubig na 'di mapagsamasama.

"Oyy bhe? alam mo ba ang bagong tsismis? May bago daw tayong teachers and guess what. ayon sa mga naririnig kung balita yummy daw ang mga ito." kahit kailan talaga basta tsismis na ang usapan sa ang palaging nangunguna kaya 'di na ako magtataka kung makakuha ito ng award sa pagiging tsismosa.

"Tapos?" walang gana kung saad. 'di naman kasi ako interesado sa topic namin. Napaikot lang ito ng mata tapos itinuon na ang atensyon sakanyang long time crush. Si Lyncon, na sa kasmaang palad ay kambal ng kanyang mortal enemy. Napailing na lamang ako. Ang landi talaga ng baklang to.

Nagbalik naman saakin ang unang pagkikita naming dalawa. Bagong lipat kami non.

malayong malayo ito sa nakagisnang kung buhay sa probinsya. doon tahimik at dito nama'y kasalungat. doon malamig ang buga ng hangin ta's dito mainit.

"Ma?" pagtawag ko sa atensyon ng aking ina na abalang nagluluto ng tanghalian namin. napalingon naman ito saakin at nagtanong ng bakit.

"Gusto ko pong lumabas. may nakita po kasi akong bata doon na naglalaro mag-isa. gusto ko syang samahan sa paglalaro." tumango lamang ito saka pinaalalahanan akong wag lalayo at wag sasama sa mga taong 'di ko kilala.

Masaya akong nagtungo sa kinaruruan ng batang lalaki na naglalaro.

"Hi!" nakangiti kung saad ng makalapit ako sakanya. tinignan lang ako nito tapos nagpatuloy lang sa paglalaro.

Napangiti naman ako ng makita ko ang nilalaruan. Dalawang manika. gusto ko talagang magkaganito pero dahil nga mulat na ang aking mata sa aming buhay ay di na lamang ako nanghingi pa.

"Pwede ko bang mahiram ang isa mong manika? tutal dalawa naman yan." nakangiti kung saad sakanya tumango lamang ito. pipe ba 'to? natanong ko nalang saaking sarili.

Ilang minuto rin kaming naglaro hangang sa nagpakilala na ito.

"Im Box." saad nya habang nakalahad ang kamay saakin.

"Ako naman si Francheska." na masayang tinagap ang kanyang kamay.

Simula noon ay parati na itong pumupunta sa bahay upang maglaro at kung minsan naman ay ako ang pumupunta sakanilang bahay. Minsan nga ng pumunta ako sakanilang bahay ay naabutan ko syang sinusuot ang palda ng kanyang ina na 'di kasya sakanya at nag-ala miss universe na rumampa. Nagulat sya ng makita ako sa may pintuan kaya dali dali nyang hinubad ang palda tapos nagtungo sa kanyang kama ta's nagtakip ng kumot. Tinawanan ko lang sya ng panahong iyon.

Napabalik ako saking wisyo ng biglang may nagsalita sa harap.

"Good Morning class. I'm Deveen Del Franco, Your new teacher sa Applied Economics at the same time, your new adviser."

Lahat ng atensyon nakatuon sakanya. Ang kanyang awra ay nakakatakot samahan pa ng kanyang maitim na mata na para bang kay lagim.

Inilibot nya ang kanyang mata sa silid hangang napako ito saakin. laki namang pagtataka ko ng ngumiti ito saakin.

"Since i dont know any of you. Introduce yourself and start with you." turo nya saakin.

Napaturo naman ako saaking sarili. bakit ako?

tatayo na sana ako ng biglang nagsalita saaking likuran. putspa! akala ko ako. mabuti nalang at 'di ako tuluyang nakatayo. Napayuko ako saking pagka assuming. bakit pa kasi napaka pottassium ko? pottang assuming.

Teacher's AddictionWhere stories live. Discover now