Chapter 7

10.9K 232 22
                                    

Dianne

"Hoy, Lagot ka talaga saakin mamaya," mahinang pagbabanta ng aking katabi. Lumingon ako rito at nginitian lang.

"Mamaya n'yo na lang tapusin yan at kumain na tayo." Tugon ni Sir dahilan upang makuha ang aming atensyon.

Tumayo ito't nililinis ang kanyang lamesa.

Lumingon naman saakin ng may pagtataka si Box, 'di ko pala nasasabi sakanyang dito kami kakain.

"Dito tayo kakain." mahina kung bulong rito. Nagtanong ito ng 'bakit' pero sinagot ko lang ito ng 'basta'.

Maya maya pa'y nilapag ni Sir ang kanyang dalang baon kaya naman kinuha rin namin ang aming sariling baon at nilapag narin.

Para kaming magkaibigan lang na nagsasaluhan sa aming mga baon sa nagyayari ngayon, kanya-kanya kasi kami ng kuha sa mga pagkain na nasa harap.

Sa totoo lang si Sir talaga ang nakaisip nito, sabi nya kasing ipagsama sama ang mga ulam namin na 'di namin matanggihan sa kadahilanang ang sarap talaga ng ulam nya, fried chicken.

Favorite kung ulam yun.

'Yung ulam ko hotdog na with cheese tapos yung kay Box naman ay chicken nuggets na halos si Sir na ang makaubos, hilig nya daw kasi ang nuggets.

"Bakit nga pala 'di mo kasabay si Sir Deveen?" biglang tanong ng aking katabi, 'di ko ba nasasabi sainyo na napakadaldal ng katabi ko?

"Ayaw... kung... kasabay."

Hindi ko maintindihan ang sinabi nito sa sobrang hina.

"Sir?"

"Ahhm, 'di kasi kami ganon ka close tapos pagod na akong ipagsiksikan ang sarili kung makisabay sakanya." tugon nito.

Natahimik naman kami, na tila isang anghel ang dumaan saaming gitna.

"Sir? Bakit pala nakabukod ang office nyo sa faculty? diba bago lang kayo rito?" pagsisimula ulit ni Box.

"Well, everything can work with money."

"po?"

"Basta. Ang bata nyo pa kasi para sa ganitong bagay." saad nito bago pinagpatuloy ang pagkain.

PASADO alas dose na ng tanghali ng matapos kami sa pagcheck. Sa loob ng mga oras na pamamalagi namin dito ay masasabi kung nakagaanan ng luob ko si Sir at dahil iyon kay Box, ang daldal kasi nito.

"Salamat sa fried chicken Sir, Sa uulitin." tugon ni Box nung magpapaalam na kami kay Sir. "Sir? nuggets ulit baon ko bukas baka naman may ipapalit kang fried chicken dyan?" natampal ko lamang ang aking noo.

"Sure, Box."

Lalabas na sana kami ng tawagin ulit kami ni Sir. "Ang saya nyo naman palang kasabay. Ang daldal, lalo kana." sabay tingin kay box. "Di ka kasi masyadong nagsasalita tung kaibigan ko nung kami pang dalawa ang nandito," turo nito saakin.

"Kayo rin po Sir, ang saya nyong kasabay." Saad ni Box.

"O sya sige, Sa uulitin." tumango lang kaming dalawa at nag-umalis na sakanyang opisina.

"di ko alam na may ganon palang side si Sir no? yung makulit." saad ni box no'ng makaupo na ito sakanyang upuan.

"Oo nga ehh."

"Hoy, Kahon sinong Sir yung naririnig ko? At sinong makulit?" biglang bulalas ni Lyndon saaming harapan.

"Wala kana don." irap na saad ni Box sakanya.

Ito nanaman po tayo.

Ilang sandali pa ay nagsimula na silang mag-bangayan, ang hilig kasing mang-asar nitong si Lyndon tapos si Box naman ay palaban kaya palagi silang dumatating sa pag-aaway pero 'di naman pisikalan.

"Stress na talaga ako ngayong araw," saad nito. "gusto kung kumain." sabay tingin nito saakin.

"Ano?"

"Wala bang binigay ang admirer mo?"

"Diba nga di pa tayo nakakapunta sa locker?" saad ko rito.

Sino kaya ang admirer ko? Ahh basta, kahit sinong poncio pilato man sya basta nabubusog naman ako sa mga regalo nya, Okay na yun!

Someone

Balak nya pa akong agawan huh, 'di mangyayari yun. dadaan muna sya ng matinding pagsasanay bago makalamang saakin.

Madiskarte yata 'to!

Teacher's AddictionOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz