Chapter 13

8.2K 175 7
                                    

Dianne

"How about 30?" bulalas ng aming presidente sa harap.

Pinag-uusapan kasi ngayon ang kokolektahin para sa tulong na ibibigay sa pamilya ni Sedrick.

"Ang liit naman nyan. Anong mabibili natin dyan? 30x35 is 1050. How about 50? Makakaikom tayo ng 1750 at marami narin tayong mabibili non kumpara sa 1050, T'yaka tumas ang mga bilihin ngayong buwan." paglalahad ni Lyncon sa kanyang opinyon na dahilan upang mahati kami sa dalawang grupo.

Yung team nila Lyncon vs. yung team ni Kiara. President vs. vice presisdent. Syempre dahil hindi naman ako yamanin kaya sa team ako ni Kiara. Ang laki naman kasi ng singkwenta, lalo pa na 100 lang ang baon ko. Tapos pamasahe ko pa sa jeep mamaya. Kung ibibigay ko ang singkwenta ko ay siguradong wala akong kakainin mamayang recess time. Ang mahal pa naman ng mga pagkain dito.

Tyaka hindi pa naman ako nakakapag-almusal.

Samantalang ang kaibigan kung si Box ay nakipanig sa crush nito. Ang landi.

"Hindi naman kasi lahat ng studyante ay kagaya natin. 'Di nila afford ang 50 lalo pa't biglaan ang diskusyong ito. Mabuti pa'y 'di nalang muna tayo pumunta kila Sedrick, sa biyernes nalang para malaki talaga ang malikom nating pera." Tugon ni Jasmine.

Ang sarap pektusan ni Jasmine. Hindi ko alam kung nang-iinsulto ba ito o pinagtatangol kami. May paturo effect pa kasi itong nalalaman nung sinabi nyang 'di nila afford'. Pero okay narin yun at least may tagapagtangol kami.

"Pero isipin nyo isang beses lang naman tayong magbabayad." sabad ni Box.

"Pero nga, meron ngayon saatin ang walang sapat na pera." sagot naman ni Lyndon.

"Marami naman tayong may kayang kaklase sila muna magbabayad." sagot uli ni Box dito.

"Hindi naman ata makatarungan yun. 'di porket may kaya ay gaganyanin mo lang. Ano ka hilo?"

"Teka nga! ano bang kinapuputok ng butsi mo? Ikaw ba ang sinasabi kung tatapal?"

"Kahit na."

"TUMIGIL NGA KAYONG DALAWA!" biglaang sigaw ng aming presidente dahilan upang mapatikom sila sa kanilang  bibig. "Good! ngayon, Sinong pa ang may gustong sabihin maliban sa dalawang aso't pusa?"

"Sang-ayon ako sa suggestion ni Jasmine. Mabuti nga yun kesya naisip kung ideya kanina at para narin mas malaki talaga ang makokolekta nating pera." biglang saad ni Lyncon.

"Okay para maging patas, Sino ang payag dito?" Sabi ni Kiara na nanatiling nakatayo sa harap ng pisara.

Tinaas namin lahat ang kaliwa naming kamay. Kung isa lang itong botohan sangkot sa pag-aaral ay tyak na 'di magseseryoso at magkwe-kwentuhan lang sa likuran ang mga lalaki pero dahil nga ibang usapan na ito ay nagkiisa sila at nagkaisa kaming lahat.

The more, the merrier.

"Okay ngayon, pag-uusapan natin kung magkano ang babayaran natin araw-araw. So its etheir 10 or 15. Ang liit naman kasi ng five peso. Sa five days ay may 25 lang na kontribusyon ang bawat isa saatin." Pagsisimula ulit ni Kiara.

"Im fine with 10."

"Ako rin."

"Me too."

"Me three."

"P*tang inang giliw naman ohh! Wag nga kayong mag-ingay, wala tayo sa palengke. tyaka kaya nga ako may hawak na marker diba? kasi itatas nyo lang ang kamay nyo tapos itatally ko sa pisara. Naiintindihan nyo ba ako?"

Sumagot kaming lahat ng oo. Ang sadista kasi ng presidente namin kaya naman pati lalaki ay tiklop dito, isama na natin na black belter sya sa taikwando.

"Sino ulit ang sang-ayon sa 10?"

Tinaas ko ang aking kamay, nasa 16 kaming nakasang-ayon dito.

"So ang iba ay sa 15? so ang babayaran kada araw ay 15. At dahil ikaw ang sekretarya Box at treasurer ka naman Lyndon ay kayo ang sabay na kumolekta ng pera. At sana naman wala akong marinig na bangayan mula sainyo dahil kung hindi ihahampas ko talaga sainyo ang sapatos ko, understood?"

Sumagot si Box ng oo samantalang si Lyndon naman ay tumango lang ng tipid.

"Amot mo." saad ni Box ng makalapit na ito saakin. Inabot ko sakanya ang bente pesos. Nag-aalinlangan pa akong binatawan ito kasi 'di ko sure kung may sukli pa bang mababalik saakin. Ang buraot pa naman nito minsan.

"Ito peso. Mamaya na ang iba." para naman akong binagsakan ng hollow blocks sa sinabi nito. Sinasabi na nga ba! 'di ko na lamang ito kinulit dahil alam ko namang ibabalik nya ito mamaya. Gusto lang talaga nya akong iisin.

"Hoy Kahon, kayo nalang dalawa ang hindi nagbabayad." saad ni Lyndon ng makalapit ito sakanya

"Ito ang bayad ni Dianne." Saad nito sabay abot ng bente kay Lyndon.

"Ang sayo?"

"Wala akong sukli, mamaya nalang pagkatapos ng recess." tipid nitong sagot.

"Ano ako hilo? Akina pera mo, may sukli ako." saad ni Lyndon dito habang nakalahad ang kamay nito sakanyang harap.

"Naiwan ko sa bahay wallet ko."

Napatawa nalang ako sa sinabi ni Box. Ang lakas nyang makakampi kay Lyncon kanina na singkwenta ang babayaran pero wala pala itong dalang pera.

"Bhe? Pahiram." saad nito saakin.

"Wag na! Ako ng magbabayad sayo. Iiyak ka pa dyan ehh." sabat ni Lyndon saaming usapan.

Hay, nako. Ewan ko sa dalawang to. May something akong napapansin kay Lyndon, yung tipong nagpapansin kay Box. Ay nako, Ewan ko talaga. Di talaga ako magtataka kung isang araw magjowa na itong dalawa.

Teacher's AddictionWhere stories live. Discover now