"Nasan sya!"

Bigla akong nagulat ng may marinig akong ingay mula sa labas. Kinabahan ako bigla kaya natataranta akong lumabas ng kitchen.

"I want to talk Matteo, right now!"

"Ma'am, pinagbabawalan po kayong pumasok sa bahay ni Sir."

"Anong sabi mo? Anong bawal? Im his fiance and I have the rights to enter this place."

Napahinto ako sa paglalakad ng bumungad sakin Venus na sobrang ikli ng damit. Ang kanyang dibdib na pumuputok na dahil sa sobrang fit ng damit. Pinipigilan sya ni Manong guard at pilit itong pumipiglas sa pagkakahawak ni manong. Napadpad ang tingin niya sakin kaya literal syang nagulat. Ang kanyang mata na halos lumuwal sa gulat.

"What are you doing here?" Lumapit sya sakin tska ako hinawakan sa braso at niyugyog ng paulit-ulit.

"Venus, nasasaktan ako." Hinila ko ang braso ko pero hindi ko magawa dahil nakabaon ang kanyang kuko mula sa balat ko.

"Bakit ka nandito huh? Anong ginagawa mo sa bahay ng fiance ko." Bulyaw niya kaya pinipigilan sya ni Manong guard.

"Bitawan mo ako." Pagbabanta ko kaya tumaas ang kilay niya. Mas lalo niyang ibinaon ang kuko niya sa braso ko kaya ngumiwi ako sa sakit.

"You're a really a gold digger, cheap waitress. Mang-gagamit, slut, puk-pok at mang-aagaw." Nakaramdam ako ng panginginit sa buong katawan. Nagagalit ako sa bawat buka ng kanyang bibig.

"Bitawan mo ako, kong ayaw mong patulan kita." Pagbabanta ko ulit kaya umigting ang kanyang panga. Sobrang sakit ng braso ko pero pilit akong lumalaban sa titig niya.

"Aba, palaban kana pala ngayon ah. Anong pinag mamalaki mo? Yang trabaho mong cheap?" Natatawa niyang sabi. Sobrang nangi-nginit na ang buong katawan ko kaya tinulak ko sya ng malakas. Napaatras sya sa ginawa ko at literal syang nagulat.

"Mabait akong tao Venus. Pero pag sinimulan mong galitin nagiging demonyo ako." Hamon kong sagot kaya umirap-irap ang kanyang mata.

"How dare you. Isa kang bayaran, ang kapal ng mukha mo para pumasok sa bahay ng fiance ko." Bulyaw niya habang tinuturo-turo ako.

"Hindi makapal ang mukha ko, dahil si Matteo ang nagdala sakin dito. Hindi katulad mo na pilit isinisik-sik ang sarili sa boyfriend ko." Bagsak boses ko kaya mas lalong bumilog ang kanyang mata. Halos hindi sya makagalaw sa kintatayuan nito.

"Kong maka angkin ka naman. Boyfriend? Napaka ambisyosa mo naman Mary." Natatawa nitong saad kaya naikuyom ko ang kamao ko sa galit. Ayaw ko ng away at pilit kong kinakalma ang aking sarili.

"Inaang-kin ko ang akin at hindi katulad mo aangkinin ang lahat. Pati kapatid niya pinatulan mo." Asar kong sabi kaya tinaas niya ang kanyang kamay para sampalin ako.

"Venus!" Sabay kaming lumingon sa likuran ng mahagilap namin si Matteo. Ang kanyang mukha na sobrang galit na galit dahil sa nakitang eksena.

"Babe, sinaktan niya ako." Pinulupot ni Venus ang kanyang kamay sa braso ni Matteo. Nakatitig sakin si Matteo na walang ekspresyon ang mukha. "Tinulak niya ako babe, at nasaktan ako sa ginawa niya." Dugtong niya kaya sinulyapan sya nito.

"Go home," Taas tono ng boses niya habang nasa akin ang titig nito. Sobrang sikip ng dibdib ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kong bakit niya iyan sinasabi ngayon. "I said go home." Pasigaw niyang sabi kaya yumuko ako.

 The Virgin Mary [Edelbario Series#1]Kde žijí příběhy. Začni objevovat