Hindi ko namalayan na may luha ng tumulo sa mata ko. Dali-dali ko iyong pinunasan baka makita ni Clifford at Robi.

"For our 48years wedding anniversary Torria." Tinaas ni Sir Antonio ang baso tska isa-isang nag sitaasan ang iilang bisita.

"For our 48years wedding anniversary and more anniversary to come mylove Antonio. Cheers!"

Itinaas ni Clifford at Robi ang kanilang hawak na baso. Nagulat ako sa ginawa ni Clifford dahil inabot niya ang kamay ko tsaka isinabay sa pagtaas ng kanyang kamay.

"Cheers!"

Sigawan ng lahat. Pagkatapos non ay ininom nila ang kanilang alak. Hindi ko magawang uminom kaya binaba ko nalang ang baso.

"I have an important announcement." Nagbulong-bulongan ang iilang bisita sa sinabi ni Mam Torria. Bakit tila sumikip ang dibdib ko? Parang kinakabahan ako sa puntong ito.

"Shit.....Let's go outside Mary." Hinila ako ni Clifford kaya nagulat ako sa ginawa niya. Hindi ko alam pero tuluyan na akong nag patianod sa hila niya sakin. Bago pa kami nakalabas mula sa pintoan ay narinig ko pa mula dito sa labas ang sinabi ni Mam Torria.

"My son, Matteo Vion is engage to the one in only daughter of Mr. and Mrs. Villa Vieste. Lets give them around of applause. Matteo Edelbario and for his future wife Venus soon to be Mrs. Edelbario."

Nagpalakpakan ang iilang bisita sa loob sabay ng pagsikip ng dibdib ko. Ang kaninay sobrang bigat kong nararamdaman ay mas lalong bumigat. Bakit ako nasasaktan? Bakit ako nag kakaganito? Ang sakit at ramdam na ramdam ko ang kirot ng aking dibdib. Alam kong ikakasal na sila pero mas masakit pala kong sa buong bisita ipag-aalam na ikakasal si Matteo kay Venus. Nakagat ko ang labi ko sa sakit. Ngayon alam ko na, alam ko na ang nararamdaman ko para sa kanya.

Hindi ko alam kong saan kami patungo ni Clifford. Lumabas kami ng bahay at dumiretso kami sa isang swimming pool mula sa garden. Binitawan niya ang braso ko tsaka sya nagtungo sa isang bench na gawa sa simento.

"Bakit tayo lumabas Sir, hindi pa tapos ang party." Dahan-dahan akong lumapit sa kanya tsaka ako tumabi. Hindi ko namalayan na may dala pala syang isang bote ng alak. Nilagok niya iyon bago sumagot.

"Dont act your okay, Mary." Ngiti niya mula sa gilid ng kanyang labi. Yumuko ako tsaka dinuduyan ang paa mula sa damohan. Okay naman ako ah. Kahit pilit kong maging okay ay napapansin din pala iyon ni Clifford.

"Bakit naman ako mag papanggap na okay?" Marahan kong sagot.

"You like my cousin, right?" Natahimik ako sa sinabi niya. Dahan-dahan akong sumandal sa upoan tsaka tumingala sa langit. Gusto ko ba talaga si Matteo? Iyon din ang hindi ko masagot sa mga oras na ito.

"Bakit mo naman natanong iyan sir?" Mahina kong tanong kaya tumawa ulit sya.

"Hindi ko talaga alam kong anong  problema nyong mga babae. You always acting you dont anything kahit na alam nyo naman talaga. Sinasabing okay, kahit hindi naman talaga okay." Natatawang wika niya kaya nakagat ko ang labi ko sa kahihiyan. Hindi ko magawang sumagot kaya ramdam ko ang titig ni Clifford mula sakin."A simple question, but you can't answer in a simple way."

Bahagya akong yumuko ulit sa sinabi niya. Ayaw kong mag pa dalos-dalos sa nararamdaman ko dahil hindi ako sigurado. Gusto ko si Rocky pero tumitibok ang puso ko kay Matteo.

"Mag-kaiba ang stadu naming dalawa sir. Mayaman at makapangyarihan si Matteo. Samantalang ako ay isa lang hamak na waitress at mahirap. Pano ko sya gugustohin kong alam ko sa sarili ko na hindi ako nababagay sa isang tulad niya." Natahimik si Clifford sa sinabi ko. Narinig ko ang iilang lagok niya sa iniinom niyang alak.

 The Virgin Mary [Edelbario Series#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon