Kabanata 42

644K 18.6K 5.5K
                                    

#JustTheStrings

Kabanata 42

"Yes po. Oo nga... I'll see you later."

He sighed.

"Sayang. I wanted to come to school with you."

I chuckled. Para siyang naagawan ng laruan.

"Let's have lunch together later na lang. Hindi ko rin kasi ineexpect na uuwi si Mama ngayon..."

"Okay," he breathed. "Good luck and I hope that everything will be fine. If you change your mind, text me and I'll come running."

Natawa naman ako.

"Baliw. Sige na," I said.

"Alright. But go to school, you hear me? I'll nag if you skip class again. Almost two weeks kang absent, Mary. You can't miss classes anymore."

"Yes po..."

"And stop using po. Sobrang cute na. Hindi ko na kayang i-handle."

"Ewan ko sa 'yo... But yes, I'll definitely go to class. One more absent and mada-drop na kasi ako," I said, wincing. But I couldn't blame myself, still... The past two weeks had been really hard on me. Iyon bang parang siningil ako dahil masaya ako buong buhay ko? Tapos biglang sa ilang araw, sinira lahat. Hindi agad ako naka-adjust sa lahat ng mga pagbabago. It's hard for me to adjust to changes. Masyado kasi akong kumportable sa buhay ko at sa mga tao sa paligid ko... But I learned that the world is ever changing and the only thing I should do is to cope up with the changes. Dahil kung hindi, maiiwan ako.

And Saint's with me. He promised that he'd stay.

"Alright. See you later and good luck."

"Good luck din."

Pagkatapos kong makausap si Saint, inayos ko na iyong mga gamit ko. I was planning to bring all the notes Saint gave me para maka-catch up agad ako. Lunch lang naman kami sabay dahil tuwing break ko in between class, sinabi ko sa kanya na mag-aaral ako sa lib. He was fine with it—pero sa totoo lang, ang nagger ni Saint sa pag-aaral ko. Akala mo naman siya masipag mag-aral.

Pagbaba ko, naabutan ko sila Mama na nasa table na. My heart constricted inside my chest. Parang sobrang tagal na nung huli ko silang nakita...

"Good morning, Ate!" Finley greeted. "Mama's back! And look! Cayden is growing!"

Hala, oo nga. Bakit biglang sobrang halata na nung baby bump ni Mama?

"Finley, eat your food first. You have to get ready for school," sabi ni Mama.

Naupo ako sa table. Nandun si Mama, si Papa, si Riley at Finley.

"Si Kuya po?"

Nagkatinginan si Mama at Papa.

"We'll tell you later," she said at saka tinignan iyong kambal. I nodded. Baka kasi hindi pwedeng marinig nung kambal... So, tahimik akong kumain, medyo nag-o-observe at natutuwa nung pinapagalitan ni Mama si Finley dahil bumagsak siya sa isang quiz niya. Mas focused pa kasi si Finley sa pagbabasketball. Tapos every night, umiinom ng pampatangkad kahit sure naman na tatangkad siya. Ang tangkad kaya ni Papa. Pati si Kuya, ang tangkad din.

Once done eating, umakyat na iyong kambal kasama ang mga yaya nila. Finally, kami na lang ang naiwan.

"Si Kuya po?" I asked again.

"We'll talk about that later. First, kayo na ni Saint?"

I nodded.

"Okay lang naman po, 'di ba? You already gave him your blessing..." pagpapaalala ko sa kanya. Nung pumunta si Saint dito dati, nagpaalam naman siya at pumayag naman si Mama. Sana lang hindi nagbago iyong isip niya because it's already too late. Wala akong balak makipaghiwalay kay Saint.

Just The Strings (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon