Kabanata 33

865K 20K 11.7K
                                    

#JustTheStrings

Kabanata 33

It had been days since Kuya said that he wanted to move out at hindi pa rin pumapayag si Mama. I wanted to tell Kuya that I didn't want him to go but I was afraid to talk to him... Pakiramdam ko kasi baka may magawa o masabi na naman ako na hindi niya magugustuhan... Tapos lalayo na naman siya. O kaya ay mas lalo niyang hindi na ako kausapin. And I didn't want that. It was torture enough that he wasn't talking to me for weeks. Paano kapag umalis na nga siya tapos hindi niya na rin talaga ako kausapin?

Nakaupo ako sa sofa sa sala habang nag-eedit ng mga pictures sa laptop ko nung biglang tabihan ako ni Finley.

"Ate," he called and I looked at him. Mayroon siyang kagat-kagat na snickers.

"Why are you eating chocolates? 'Di ba bawal ka?" I told him. Pareho kasi sila ni Riley na hindi na pwedeng kumain ng chocolates. Si Riley lang naman talaga ang hindi pwede dahil mataas na agad iyong sugar level niya pero unfair naman kung si Riley lang ang pagbabawalan na kumain. Since kambal naman sila, pareho na lang sila na bawal kumain ng chocolates.

"Kuya gave it to me," he replied.

"Why?"

"Because I helped him pack his things."

My heart sank with what he said. Aalis pala talaga si Kuya. Akala ko kasi masama lang iyong loob niya kaya nasabi niya 'yun... pero nag-aayos na siya ng gamit niya. Suddenly, it felt all too real.

"Do you know where Kuya is going?" I asked Finley. Mukha kasing mas nakakausap niya si Kuya kaysa sa akin, e.

He shook his head.

"But he told me he'll bring me there!" he said and then beamed. Nginitian ko na lang si Finley at saka ginulo iyong buhok niya. I hugged him tight hanggang sa nagreklamo siya na hindi na siya makahinga.

After that, bumalik na siya sa taas para tulungan ulit si Kuya na mag-ayos ng gamit dahil gusto niya raw ulit na mabigyan ng chocolates. Gusto ko rin na sumunod sa taas... Kung gusto talaga ni Kuya na umalis sa bahay, wala naman akong karapatan na pigilan siya. Siguro mas maganda na tulungan ko na lang din siya. Baka kapag ganoon, kausapin niya na ako.

Isinara ko na lang iyong laptop ko dahil hindi na rin naman ako makapagfocus sa ginagawa ko. Huminga muna ako nang malalim ng ilang ulit bago ako nagsimulang umakyat. Pagdating ko sa harap ng kwarto ni Kuya, huminga ako nang malalim ng ilang ulit bago ko nagawang kumatok.

"Why, Ate?" si Finley ang nagbukas ng pinto at mayroon na namang snickers siyang hawak tapos kukurap-kurap pa siya habang nagtatanong sa akin.

'Kaya mo 'yan,' I told myself.

"Si Kuya?"

Binuksan niya nang mas maluwag iyong pinto at mas nalungkot lang ako nung makita ko na puro boxes iyong kwarto ni Kuya. Sa kama niya naman ay tatlong boxes iyong nakapatong at nandoon na iyong mga sapatos niya sa loob.

"He's still deciding if he's going to bring his xBox and playstation," sabi ni Finley.

Sumilip ako at nakita ko si Kuya na nakaupo sa harap ng TV at hawak iyong mga gaming consoles niya. Gusto kong lumapit pero kinakabahan talaga ako. Ilang beses ko na kasi siyang sinubukan na kausapin pero palagi niya na lang akong sinasabihan na mamaya na lang kami mag-usap... na hindi naman nangyayari kasi palagi siyang halos wala sa bahay palagi.

"Fin," pagtawag ni Kuya. Nakatalikod pa rin siya kaya hindi niya alam na nandito ako. "Do you want these?"

"No," sagot ni Finley. "I'm trying to have an active lifestyle like Kuya Saint."

Just The Strings (COMPLETED)Where stories live. Discover now