Kabanata 3

783K 20.7K 6.7K
                                    

#JustTheStrings

Kabanata 3

Sinubukan ko na iwasan si Parker nung pangalawang araw namin. Palagi akong sumasama kina Ate Jas at mukhang naintindihan naman nila kung bakit ko ginagawa 'yun. Palagi na lang kasing ganun. Aasa ako tapos masasaktan tapos iiwas... tapos babalik na naman ako sa dati.

Pakiramdam ko ang normal ko na ay 'yung umaasa ako kay Parker. Siguro kapag dumating na 'yung araw na okay na talaga ako, maninibago ako. Hindi kasi ako sanay na hindi umaasa.

Nung pangatlo at huling araw na namin, nagpilit pa sina Ate Jas na libutin iyong Batanes pero sobrang sakit na talaga ng katawan ko. Masyado akong napagod sa ginawa namin kahapon kaya naman sinabi ko na magpapaiwan na lang ako. Pinilit ko rin si Kuya na sumama sa kanila. Ayoko naman na palagi na lang akong pabigat sa kanya.

Tinitignan ko lang sa laptop ko 'yung mga picture na kinuha ko nitong mga nakaraang araw nung may marinig akong katok.

"Pasok po," sabi ko.

"Lunch na."

Para akong biglang natirik sa kinauupuan ko nung marinig ko 'yung boses na 'yun. Akala ko sumama siya kila Kuya? Bakit siya nandito?

"Hindi ako gutom," sabi ko kahit na nararamdaman ko na 'yung gutom. Hindi kasi ako nakasabay kina Kuya kanina dahil sobrang aga pa at masakit ang katawan ko.

Pero nung akala ko lalabas na siya dahil sinabi ko na hindi naman ako gutom, nagkamali pala ako. Mas lalo pa niyang binuksan iyong pintuan at saka pumasok. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang naglalakad siya palapit sa akin. At pakiramdam ko mahihimatay na talaga ako nung umupo siya sa kama ko.

Masyado siyang malapit.

"Why did you take BA? You're good at arts," sabi niya habang nakatingin sa laptop ko. Parang biglang gusto kong isarado iyong laptop. Nahihiya ako na nakikita niya iyong mga litrato ko... Bawat litrato kasi na kinukuha ko, malapit sa puso ko. Bawat litrato, may bakas ng pagkatao ko.

For me, art is something very personal.

At ngayon na nakatitig pa siya, pakiramdam ko bigla na lang niyang malalaman iyong nararamdaman ko.

"Hobby ko lang 'to," sabi ko at saka pasimple na pinatay iyong laptop. Hinarap ko siya kahit na malakas ang kabog ng dibdib ko. "Bakit hindi ka sumama kila Kuya?"

"Wala kang kasama dito."

'Tama na,' gusto kong sabihin. Paano ako aandar kung ganito na palagi niyang pinaparamdam sa akin na baka kahit konti... may pag-asa.

"Kaya ko naman mag-isa."

'Kaya ko naman na wala ka,' gusto kong sabihin pero alam ko na kasinungalingan lang 'yun. Habang nandyan siya, habang nakikita ko siya, habang nararamdaman ko siya, habang pinaparamdam niya sa akin na mahalaga ako sa sariling paraan niya, pakiramdam ko hindi ko magiging kaya na wala siya.

"Yeah right," sabi niya at saka marahan na namang pinitik ang noo ko. Nagulat ako nung bigla niyang hawakan ang braso ko. "Remember this? I just left for a minute tapos pagbalik ko, nahulog ka na."

Para akong nasa langit habang nakatingin sa kanya. Nakangiti siya habang nagkukwento kaya naman hindi ko napigilan na mapangiti rin. Ang tagal na talaga naming magkakilala... Simula pagkabata namin, magkasama na kami. Alam ko halos lahat tungkol sa kanya at ganon din siya sa akin...

Pero kahit na ganon, hindi pa rin niya ako nagustuhan. Siguro hindi lang talaga kami para sa isa't-isa.

"Preston almost killed me for that."

Just The Strings (COMPLETED)Where stories live. Discover now