"Nakakadisturbo kayo sa tulog."

"Sssssss.... May natutulog dito ooh."

"Bukas na tayo mag-usap matutulog na ako,"  Dali-dali akong humiga tsaka sila tinalikuran silang tatlo.

"Yung crush natin boyfriend na ni Maey. Ang sakit!" Maarteng saad ni Grace na nangi-ngiyakngiyak.

"Ang oa mo Grace. Maging masaya nalang tayo para kay Maey." Singit ni Ivony.

"Haay naku. Pano ako makakatulog sa halikan na iyon. Sobrang swerte naman ng kaibigan natin. Halik yun besh. Kong sakin yun nangyari nahimatay na siguro ako." Kilig na saad ni Jessica.

Napangiti ako sa bawat sinasabi nila. Pero may bahid sakin ang takot dahil hindi ko alam kong anong gagawin ni Venus sa nakita.

Tumunog ng ilang ulit ang phone ko kaya binasa ko ang iilang text ni Matteo.

Matteo: See you tomorrow.

Me: Anong Officially ang sinasabi mo?

Matteo: Us!

Me: Ano?

Matteo: You're mine now Mary. You are just mine.

Nanlaki ang mata ko sa nabasa. Ano bang pinagsasabi niya? Dali-dali ko syang nireplayan.

Me: Tinutulongan lang kita diba. Pano mo ako nagiging pag'mamay-ari? Last time i check were just pretending.

Matteo: Then, its part of our plan. Your mine when we are together.

Me" Okaay matutulog na ako.

Pipikit na sana ako ngunit tumunog ulit ang phone ko.

Matteo: You need too. I will pick you up tomorrow. Sleepwell Mary!

Kumunot ang noo ko sa huli niyang minsahe. Susunduin niya ako bukas? Para saan? Hindi ko nalang pinansin ang huli niyang message tsaka pilit ipinikit ang mata.

Sa pangalawang pagkakataon ay nahalikan ulit ako ni Matteo. Nakagat ko ang labi ko at naalala ang halikan namin kanina. Isang halik na hinahanap-hanap ko na ngayon. Natampal ko ang noo ko sa inis. Bakit ang dali ko ng mahila ngayon pagdating kay Matteo? Para akong naging sunod-sunuran sa bawat gusto niya.

Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa tilian ng mga babae sa silid. Gusto kong buksan ang magkabila kong mata ngunit pilit parin itong hinihila papikit.

Antok na antok pa ako subalit naiingayan ako sa mga boses na naririnig sa loob ng kwarto.

"Are you sure girls? Baka hindi okay sainyo na nandito ako. Its girls room and i think im not welcome here." isang malamig na boses ang narinig ko.

"Omg sir okay lang talaga kahit nandito ka araw-araw, walang problema samin iyan."

"OMG... mahihimatay ako nito."

"Gosh. Inhaler please!"

"Bakit kaya sya nandito? Sa ilang taon natin dito sa bar ay ito ang kauna-unahang pagkakataon na pumasok dito si sir Matteo."

"Nakakakilig ang gwapo ni sir."

"Bakit may dala syang bulaklak?"

"Gosh----- Hindi kaya gilfriend niya si Mary?"

Mabilis pa sa alas kwatro ang pag-dilat ng mata ko. Agad akong napaupo sa kama ng bumungad sakin si Matteo sa gilid na nakaupo. Mabilisan kong tinakpan ang mukha ko sa kahihiyan.

 The Virgin Mary [Edelbario Series#1]Where stories live. Discover now