BTS Imagine: I Need U

758 30 29
                                    

Ako si Alyssa,Bestfriend ni Jimin pandak,walang malisya ha?? Bestfriend lang kami! OO! bestfriend lang kami anoba!




"Uy bes!" tawag sa akin ni jimin,ano bayan! parang ang bakla pakinggan!

"O bes? parang hingal na hingal ka yata?" tanong ko,pero hindi siya sumagot,tinignan niya lang ako sabay yakap sa akin,bumilis naman ang tibok ng puso ko,jusko jimin

"J-jimin,bakit ka umiiyak?" tanong ko naman sa kanya,huta! anong nagyayare sa bestfriend ko??

"A-Alyssa.."

"Ano yun Jimin??"

"B-Break *sobs* n-na kami.." sabi niya sabay hagulhol,ilang bese ko na kasi tong sinabihan eh! na wag na siyang makipagrelasyon kay aya! ngayon iiyak ka?? hayst jimin,kung ako nalang sana..

"bakit kayo nagbreak ha??" bago ko siya pinasagot ay pinaharap ko muna siya sa akin,pulang pula na ang mata niya sa kakaiyak,jimin naman,wag mong iyakan ang taong hindi ka pinahalagahan..

"sige jimin,iiyak mo lang iyan bago ka magsalita" sabi ko sabay pahid sa luha niya,hindi ko kayang makitang umiiyak si jimin,kung nasasaktan siya mas doble ang nararamdaman kong sakit,ganun naman ang mag bestfriend diba???

"Alyssa,hindi ko matanggap,hindi ko matanggap na may mahal na siyang iba! A-Ano bang m-meron sa lalakeng yun n-na wala sa akin?!" sigaw niya pa,jimin alam mo naman kung anong wala ka eh

"Wala kang jams jimin" bulong ko

"A-ano yun? may sinasabi ka ba?" tanong niya

"H-Ha? ano,sabi ko mag move on ka na sa kanya" palusot ko naman

"alam mo naman na hindi uso sa akin yang  salita na iyan"

"ibig sabihin,hindi ka pa move on sa nangyari sa nanay at tatay mo??"


Namatay kasi ang nanay niya dahil sa cancer,ang tatay niya naman nagpakamatay dahil sa nangyaring pagkamatay ng nanay niya at sa sobrang stress. wala siyang kapatid,pag may problema siya ako ang taga advice niya,kapag malungkot siya nandyan ako para mapasaya siya,ako lang naman ang malalapitan niya eh bukod sa mga abnoy niyang kaibigan


"hindi pa ako move on doon,Ang malas ko noh? wala na nga nanay at tatay ko tapos si aya mawawala din sa buhay ko,wala na ba akong karapatang sumaya man lang?? ano bang kasalanan na nagawa ko?! naging mabuting anak naman ako ah?! bakit ako pinaparusahan ng ganito?!" pagkasabi niya nun,bigla nalang siya lumuhod at humagulhol,kaya naman lumuhod din ako sa harap niya..


"mas gusto ko pang mamatay at makasama ang mga magulang ko keysa mabuhay pa ako!!" sigaw niya habang umiiyak ng malakas

"Jimin naman!! wag mo ngang sabihin iyan!" sigaw ko sa kanya

"Alyssa..."

"ano yun?"

"W-Wag mo akong I-Iiwan ah??"

"oo jimin,hinding hindi kita iiwan,ganun kita kamahal"

"H-ha?"

"huh? bakit?"

"mahal mo ako?" tanong niya

"oo jimin mahal kita" sagot ko,sobrang mahal kita jimin,di mo lang alam

"bilang bestfriend? alam ko naman yun eh,mahal din kita bestfriend,kaya wag mo ako iiwan" HAHA,oo jimin,mahal kita bilang bestfriend,oo nalang ._.


Kabaliwan With Bangtan [Book 2]Where stories live. Discover now