Hello Insensitive. 7 ~ ( END )

Start from the beginning
                                        

"Ikaw? Sa tingin mo ba sapat na yung panahon, sa tingin mo sapat na yung dalawang linggo para magkaayos na kayo? Tandaan mo minsan, pag nakikita natin ang ulap na kumukulimlim at dumidilim, naiisip natin na uulan na, kaso may pagkakataon na hindi pa pala. Pipigalan pala yun ng araw."

Mahayaan na nga lang 'to si Marjorie sa pagiging malalim. Haha.

"Yun na nga yung problema ko eh. Okey na sakin eh, kaso siya, parang ayaw niya. Ano ba naman kasi niyan, ba't ba naman kasi naging manhid pa ako nun?"

"Bakit siya?! Sa tingin mo ba hindi siya naging manhid?"

"Parang. Pero sa tingin ko mas naging manhid ako."

"Alam mo Bernard. Para sakin, wala namang taong manhid. Lahat tayo pinanganak na may pakiramdam. Pano nangyari yun? Kasi lahat tayo, may damdamin rin. Lahat tayo may puso, may konsensya. Lahat tayo pinipiling gawin kung ano ang tama para sa'tin."

"Psh. Malamang wala akong puso kaya nagawa..."

Pinutol agad ni Marjorie yung sasabihin ko.

"At kung meron man, naniniwala akong.. a man becomes insensitive at a time for a reason, no one ever wanted to be so unsparing and inhuman. Yung iba naman, pinipilit nalang maging manhid para magawang makatalon o matakbuhan ang katotohanan, though they're not considered as what we call manhid."

Natihimik ako. Tuloy-tuloy kasi kung magsalita si Marjorie kaya nabibigla na talaga ako minsan pag nauutal siya.

Ewan ko, pero parang may parte sa utak ko na nalilinawan.

"Yung dahilan na yun... probably it's some personal reasons, pero maraming mga sitwasyon na nagiging manhid ang isang tao, na walang makakapagsabi kung bakit. Tadhana lang," duktong niya.

"At...?"

"Sinasabi ko lang na yung simpleng pagkakamali, may rason kung bakit nangyayari. Tulad ng punong ito, may mahuhulog na mga dahon, pero may tutubo at uusbong rin naman pagkatapos. Dahil dun, mas magiging maganda na 'to."

"Nakakaloko na yang mga example na yan ah. Haha."

Nakisabay siya sa tawa ko, mabuti naman. Kaso parang dama-dama ko yung mga sinabi niya, na para bang may ibigsabihin yun para sa kanya.

Ramdam ko sa mga mata niya yung sinseridad ng mga pinaparating niya sakin.

Parang paluha na siya na hindi ko alam.

"Gusto mo nang mas madaling example?"

"Sige. Ano naman yan ngayon?"

"Pag ang tela katulad ng isang panyo, nagkaron ng butas at nadumihan. Kung gusto mo talaga 'tong ayusin, hindi mo lang 'to ibabalik sa dating itsura nito. Papagandahin mo pa.."

Parang may naalala ako dun ah. Kaso parang ayoko pasukin yung ala-ala na yun ngayon eh.

"Panyo ang ginawa mong example.. Mmm. Interesante yan ah. Haha."

Biglang bumuhos ang ulan. Pero sa pagkakataong ito, hindi ako malungkot, masaya ako. Kaso nararamdaman ko na hindi nga ako ang sinasabayan ng panahon, kundi si Marjorie, para talagang may mali sa kanya.

"Ikaw talaga. Tignan mo yang sarili mo oh, basang basa na yung ulo mo, wag ka kasi dyan sa pwesto, natutuluan ka kaya."

May kinuha siya sa bulsa niya. Panyo ata, hindi ko alam. Nakatingin lang kasi ako sa maamong muka niya.

Nangangatog niyang pinunasan yung ulo ko. Nung ginawa niya yun, nakita kong lumuha siya.

Kinuha ko naman yung panyo na para ipangpunas naman sa mata niya. Nagulat ako, kasi dahil sa ginawang kong yun, umagos yung luha niya.

Ano ba nangyayari sa kanya?

"Ano ba Marj? Bakit ka ba umiiyak?," sabi ko habang pinupunasan yung mga sunod-sunod na luha niya.

Lumapit ako sa kanya.

Para ipagpatuloy ang pagpapatigil sa luha niya.

Nang may mapansin ako.

Napatigil ako sa ginagawa ko.

Yung panyong hawak-hawak ko ngayon.

Yun yung panyong......

SHT.

Kinuha niya yung panyo na yun sa pagkakahawak ko at binuklat.

"Katulad nitong *sob* panyo na 'to *sniff*. Nabasa yan, nadungisan, *sob* napunit, nasira. *sob* Pero nagawa ko parin 'tong ibalik sa dati. *sob* Hindi ko lang siya ibinalik sa dati, dinagdagan ko... *sob* ng mas kukumpleto para dito."

Kapansin-pansin nga yung dinagdag niya. Ang ganda ng pagkakatahi.

Parang sinagot niya yung.. LOST, FIND ME.

Sa baba nun, nakalagay.. FOUND YOU.

Kinuha ko na yung panyo na yun para tignan pa uli ng malapitan.

Binalik ko ang tingin ko kay Marjorie. Nagtataka talaga ako. Hindi rin ako makaimik, hindi ko magawang mabuka yung bibig ko para magsalita. Pero isa lang talaga ang ramdam ko ngayon, yung puso ko.

"BERNARD! *sob* WAG NA WAG MONG IISIPIN NA MANHID KA! *sob* KASI AKO? KAHIT NUNG HINDI MO PA AKO NAKIKILALA.. *sob* KELANMAN, HINDI KO NAISIP NA MANHID KA."

Nung hindi pa niya ako nakikilala? Ako ba yung lalaking tinutukoy niya sa mga kwento niya? Parang imposible, pano yun nangyari? Ano ba ibigsabihin niya? Lalong bumilis yung tibok ng puso ko, bakit?

Naguguluhan talaga ako sa punto ngayon. Hindi parin ako makapagsalita.

Pero may sumunod siyang ginawa na nagpalinaw sa lahat, na nagpaalis at nagpasintabi sa mga tanong na kusang bumubuo sa isipan ko.

Bigla niya kong hinalikan.

Isang halik na ramdam na ramdam ko.

Kapa ng mga pisngi ko ang mga luha niya habang nakalapat ang mga labi namin.

Humiwalay na siya.

"Naniniwala ako na naramdaman mo yun, hindi ka manhid."

Hindi parin ako makasagot.

Pero agad kong binalikan yung mga segundo nagdikit yung mga mukha namin at nakakasigurado akong naramdaman ko yun.

Sigurado ako na ngayon ko lang naranasan yun.

I'm sure my world stopped,

My time stopped.

My mind stopped,

My heartbeat stopped..

Tumigil ang lahat kahit sa maikling panahon lang.

Medyo kakaiba. Pero sigurado talaga ako.

In that moment,

Everything stopped.

-END-

Hello Insensitive. [ SHORT STORY ]Where stories live. Discover now