Hello Insensitive. 5 ~

15 0 0
                                        

Hinalikan ko siya..

Sa labi.

Pumikit ako para maramdaman ko yung halik na yun, para narin mas maramdaman niya na yung halik na yun.. na seryoso yun, totoo yun.

Unti-unti kong dinilat yung mga mata ko, para masilip kung ramdam nga niya.

Ang sakit.

Dilat na dilat siya, na para bang pinapakita niya sakin na wala talaga akong karapatan na gawin yun sa kanya.

Ang sakit lang talaga, na yung isang halik na yun, ni isang segundo, hindi niya nagawang tanggapin.

Mas mahapdi pa 'to kesa sa ginawa niyang pagtaboy sakin nung isang araw.

Sinusubukan na ako ni Lea na itulak para itigil yung ginagawa ko sa kanya.

Napaghiwalay na yung mga labi namin sa pagkakadikit.

"ANO BA BERN? BA'T MO BA 'TO GINA..."

Kaso nawala na ako sa sarili.

Agad ko uling inilapat yung labi ko sa kanya.

Baka sa sumunod na halik na 'to, maramdaman na niya.

Idiniin ko pa ang mga labi ko. Kasunod nun, ang biglaang pagtulo ng luha ko.

Pero wala eh.

Pinipilit parin niyang ilayo ako sa kanya. Ramdam ko na sa mga kamay niya yung galit niya. Ayaw niya talaga sakin.

Hindi rin nagtagal yung halik na yun, dahil binangasan na ako ni Jeriko.

*BLAG*

Napatumba ako.

"G×GO KA PRE! GIRLFRIEND KO YANG HINALIKAN MO!"

Sila na nga.

Grabe, ang sakit na talaga.

"PRE, ANO BANG PROBLEMA MO?!"

Napangisi ako.

Mukha kasing galit na galit ang loko. Pero akala niya nakakatakot na siya niyan, nakakatawa parin siyang tignan.

Kinailangan pa niya sigurong suhulan o iblackmail si Lea para lang maging sila.

"NAKAKAASAR NA YANG NGITI NA YAN AH!," sigaw pa niya.

Kahit nakatumba na ako at hindi parin tumatayo, linapitan niya parin ako para patikimin ng isa pang suntok.

*BLAG*

Nginisian ko lang siya.

Hindi niya lang alam, mas masakit pa yung mga nangyari samin ni Lea sa mga ginagawa niya ngayon.

"ANG TIBAY MO AH."

*BLAG*

Isa na namang suntok.

"ANG WEAK MO NAMAN. YAN LANG BA KAYA MO? SUSUNTOK KA NA NGA LANG, PARANG UNGGOY PARIN!"

Lalo siyang nagalit sa sinabi ko.

Dahil dun, tuloy-tuloy na suntok ang binigay niya sakin.

Sa totoo lang, binubugbog na niya ako.

Hinayaan ko lang siya na gawin 'to sakin, hindi ko rin naman ganun ramdam yung sakit. Wala talaga 'to sa mga tinatamo ko galing kay Lea.

Parang wala narin naman eh. Wala akong rason para lumaban.

"IKAW 'TONG MAHINA! EH HINDI KA NGA MAKATAYO DIYAN! IKAW 'TONG HINDI MAN LANG MAKAPUNTOS NG SUNTOK SAKIN!," sigaw niya habang sunod-sunod parin ang mga kamao niya.

"Psh.."

Tumigil siya sa pagsuntok nang bigla akong kumibo.

"Sapat na yung kanina. Wala rin namang patutunguhan kung gaganti pa ako. PATI NAAAWA AKO SA MUKA MO! ANO NA ITSURA NYAN PAG BINANGASAN KO PA?" sagot ko.

Hindi na siya nagsalita. Pero kita-kitang parin sa malagorilla na mukha ni Jeriko yung galit niya. Namumula na yung mga mata niya sa pagkakadilat.

Akala ko sasalubungin ako ng kamao niya dahil bigla siyang tumayo para paa naman ang gamitin sa pangbubugbog sakin.

Paulit-ulit niya lang akong tinatadyak-tadyakan.

Akala ko okey lang kay Lea yung mga nangyayari ngayon, akala ko okey lang sa kanya na nakikita akong nahihirapan.

Yun pala, kahit papano, may concern pa pala siya sakin. Inawat niya si Jeriko.

"TAMA NA YAN JERIKO!"

Agad naman siyang nagpaawat.

Humarap siya sakin.

"ANO BA KASI 'TO BERNARD? HINDI NA NGA NATIN KINIKIBO YUNG ISA'T ISA. HINDI NA NGA AKO NAGPAPARAMDAM SA'YO KAHIT NUNG MGA ARAW NA HINDI KA PUMASOK. TAPOS BIGLA KA NALANG MAGPAPAKITA, BIGLA KA NALANG MAG GAGANTO?"

Pinilit kong tumayo. Hindi rin naman ganun kalala yung nagawa sakin ni Jeriko.

Magsasalita na sana ako pero nagpatuloy pa si Lea sa pagsasalita.

"ALAM MO BERN? DAPAT HINDI KA NALANG MUNA PUMASOK. KASI KULANG PA ATA YUNG DALAWANG ARAW SA'YO PARA MAINTINDIHAN MO NA HINDI KITA MAHAL."

"Pero Lea. Ano yung isang araw, yung payong? Kahapon, yung basket? Ano yung mga yun? Nagmalasakit ka sakin nun Lea! ALAM KONG MAHAL MO RIN AKO KAYA GINAWA MO YUN."

"ANO?! ANONG PINAGSASABI MO? BA'T KO NAMAN GAGAWIN YUN?"

Psh. Grabe. In denial pa.

Oo, siguro nga hindi niya ako mahal, siguro nga hindi pa. Pero hindi naman niya kelangan ipagkait na siya yung gumawa nun.

Sigurado akong siya yun.

OO NGA PALA, nandito si Jeriko.

Nagsisinungaling siya para kay Jeriko, para hindi maghinala at masaktan 'tong nakakaawa na lalaki na 'to. Sila na nga pala, nakalimutan ko.

Mas mabuti siguro kung hahayaan ko muna si Lea ngayon. Hahayaan ko munang nakasara ang mga labi niya tungkol sa mga pagmamalasakit niya sakin nung mga araw na hindi ako nakapasok.

Maririnig ko rin mula sa kanya na siya nga yun.

"Wala. Kalimutan mo na yun," sabay ngisi ko.

Tumalikod na ko. Pero may nakalimutan pa pala ako na sabihin.

Humarap ako sa kanila.

"OO, SIGURO NGA DAPAT NAGKULONG NALANG AKO SA BAHAY NAMIN. Dapat hindi nalang ako nagpagaling. Dapat mas tumagal pa pala yung lagnat ko. AYAW MO RIN NAMAN ATA AKO MAKITA EH. Di ko rin sana kayo nakita na magkasama, nasaktan pa ko."

Tumalikod na ako.

Pero nagpatama pa ako.

"Dapat pala hindi ko na kinain yung mga binigay mo na yun."

Tapos umalis na ako.

Hello Insensitive. [ SHORT STORY ]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin