Hello Insensitive. 1 ~

109 1 0
                                        

Hello Insensitive ~ 

Bernard.

Benard Calinawan.

Yan yung pangalan ko. Ewan ko kung bakit hindi man lang niya magawang masabi yan.

Hindi ko alam kung bakit hindi niya ako magawang tawagin sa sarili kong pangalan.

Friend.

Yan lang tawag niya sakin.

Friend, patulong naman sa math.

 Friend, ang gwapo mo naman ngayon.

 Friend, pasabay ah.

Lagi nalang. Paurong tuloy ng paurong 'tong dila ko sa pagtatapat sa kanya. Kung alam niya lang talaga..

Noon pa man..

Mahal ko na siya.

Si Lea Requez. Ang babaeng pinakaminahal ko kung ikukumpara sa mga naging karelasyon ko.

Sa totoo lang, simula nung nahulog na yung loob ko sa kanya, hindi ko narin siya tinatawag sa pangalan niya.

Lab.

Yan. Tawag ko sa kanya.

Alam mo na, para naman matakpan ko yung palayaw niya sakin. Para narin kahit papano malaman niyang mahal ko siya.

Lab, ganto kasi formula dyan.

 Lab, ang gwapo ko ba ngayon?

 Lab, hatid na kita ah.

 Lab, tambay ka sa bahay mamaya.

Kaso parang wala eh. Hindi niya nagegets. Para sa kanya, simpleng call sign lang yun, simpleng pangtawag ko lang yun sa kanya. Bilang katuwaan lang...

Bilang kaibigan lang..

Siya lang 'tong pinoproblema ko kung bakit parang pinapamukha niya sakin na kaibigan lang ang tingin niya sakin.

Pero unti nalang talaga, sasabihin ko na talagang mahal ko siya.

Malay mo, sa ngayon, kaibigan ang tingin niya sakin. Kasi malay mo, akala niya, wala akong malisya sa mga ginagawa ko para sa kanya.

Malay mo...

Akala niya kaibigan lang rin siya para sakin.

Pero baka pag naging totoo ako sa nararamdaman ko at nalaman niya yun, magawa niya ring mahalin ako hindi lang bilang kaibigan niya.

Baka pag ginawa ko yun, magagawa kong linawan hindi lang ang isip niya kundi ang puso niya na may pag-asa kami, na may pag-asang maging kami,

Naniniwala ako,

Tiwala lang.

Sa dami ba naman ng mga naging syota at matagalang girlfriend ko, ngayon pa ba ko mahihiya at matotorpe.

Hindi ako torpe at alam ko yan sa sarili ko.

"Ano ba, friend? Hindi ka naman nakikinig eh. Ano ba kasi iniisip mo?"

Yan na naman siya.

Kakatapos nga lang pala ng klase ngayon. Pauwi narin kami, kaso tinulungan ko pa si Lea na maglinis ng classroom. Takas kasi yung ibang mga cleaners eh.

Pero nagpapahinga nalang talaga kami. Todo kwento pa nga siya kanina.

Tumingin ako kay Lea para sagutin yung tanong niya.

Hello Insensitive. [ SHORT STORY ]Where stories live. Discover now