"PLEASE! *sob* TAMA NA PLEASE! *sob* WAG NA WAG MO KONG MATAWAGTAWAG NA *sob* MANHID. KASI IKAW TONG TOTOONG MANHID!"
Ako? Manhid?
Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya.
"AKO PA TONG NAGING MANHID NGAYON?," sabay tanggal ko ng mga kamay ko sa braso niya.
Napakusot siya sa palda niya. Umiiyak parin siya.
"OO! *sob* TOTOO YUN! HINDI KITA MAHAL! *sob* WALA KONG NARARAMDAMAN PARA SA'YO. TOTOO RING *sob* KAIBIGAN LANG ANG TINGIN KO SA'YO. ANO? MASAYA KA NA BA?"
Natigilan ako. Nawala yung galit sa mga mata ko. Ang sakit pala.
" *sob* ANO? HINDI KA MAKASAGOT?! *sob* HINDI KA NAMAN SUMAYA EH, *sob* NASAKTAN KA LANG! ANG SAKIT DIBA? *sob* ANG SAKIT MALAMAN YUN? "
Nagpunas siya ng luha niya. Huminga siya ng malalim, pagkatapos nun, nagawa niyang patahanin yung sarili niya.
Ako naman, ewan ko, hindi ako makasagot.
"ANG SAKIT MALAMAN YUN NG HARAP-HARAPAN! ANG HIRAP TANGGAPIN YUNG MGA SALITANG YUN NG DERETSYAHAN!"
"Alam mo? Hindi ko maintindihan kung bakit andami mo pang dinadatdat. SAPAT na yung narinig ko. AYAW MO SAKIN, TAPOS!," agad na sagot ko nang makabalik na ko sa sarili ko.
Parang may gusto siyang ipaliwanag sakin. Kaso hindi ko makuha. Pero dahil kuntento narin naman ako sa mga narinig ko, tumalikod na ako para bumababa ng hagdan.
Kaso nagsalita pa siya. Kaya natigilan ako at huminto. Pero hindi ko na siya liningon.
"KAYA PINAPAKITA KO NALANG SA IBANG PARAAN, SA PARAANG HINDI KA GAANONG MASASAKTAN! GUSTO NGA SANA KITA IWASAN EH, KASO ANG BAIT BAIT MONG KAIBIGAN SAKIN. IBA KA SA KANILA! Ikaw lang talaga yung nakakaintindi sakin."
Dahil sa narinig ko, tumulo yung luha ko. Hindi ko mapigilan eh. Hindi ko yun pinakita, nakatalikod lang ako sa kanya.
"SA TINGIN MO IKAW LANG NAHIHIRAPAN? HUH? HIRAP NA HIRAP AKO BERNARD!"
Yung pangalan ko. Sa unang beses, nabanggit niya yung pangalan ko. Napapikit ako.
Wala narin siguro, nasabi narin naman niya sakin lahat. Sana talaga lahat na yun. Masyado na kasi akong nasasaktan, masyado na kaming nasasaktan dahil dito eh.
Kaso mukhang hindi pa ata.
Nakarinig ako ng mga hakbang papalapit sakin. Sigurado akong sa kanya yun.
"Hirap na hirap ako Bernard na alam na alam kong mahal mo 'ko, kaso hindi ko alam kung pano susuklian yang pagmamahal mo. Kasi, wala talaga. Sa totoo lang, sinubukan ko, pinilit ko. Kaso wala talaga eh."
Lumingo nako sa kanya kaso siya naman 'tong humarap sa kabilang direksyon.
"PANO KA NAGING MANHID? TINATANONG MO KUNG PANO KA NAGING MANHID?! Kasi hindi mo magawang maramdaman na hindi pedeng maging tayo, hindi mo magawang tanggapin NA WALA KONG NARARAMDAMAN PARA SAYO. Kasi Bern, hindi pa ba halata yun? KUNG NAINTINDIHAN MO LANG AKO, Hindi sana tayo AABOT ng GANTO!"
Umalis na siya papalayo, rinig na rinig kong nagbreakdown siya.
Akala ko ako yung unang magwowalk-out, siya pala. At alam niyo, siya naman talaga yung may karapatang magwalk-out.
Tuluyan nakong bumaba ng hagdan.
Pero bago ako umuwi.
Tumuloy muna ako sa CR malapit sa gate ng school, maghuhugas lang ako ng mukha. Gusto kong mahimasmasan sa mga nangyari.
![Hello Insensitive. [ SHORT STORY ]](https://img.wattpad.com/cover/6458827-64-k143458.jpg)