Aalis na sana ako pauwi nang biglang may lumapit sakin.
Nakapayong siya. Hindi ko siya makilala kasi natatakpan nung payong na yun yung mukha niya. Yung payong niya, halatang halata sa dilim, puti kasi at may polka dots na pink.
Napapansin ko ring nakatungo siya katulad ko.
Akala ko sisilungan niya ako ng payong niya. Hindi..
Binigyan niya ko ng panibagong payong.
Kakausapin ko sana siya at tatanong kung sino siya kaso bigla siyang tumalikod at umalis.
Hindi ko alam ang mga nangyari, parang ang bilis eh.
Basta dahil may payong na ko ngayon, gagamitin ko narin kahit basang basa na ko.
Sayang naman yung effort niya na ibigay sakin kung wala lang sakin.
Binuksan ko yung payong at napansin kong parehas nung sa kanya yung binigay niya sakin. Ang pagkakaiba nga lang, ito, may blue na polkadots.
Nagsimula na kong maglakad at ilang minuto lang..
Nakauwi na ko.
Dumeretsyo ako sa kwarto ko at humiga muna para magpahinga.
Kanina ko pa iniisip kung sino yung kaninang biglang lumapit sakin.
Parang napatungan nun yung sitwasyon namin ni Lea na inaalala ko. Parang bigla atang nawala yung galit ko dahil sa nangyari.
Wait. Hindi kaya si Lea yung lumapit sakin?
Psh. Imposible.
Pero pano kung siya nga yun at nagmalasakit siya sakin?
Pano kung narealize niyang mahal niya rin pala ako?
Hindi. Panigurado akong kung sakali ngang concern siya sakin...
Pang kaibigan lang yun.
Kelan man, hindi yun magiging higit pa dun.
Kaibigan lang ako para sa kanya eh.
Dahil na naman kay Lea, dahil na naman sa kanya, hindi ko nalang namalayan, nakatulog na pala ako.
At dahil nakalimutan kong magbanlaw at magpalit ng damit, paggising ko, sobrang sama na ng pakiramdam ko. Nanginginig na ako sa sobrang ginaw.
Linagnat ako. Syempre hindi ako papasok.
Okey narin 'to, kahit papano makakarecover pa ako sa mga nangyari. Atlis, pagpasok ko sa susunod, handa na kong makita siya.
Inaalagaan ako ni mama pag may oras siya, kaso halos buong araw nasa opisina siya, kaya ako lang talaga nagpapagaling sa sarili ko. Yung tatlo kong kapatid, nasa kani-kanilang klase.
Sa lahat ng pakakataon, todo pahinga lang ako at syempre kelangan hindi ko makakalimutan na uminom ng gamot.
Nasa higaan lang ako buong magdamag. Tinatamad rin naman akong gumalaw kaya okey lang. Wala rin akong ganang kumain lagi, kaya hindi narin ako nag-aaksaya ng oras para maghanap ng makakain.
Kinabukasan, hindi parin ako pumasok. Masama pa pakiramdam ko eh.
Akala ko same routine lang kahapon yung mangyayari ngayong araw.
Kaso habang nagpapahinga ako, may biglang kumatok samin. Kahit wala akong gana para tumayo, sinubukan ko paring pagbuksan yun. Kelangan eh. Kesa naman pabayaan ko mapudpod yung kamao niya kakakatok.
Tumigil na yung pagkatok. Kahit ganun ang nangyari, binuksan ko parin ang pintuan.
Wala namang tao.
Ngayon pa talaga may mantitrip sakin, nakakainis.
Lumabas ako ng bahay namin at baka maabutan ko pa yung nantitrip sakin.
Nang muntikan na akong mapatid.
Tinignan ko kung ano yun.
Nabigla ako.
Isang basket. Puro prutas yung laman.
Agad ko namang dinala sa loob ng bahay namin at linagay sa mesa ng kusina.
Sino kaya nagpadala nito?
May nakita akong sulat na nakasiksik sa gilid nung basket.
Uy magpagaling ka para makapasok ka na, namimiss na kita. Haha.
Sino kaya 'to?
Grabeng effort 'to eh. Ang pangit naman kung hindi ko man lang 'to masusuklian.
Sino pa ba pedeng makamiss sakin?
Sino pa nga ba?
Di si Lea.
Si Lea lang talagang posible magbigay sakin nito.
Si Lea lang talaga.
Napangiti ako.
---------------------------------
Dalawang araw.
Dalawang araw akong nawala.
Pero ngayon handa na kong pumasok at makita siya.
Maganda ang araw ngayo't maayos na ang pakiramdam ko. Effective yung mga prutas na ibigay niya sakin eh.
Umalis na ako ng bahay.
Ewan ko. Parang ang gaan ng pakiramdam ko, parang ang saya-saya ko. Ito nga't nakangiti ako habang naglalakad eh.
Malapit na ako sa school.
Deretsyo lang ang tingin ko kaso hindi naiwasan ng mata ko na may mapansin.
Napalingon agad ako.
Tama nga ang hinala ko.
Si Lea nga.
Kaso kahit naisip ko nang siya nga yun, nagulat parin ako.
Kasi kasama niya yung unggoy na yun, si Jeriko.
Ang masakit, alam nyo kung ano?
Magkaholding hands sila.
Pero bakit?
SILA NA? Pero pano nangyari yun?
Tsk. Naiinis ako, ewan ko, basta nanggigigil talaga ako sa galit.
Hindi ko kaya 'to.
Hindi ko kayang masadyang hayaan silang ganyan.
Hindi na ko nagdalawang isip. Tumakbo ako papunta sa kanila. Sinunggaban ko si Jeriko ng suntok.
*BLAG*
Napahakbang siya paatras.
Tinignan ko si Lea. Ramdam ko yung gulat at takot sa mga mata niya.
Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ginawa ko at kung ano na gagawin ko ngayon. Naguguluhan parin ako eh.
"NABABALIW KA NA BA PARE?!," sigaw ni Jeriko.
Agad na kong linapitan ni Jeriko para gumanti, pero mabilis ko siyang tinulak palayo.
Humarap uli ako kay Lea. Sa pangalawang beses, hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya.
Hinalikan ko siya..
Sa labi.
![Hello Insensitive. [ SHORT STORY ]](https://img.wattpad.com/cover/6458827-64-k143458.jpg)