Nagsasaya lang ako ngayon kasama ang tropa.
Nasa canteen kami.
Ang ingay namin, puro tawanan, biruan. Grabe mga trip eh, pinaghahalo yung suka, toyo, ketchup, patis, calamansi, mayonnaise, at chili sauce tapos pinangsasawsaw sa hotdog. HAHAHA.
Nang biglang napadaan si Marjorie.
"Hi Bernard," salubong sakin ni Marjorie
"Oh Marj.. san ka? may sasabihin pala ako sa'yo," bungad ko naman.
Tumayo na ko at lumapit sa kanya.
"Yung babae naman ni Bern oh. Nandiyan na naman oh," sabi ng isang tropa ko.
"Iiwan na naman kami. Ipagpapalit na naman kami para sa isang babae. Nasa kalagitnaan ng kasiyahan eh," panama nung isa kong tropa.
"Uy Bern ah! Yung assignment, pakopya mamaya," paalala naman sakin nung napakasipag kong tropa.
Tinango ko nalang sila lahat at nginitian.
Inakbayan ko si Marjorie at itinuro sabay sabi ng, "We're just friends."
Nginitian lang niya ko.
"Sa ngayon!," sigaw nung tropa ko.
Oo, siguro nga. Sa ngayon, kaibigan lang kami ni Marjorie. Hindi ko alam, basta alam ko na masaya kaming magkaibigan kami.
"Sige mga 'tol, balikan ko nalang kayo, may kelangan lang talaga akong ikwento dito."
"Lagi naman," singit pa nung loko.
Nakangiti lang si Marjorie.
Umalis na kami sa canteen at naglakad papunta sa garden.
Dito tambayan namin eh.
"Ano yun Bern?"
"Si Lea kasi."
"Akala ko ba tanggap mo na?"
"Yun na nga. Tanggap ko na. Kaso gusto ko sana magkaayos kami ng pormal, na maging magkaibigan ulit kami. Parang nung dati lang."
"Alam mo naman sigurong mahirap yun. Madaling linisan ang isang gamit kung alikabok lang, pero sa puntong nagasgasan na 'to, mahihirapan ka na."
"Ano ba yan Marj. Umiiral na naman yang pagkanerd mo eh."
Tumawa ako.
Kaso laking gulat ko ngayon na hindi siya sumabay sa tawa ko. Parang may mali sa kanya ngayon, sa totoo lang, kanina pa siyang ganyan. Lutang.
"Bakit Marjorie? May nasabi ba ko? Kanina ka pa ganyan ah. Anong problema? Dali, libre ako para makinig."
"Ah k-kasi. Sa totoo nyan Bern. May kelangan ako sabihin sa'yo at kelangan masabi ko na yun sa'yo ngayon araw.. k-kung hindi..."
"Kung hindi..?"
"Wala. Sabihin mo muna yung sa'yo. Gusto kong marinig muna yung kwento mo. Tara dun sa damuhan, sa ilalim nung puno ng mangga. Umaambon ata eh."
Umaambon nga. Nakakainis yang ulan na yan. Naaalala ko lang yung samin ni Lea. Pero hindi, kasama ko ngayon si Marjorie, kaya kelangan ko na talagang masanay na wala na yun sakin.
Pumunta na kami dun para narin sumilong.
"Ano ba dapat gawin ko kay Lea, Marj?"
![Hello Insensitive. [ SHORT STORY ]](https://img.wattpad.com/cover/6458827-64-k143458.jpg)