Dumeretsyo na ako papunta ng school. Tumakbo na ko para mabilis.
Kahit mahirap, kahit may kumikirot-kirot pa yung mga katawan ko, sinubukan ko parin. Hindi naman 'to ganun kasakit eh.
Nakarating agad ako sa eskwelahan namin.
Pero dahil maaga-aga pa naman, nagsimula na akong maglakad ng mahinahon para naman magawa kong makahinga ng maayos.
Napapansin kong pinagtitinginan ako ng ibang mga estudyante dito.
Kapansin-pansin naman kasi talaga na nabugbog ko.
Siguro nagulat rin sila, na kahit ganito ang nangyari sakin, ang gwapo ko parin.
Papunta na ako sa hagdan para pumunta sa classroom namin nang may nakabanggaan ako.
Napaaray ako.
Itong braso ko kasi talaga pinakapinuntirya nung lokong yun.
Hindi ko na sana papansinin yung nakabangga sakin.
"Sorry.. Hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko."
Babae to. Ang pangit naman tignan kung hindi ko man lang iaacknowledge yung pagsosorry niya.
"'Di ok lang miss, ako nga 'tong hindi tumitingin. Pasen..."
Hindi ko na natuloy yung sinasabi ko, yung reaksyon niya kasi, parang gulat na gulat. Ang cute ng itsura niya. Parang nagulantang na pusa. Haha.
Natawa ako.
"...Okey ka lang ba miss?"
"B-bernard Calinaw-wan?"
Panong alam niya pangalan ko. Ngayon ko lang siya nakita eh.
"Kilala mo 'ko?" agad na tanong ko.
"Ah w-wala. Nabasa ko lang sa ID mo. Pati yung itsura mo kasi.."
Ano nga ba meron sa itsura ko. Ah, oo nga pala. Nakalimutan ko, pinagsusuntok at pinagtatadyak nga pala ako kanina.
"Ah. nabubog ako eh."
"Nabugbog? o nagpabugbog? tignan mo kaya sarili mo!"
Ba't ba parang ang highblood nito? Ngayon pa lang naman kami nagkikita, kung makapag-alala eh. Pero ang cute parin niya. Haha.
"Concern? Close tayo?"
"Ewan ko sa'yo. Basta ang alam ko masama yang kalagayan mo. Dadalin kita sa clinic, halika!"
Hinila niya ako.
Ako, syempre nabigla.
Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating na kami sa clinic ng school.
Pagpasok namin. Napansin namin na walang school nurse na nagbabantay.
"Wala naman palang nurse dito eh. Pano yan? Mauna na ko."
"Ano ka ba? Nandito na tayo eh. Ako nalang maggagamot sa'yo."
"Huh?"
"Dali na. Baka magkaron pa ng bacterial infection yang mga sugat mo."
Wala na kong ginawa. Hinayaan ko nalang siya na gamutin ako. Ang galing niya mag-alaga, napakausisa, ni isang sugat walang pinapatos. Sobrang ingat, akala mo isang pagkakamali, bubukas yung sugat ko o bubulwak yung mga pasa ko.
Kahit napapaaray ako, nagagawa ko paring ngumiti dahil sa mga kinikilos niya.
Ewan ko, ang kulit eh.
![Hello Insensitive. [ SHORT STORY ]](https://img.wattpad.com/cover/6458827-64-k143458.jpg)