Lagi na niya ko kinukulit simula nun. Araw-araw, kada libreng oras, linalapitan niya ako.
Sabi niya, kaya niya daw gusto harborin 'tong panyo na 'to kasi gusto niya yung kulay. Sa totoo lang, hindi ka narin magtataka kung pano nangyari yun, lahat kaya ng accessories na makikita mo sa kanya, dilaw. Lahat talaga, dilaw.
Ang isa pa daw na nagustuhan niya sa panyo na 'to, yung nakalagay na print. May nakalagay na, 'LOST, FIND ME.' Ang cute daw kasi.
Malay ko kung ano meron dun.
Tatlong araw ang nakalipas, ganun parin ang mga nangyayari.
Hanggang sa napansin ko nalang na nawawala yung panyong araw-araw kong linalabhan para dalhin at ipang-asar lang sa kanya.
Nalaman ko nalang na nasa kanya na pala.
Oo, nakuha nalang niya ng basta basta.
Inaasar pa nga nya ako sa araw-araw na pagpasok ko, salamat daw sa panyo. Ang sama eh.
Pero sa totoo lang, naiinis ako. Ewan ko kung sa kanya o sakin. Basta nung nawala sakin yung panyo ko, parang lagi akong iritado.
Ayaw na ayaw ko siguro talagang nakukuhaan ng sakin.
Wait lang. Nagagalit ba ako dahil naagawan ako ng gamit?
O.. nararamdaman ko 'to kasi dahil ngayong nakuha na niya yung panyo ko, malamang hindi na niya ako kukulitin.
Ewan. Sa kanya na nga yung panyo na yun. Magsama silang dalawa.
Isang araw ang sumunod.
Hindi ko sadyang iniwasan siya. Hindi ko talaga sinasadya, eh parang wala ako sa mood eh. Wala akong magagawa.
Nakaupo ako sa sulok. Kakatapos ko lang magsoundtrip at kakatanggal ko lang ng earphone ko.
Patayo na sana ako ng biglang lumapit sakin si Lea at hinila ako para umupo uli.
"May surprise ako sa'yo."
Hindi na ko nakapagsalita nang agad siyang pumunta sa likuran ko.
Piniringan niya ko.
"Ano 'to Lea?" tanong ko.
Hinila niya ako para tumayo.
Akala ko kakaladkarin ako kung saan pero nakakabigla na inikot lang niya ko.
Inikot lang niya ko ng inikot.
Pinagloloko lang ata ako nito eh. Mababadtrip talaga ako.
"Ayan na. Tanggalin mo na yung pagkakapiring mo."
"Ano ba yan Lea. Halata namang hindi mo ako dinala kung saan eh."
"May gagawin pa ako." sabi ko pa habang tinatanggal na yung piring.
Nakakakita na ko. Nasa harap ko lang siya't abot tenga ang ngiti na para bang natatawa. Ano bang meron?
"San na ang surprise?"
"Na sa'yo na."
"Ano? Na saken?"
"Haha. Oo. Hawak mo na nga eh."
Hawak ko?
Tinignan ko kung ano nga ba hawak ko.
![Hello Insensitive. [ SHORT STORY ]](https://img.wattpad.com/cover/6458827-64-k143458.jpg)