Hello Insensitive. 6 ~

Start from the beginning
                                        

Ilang minuto na ang nakakalipas nang mapansin kong ang tahimik pala. Sobrang tahimik. Ako na ang naunang bumasag nito.

"Ano nga pala pangalan mo?"

"Ah ako?"

Hindi ko nang hinayaan na sumagot siya. Hinawakan ko ang ID at ibinaliktad para makita ang harap nito.

Nabigla ata siya kaya agad niyang binawi yung ID niya para bitawan ko. Pero nagawa ko paring mabasa yung first name niya.

"Marjorie..?"

Tumango lang siya.

"I-ikaw? Ano nga pala uling pangalan mo? K-kanina lang k-kasi kita nakita?"

Ba't nauutal 'to?

"Bernard. Bern nalang itawag mo sakin."

Inalok ko siya ng kamay, kinuha naman niya ito. Nice, may bago akong babaeng kaibigan, bagong chiks. Haha.

"Oh sige. Ok na. Tara na, pasok na tayo sa mga klase natin. Sa susunod kasi... lumaban ka," sabay tayo namin.

"Wait lang. Pano mo naman nalaman na hindi ako gumanti kahit isang suntok?"

"Bakit? Hindi pa ba halata sa itsura mo?"

Tumingin ako sa salamin ng clinic.

"Ano meron sa itsura ko? Gwapings parin naman ah."

"Wow ah. Ang kapal. Haha."

"HAHAHAHA!"

Ngayon nalang uli ako nakatawa ng ganto ah. Ayos 'tong babae na 'to ah. Masaya 'tong maging kaibigan panigurado.

Friends lang syempre. Alam mo na, na kay Lea parin 'tong puso ko eh. Kahit nasasaktan, hindi agad-agad 'to sumusuko. May hindi pa siya naaamin sakin.

Balang araw, maririnig ko rin talaga yun mula sa kanya.

--------------------------------------

Marjorie Reyes.

Yan yung buong pangalan ni Marjorie.

Naging close kami simula nung ginamot niya ko, kaya imposibleng hindi ko yun malaman. Imposible na hindi ko malaman kahit yung mga maliliit na detalye tungkol sa kanya. Hindi ko na iisahin yung mga yun, baka abutin tayo ng college life ko.

Lagi kaming magkasama. Lalo na kapag hindi ko makasama yung mga tropa ko.

Nagtatampo na nga sakin yung mga yun minsan, kasi may mga pagkakataon talaga na si Marjorie yung pinipili ko na makasama. Ang gaan na ng pakiramdam ko sa kanya eh.

Dalawang linggo na kaming ganito.

Kung iniisip niyo na nagkakamabutihan na kami ni Marjorie. Hindi yan totoo.

Sa totooo nyan, isinasangguni ko kay Marjorie yung tungkol kay Lea. Lagi niya lang sinasabi sa huli, "Basta kaming mga babae, kung magmahal kami, tagusan. Wag na wag mo kaming pipilitin kasi alam namin kung ano yung gusto at ayaw namin."

Pag siya naman ang topic, kahit medyo iwas siyang pag-usapan yung lovelife niya dahil kakabreak lang nila nung ex niya, nagagawa parin naming pag-usapan uung lalaki na yun. Kung pano siya nakamove-on dahil sa isa pang lalaking nagawa niyang mahalin nang hindi linalapitan. Love at first sight daw. Haha.

Nakakatawang isipin na sa daldal ni Marjorie, hindi niya nasubukang kausapin yung lalaking pinapangarap niya na yun. Imposible namang hindi magawa nung lalaki na yun na pansinin pabalik si Marjorie. Ang saya kasi talaga kasama nitong babae na 'to. Grabe energy lagi eh.

Si Lea naman. Yun, laging kasama si Jeriko. Mukha talaga silang masaya kaya minsan hindi ko narin sinusubukan na lapitan siya.

Sa totoo lang, nitong mga nakaraang araw, sinusubukan ko kahit mahirap. Kaso bigla siyang umaalis. Padating palang ako, bumebwelo palang ako para kausapin siya, wala na agad siya. Pagkatapos ba naman nung mga nangyari na yun, talagang iiwasan niya ko.

Okey narin ako. Okey narin sakin. Pakiramdam ko, parang nasasanay na ako. Hindi naman sa namamanhid na ko, sa tingin ko lang talaga parang tanggap ko na.

Yung tungkol naman dun sa payong tapos yung mga prutas. Parang wala na sakin, bakit ko pa ba yun alalahanin? Kahit rin naman aminin niya na talaga yun, walang mababago sa katotohanang hindi kami pwede.

Kung nagmalasakit nga siya sakin nung mga araw na yun, tanggap ko na ginawa niya yun dahil kaibigan niya ako.

Nandiyan naman si Marjorie. Natatakpan niya yung atensiyon ko para kay Lea. Nagagawa niyang palitan yung galit na nararamdaman ko para sa sarili ko at selos na nararamdaman ko para kay Lea at Jeriko.

Masasabi kong masaya na ako.

Kaso minsan talaga nalulungkot ako, kasi hinihiling ko parin hanggang ngayon na sana maibalik yung dating samahan namin ni Lea. Kahit hindi na humantong sa pagiging kami, basta maisalba lang yung pagkakaibigan namin.

Kaso parang wala eh. Ayaw pa niya.

Parang kinalimutan na nga niya ata ako.

Pero kahit ganito ang sitwasyon, hindi ko parin masisigurado sa sarili ko na kaya ko na uling magmahal. Pati wala pang dumadating eh.

Ang saya lang pala talaga pag kaibigan lang. Wala masyadong commitment, saya-saya lang, enjoy-enjoy lang. Suportahan lang sa lahat.

Basta pag dumating na siya, wag siyang mag-alala dahil sasalubungin ko siya. Dadating ang dadating, mawawala ang mawawala, at mahuhulog ang mahuhulog.

Basta yun.

Hello Insensitive. [ SHORT STORY ]Where stories live. Discover now