Hello Insensitive. 3 ~

Start from the beginning
                                        

Napangiti ako.

Yung panyong ninakaw niya sakin. Haha. Ito pala yung pinangpiring niya.

"Oh Lea. Ba't bigla mo atang binalik 'to? Anong meron?," Nagtataka pero natatawa kong sabi.

"Wala. Napapansin ko kasing lumungkot ka pagkatapos ko makuha yang panyo mo. Antahimik mo kaya."

"Kasi..." hindi ako makaisip ng rason. Bakit nga ba?

Lumapit siya sakin. Halos magkadikit na kami.

"At ito pa pala. Haha."

Kinuha niya yung panyo ko tapos binuklat.

"Basahin mo 'to." duktong niya.

Alam ko na yung nakalagay pero tinignan ko parin at parang uto-uto kong binasa yun.

"LOST, FIND ME."

"Ayan. Para ka kasing nawawawala lagi. HAHA."

"Ano?"

Kinuha niya yung kanang kamay ko tapos inilagay niya yung panyo sa palad ko.

Buhat-buhat lang niya yung kamay ko.

Hindi ko alam, pero hindi talaga ako makaimik kahit isang hinga man.

"Ngayon ibinibigay ko sa'yo to. Kasi nahanap na kita."

Dahil sa sinabi niya, napatitig ako sa kanya.

Nagkatitigan lang kami saglit. "Oh yan, sa'yo na yan. Haha." Tapos umalis na siya.

Naiwan lang ako dito na nakatayo, nakatulala, at wala sa pag-iisip. Paulit-ulit kasi sa utak ko yung huling sinabi niya.

Kasi nahanap na kita.

Kasi nahanap na kita.

Kasi nahanap na kita.

Parang may ibang tama sakin eh.

Napag-alaman ko nalang.. tuluyan na kong nahulog sa kanya.

Malinaw na sakin...

Mahal ko na siya.

Akala ko magiging masaya ang lahat ngayo't sigurado na ako sa nararamdaman ko.

Pero hindi pala.

Simula kasi nun. Parang may nag-iba sa kanya, sa aming dalawa.

Sinusubukan kong sabihin sa kanya yung nararamdaman ko, kaso lagi na siyang iwas eh. Mahirap talaga. Seryoso na ang usapan tapos bigla nalang niyang puputulin yung tsansa kong yun.

Ewan ko kung nananadya na 'tong si Lea o tadhana lang talaga.

Dumating sa punto na hindi na niya ako pinapansin.

Kaso hindi niya rin ako natiis at nagawa uli naming maging malapit sa isa't isa kaagad. Iba ata dating ko. Wala atang makakatiis kung gwapong katulad ko ang mangungulit.

Kaso wala paring nagbago, parehong problema parin.

Parehong problema na ininda ko ng ilang buwan.

Problemang hindi ko akalaing hahantong ng ganto...

Problemang mas naging mahirap hindi lang para sakin kundi para saming dalawa.

-END OF FLASHBACK-

Biglang lumakas ang buhos ng ulan.

"BWISIT. Ayoko na ngang alalahanin yung mga yun. Lalo lang akong naiinis sa sarili ko."

Nanggigigil kong hinigpitan ang pagkakahawak sa panyo ko.

Naiinis ko yun na binato.

At kumaripas na ako ng takbo pauwi.

Yun yung panyong dahilan ng pagiging malapit ko kay Lea. Binabalewala ko na yun.

Kung iisipin mo, kung wala sana yung panyo na yun, di sana hindi na kami naging close sa isa't isa, di sana wala tong mga kabwisitan sa buhay na 'to.

Bala yung panyo na yun. Wala kong pake dun.

Malapit na ako sa bahay namin at papasok na sana sa gate namin.

Kaso bigla kong inalala yung panyong binato ko kanina lang.

Siguro.. wala namang kinalaman yung panyo na yun sa nangyayari ngayon. Babalikan ko nalang, sayang pala.

Kahit basang basa na ako, bumalik parin ako sa mga dinaanan ko at sinubukang hanapin yun.

Kaso wala eh.

Hindi ko talaga mahanap, kahit sigurado ako na nandito lang yun dito kung saan.

Nasan na ba yun?

Lalong lumakas yung ulan.

"BWISIT NAMAN TALAGA."

ANO BA INIISIP MO BERN? ANO BA TALAGA YANG NASA ISIP MO? DIBA NGA PINAGTABUYAN KA NA? DAPAT WALA NA TALAGA YUNG PANYO NA YUN SA'YO NGAYON.

Tumigil na ako sa paghahanap.

Tumayo lang ako at itinungo ang ulo ko. Napabuntong hininga ako.

Dinadaan ko nalang sa paghinga ng malalim yung ginaw na nararamdaman ko. Sa totoo lang, linalamig na kasi talaga ako.

Aalis na sana ako pauwi nang biglang may lumapit sakin.

Hello Insensitive. [ SHORT STORY ]Where stories live. Discover now