Tinignan ko yung sarili ko sa salaming nasa harapan ko. Namumula pala mata ko. Grabe.
Nakatitig lang ako sa sarili ko.
Ako nga ba? Ako nga ba yung manhid?
ANG TANGA TANGA KO!
Tsk.
Nadadala na naman ako ng galit ko.
"ANG SAMA MO BERN! BABAENG PINAKAMAMAHAL MO, NAGAWA MONG SAKTAN. MAS NASAKTAN PA SIYA SA'YO. TANDAAN MO YUN! ANG SAKIT NUNG GINAWA MO!," sigaw ko habang dinuduro-duro yung sarili ko.
Kung may nakakarinig man sakin ngayon, wala na kong pake dun.
Isinara ko na yung gripo, tsyaka winisik yung kamay ko.
Tsk. Nakakainis talaga.
Palabas nako ng CR, pero dahil sa galit ko, sinipa ko pa yung trash can na katabi lang ng labasan.
"ANG SELFISH MO BERN!," sigaw ko.
Tapos padabog nakong umalis.
Totoo naman eh. Ang selfish ko kasi! Ang selfish selfish ko. Dahil masyado ako nagiging makasarili, tignan mo napapala ko. Kaya pala sila nakikipagbreak sakin. Tss.
Mas ok pa pala yung dati eh, yung ako lang yung nasasaktan. Kaysa ngayon, mas masakit, kasi alam mong may nasaktan ka, may nadamay ka. Paulit-ulit sa isipan mo yung mga nagawa mo.
------------------------------------
Naglalakad nako pauwi.
Ang sakit isipin na hindi ko siya kasama ngayon, samantalang araw-araw kaming magkasabay pauwi.
Alam mo kung ano pa yung mas masakit? Pagkatapos nito, mamaya, kahit kinabukasan, iba parin ang lahat. At sa mga susunod na araw, magiging ganto parin.
Dapat talaga, hindi ko nalang pala sinabi.
"HOY BERNARD!"
Sino naman 'to?
Mula sa pagkakatalikod ko, may palakas na palakas na mga hakbang.
Mukhang may tumatakbo papunta sakin.
*BLAG*
May sumapak sakin. Ga×o to ah.
Mabilis akong lumingon pagkatapos kong bumagsak dahil sa pagkakasapak sa'kin, wala kong kaaalam-alam eh.
Si Jeriko to ah.
Manliligaw ni Lea.
"T×R×NT×DO KA BERN AH! ANONG GINAWA MO KAY LEA?"
Psh. Akala nya natatakot ako sa kanya.
Seryoso lang ang mukha ko.
Sinimulan niya akong kwelyuhan.
Nanlalaki yung mga mata niya. Ang pangit niya.
Napapangisi tuloy ako.
"NAKAKANGITI KA PA NYAN PAGKATAPOS MO PAIYAKIN SI LEA? MAHAL NA MAHAL KO YUN PARE!"
Tinulak ko siya para ialis ang pagkakapit niya sa polo ko. Nagugusot eh.
"PEDE BA JERIKO? MAS MAHAL KO PA SI LEA KESA SA'YO! PATI ANG PANGIT MO JERIKO, WALA KANG PAG-ASA! MUKA KANG... MUKA KANG HIGANTENG TARSIER PRE! ALAM MO BA YUN! Ha-ha! "
"ANO SABI MO?"
Mas nanlaki yung mata niya.
"AT ANO KA BA? HINDI MO KILALA SI LEA! WALA KANG BINATBAT SA PINAGSAMAHAN NAMIN! SIMULA PA NUNG UMPISA! PINAGMUMUKHA MO LANG TANGA YUNG SARILI MO!" nakangisi kong sigaw.
Hinanda ko na ang sarili ko dahil sa pang-aasar ko. Kaso hindi niya ako sinugod. Laking gulat ko na nginitian niya lang yung mga sinabi ko.
"PINAGSAMAHAN? HAHA! EH NASAN NA YUN NGAYON? HUH? NASAN NA YANG PINAGSAMAHAN NIYO."
Nagpatuloy siya sa paghalakhak.
"WALA NA DIBA? SINAYANG MO LANG YUN! LAHAT YUN, SINAYANG MO LANG! AKO TANGA? HINDI BERN, IKAW YUN! HINAYAAN MO LANG TONG MGA TO NA MANGYARI. ANG BOBO MO PRE!," duktong pa niya.
Nanlisik yung mga mata ko dahil sa mga narinig ko.
Bobo pala ah.
Pasugod na sana ako. Kaso biglang may mga mabibilis na hakbang na naman akong narinig.
Hindi ko na pinansin. Bumwelo na ako para patikimin si Jeriko ng malakas na suntok ko.
Ngunit isang sigaw ng babae ang nangibabaw.
"PLEASE NAMAN BERNARD, TAMA NA 'TO!"
Si Lea.
Kasalukuyan siyang nakahawak sa kamay kong ipangsusuntok ko sana.
Napatulala ako sa kanya nang ilang saglit.
Mukha siyang isang tutang nagmamakaawa.
Dahil malakas sakin 'tong si Lea. Agad kong binaba ang kamay ko at tumayo ng tuwid. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko, o kung may dapat nga ba akong sabihin sa kanya.
"ANO BA 'TO?! Bern? Hindi ka pa ba kuntento kanina kaya PATI SI JERIKO SASAKTAN MO?"
Ano? Ako pa 'tong ngayon ang parang nagsimula ng away. Parang ako pa ngayon ang masama.
Hinawakan ni Lea ang braso ni Jeriko sabay sabing, "Tara na. Wag na natin pag-aksayahan ng oras ang hindi marunong makiramdam."
Ah oo nga pala. Ako ang manhid, hindi siya. Ibigsabihin, ako ang mali, si Jeriko ang tama. Si Jeriko ang kakampihan. Ako? walang wala na.
"Wait lang Lea!" pahabol ko.
"Alis na kami baka kung ano pa lumabas sa bibig mo eh," pagalit na sabi ni Lea.
At bigla ko nalang napansin, wala na pala sila. Mag-isa nalang ako ngayon. Masyado rin ata kasi akong natigilan sa sinabi ni Lea, parang hindi matanggap ng puso ko. Ang sakit.
Napabuntong hininga ako at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
Pinipilit kong pigilan ang sarili ko na lumuha, kaso hindi ko kaya eh. Tinago ko nalang ang mga mata ko gamit ang panyo ko.
Itong panyo na 'to.
Naalala ko. Ito yung panyo na hinarbor niya sakin. Ito yung rason kung bakit kami naging malapit sa isa't isa,
-FLASHBACK-
Nagkakaron ng activity at tapos na ang karamihan sa mga kanya-kanyang gawain.
Nanahimik muna ako,
Nakatakip ang mukha ko ng panyo nang bigla nalang may lumapit sakin.
Si Lea. Ngayon lang 'to nakipag-usap sakin ah.
"Uy, ikaw kung sino ka man. Alam mo, gusto..."
Kinabahan ako. Magtatapat ba 'to? Isa na naman ba 'to sa mga tinamaan sakin?
"...ko yang panyo mo, type na type ko. Paarbor!," duktong niya.
Ah.. yun lang pala. Akala ko magkakaron na agad ako ng girlfriend. Ang ganda kaya nito ni Lea.
Kaso andaming haters. Ewan ko kung bakit. Madami atang inggit.
Nginitian ko siya.
"Pag-iisipan ko. Haha."
"Ay. Dali na."
"Pag-iisipan ko nga."
"Ayusin mo yang pag-iisip mo ah. Sige, magagalit ako sa'yo," patawa niyang sabi.
"Bakit? Close tayo? Haha."
Tumawa nalang siya tapos umalis.
Nakakainis, hindi maaalis sa mga labi ko yung ngiti ko. Ewan ko ba. Ang saya siguro maging kaibigan yun si Lea.
Hello Insensitive. 2 ~
Start from the beginning
![Hello Insensitive. [ SHORT STORY ]](https://img.wattpad.com/cover/6458827-64-k143458.jpg)