"Ewan ko sa'yo. Basta oo na lab! Ako na bahala sa mama pati papa mo."
Itinaas ko na yung ulo ko, hinila ko narin yung kamay ko para tumungo. Kaso yung kabila naman ang kinuha niya tapos hinilot rin niya.
Hindi ko na siya napigilan.
"Yun oh! Sabi ko na nga ba hindi mo ko matitiis eh."
"Mahal kita eh," bulong ko.
Kanina pako nagpaparinig. Kaso ang pagkakaiba nga lang ngayon, na nakakapanibago lang talaga, nagawa niyang marinig yung sinabi ko. Oo, sa tingin ko narinig nga niya.
SA WAKAS, narinig niya rin ako!
Mukha siyang nabigla sa lumabas sa bibig ko, hindi maipinta yung ngiti niya.
Kahit ako, nabigla ako sa sinabi ko. Ngayon lang lumabas yung mga salitang yun sa bibig ko.
Ngumiti siya nang hindi nakatingin sakin.
"Ha-ha! I love you too."
Parang naputulan ata ako ng hininga ng saglit dahil sa narinig ko.
"Magkaibigan tayo eh."
Psh. Yun lang pala ako, akala ko pa naman totoo na.
Sumusobra na talaga 'to. Sinabihan ko na nga mahal ko siya, wala parin para sa kanya. Naiinis na talaga ako.
"ANO BA LEA! TOTOO YUNG SINABI KO!"
Napatayo ako.
Pasensya na. Hindi na talaga kinaya ng puso ko.
Napalunok naman siya dahil sa sinigaw ko.
"B-bakit? Totoo rin naman yung s-sinabi ko ah. M-magkaibigan tayo."
Grabe, ang manhid!
"ANG MANHID MO NAMAN LEA! MAHAL KITA! Gusto mo ulitin ko para mas maintindihan mo. MA-HAL-KI-TA! Ba't ba parang hindi mo ramdam yun?! Ba't ba pakiramdam ko, gustong gusto mong pinaparamdam sakin na kaibigan lang ako para sa'yo?"
Wala. Nadala na talaga ako.
"Ang hirap na kasi Lea. Ang HIRAP HIRAP nung pakiramdam na hindi kita masimulang maipaglaban, kasi pakiramdam ko, hindi pa ako nag-uumpisa, talo na agad ako! PANO BA NAMAN, ANG MANHID MO!"
Sumikip yung dibdib ko. Nakakasaktan narin kasi siya, tulo ng tulo yung luha niya habang nakatingin lang siya sakin.
"Ang hirap sa'yo Lea! Alam mo kung ano? ANG MANHID MO!"
*PAK*
Sampal. Sampal ang nakuha ko, ang sakit.
Yung sampal na yun, parang andaming dala-dalang salita, kaya ang sakit eh.
Tumalikod na siya.
Psh. Nasaktan ko siya.
Ba't ba namin kasi mahal na mahal kita. At dahil malala 'tong nararamdaman ko para sa'yo, hindi narin imposibleng mabanggit ko yung mga nasabi ko kahit ayaw man kita saktan.
Sinubukan niyang mag walk-out pero hindi ko na siya hinayaang gawin yun. Hindi ko hahayaang mangyaring wala siyang sasabihin kahit isang linya.
"Hoy Lab! Kinakausap pa kita! Wala ka man lang ba sasabihin?!"
Tumuloy lang siya sa paglalakad niya palayo sakin. Psh.
Pero akala niya makakaiwas siya sa sitwasyong ganto nang ganyan lang. Sa tingin niya makakatakas siya? Dun siya nagkakamali.
Lumapit ako sa kanya.
Kinuha ko yung kaliwang kamay niya para maiharap siya sakin. Pagkaharap niya, grabe, pugtong pugto na yung mga mata niya. Pero hindi, kelangan ko talaga 'tong gawin.
Linagay ko ang dalawang kamay ko sa magkabila niyang braso. Inalog-alog ko yung katawan niya.
"ANO LEA?! MAGSALITA KA NAMAN DYAN OH!
Pinipilit ko talagang maibuka niya yang bibig niya.
Ang hirap kasi talaga. Pakiramdam ko lalong gumulo yung isip ko.
"MANHID KA DIBA?! AMININ MO NA! MANHID KA! Ha-ha."
*PAK*
Isang sampal na naman.
"PLEASE! *sob* TAMA NA PLEASE! *sob* WAG NA WAG MO KONG MATAWAGTAWAG NA *sob* MANHID. KASI IKAW TONG TOTOONG MANHID!"
Hello Insensitive. 1 ~
Start from the beginning
![Hello Insensitive. [ SHORT STORY ]](https://img.wattpad.com/cover/6458827-64-k143458.jpg)