Chapter 03: Innocent Badboy

Start from the beginning
                                    

Napangiwi ako sa sinabi nitong babaeng linta sa harap ko. Hanggang dito ba naman sa Mall masusundan niya ako? Takte!

Umakto akong nasusuka sa nakakakilabot na confession niya. Sa pagkakatanda ko, siya si Yoonalisa, schoolmate kong may sakit na Obsession sa akin. Mayaman naman siya pero tangina! Hindi siya yung type ko! Hindi pa sira ang ulo ko para pumatol sa isang Obsess na Stalker na Desperada at Baliw na babae.

"Zai baby! Kailan ba magiging tayo??" sabay hapit niya sa braso ko na mas lalong ikinainit ng ulo ko.

"Aish ano ba! Bitawan mo nga ako!" agad ko namang tinanggal ang kamay niya sa braso ko. Nakakahiya siya! Nandito pa naman kami sa Mall. "Pwede ba tigilan mo na ako Monalisa!" iritang -irita na ako sa kanya.

Ang sarap niyang suntukin sa mukha! Kung hindi lang to anak ng Business partner ni Dad, malamang kanina ko pa inilagay sa sako at itinapon sa ilog.

"Yoonalisa is my name baby!" pagmamaktol pa niya.

"Monalisa, Yoonalisa, Kutonglupa o whatever your name is. Tigilan mo na ako kung ayaw mong sirain ko pa lalo yang mukha mong gawa sa Plastic! And beside, may Girlfriend na ako! So please stop pestering me!" inis na inis na ako. Nadulas pa ako sa Girlfriend na word kahit wala naman. Single pa ako but not ready to mingle. PERIOD

"G-girfriend? M-may girlfriend ka na?? How come?? B-bakit ngayon ko lang nalaman??" teary eyed na siya. Bulsit pansit! Magdadrama na naman to eh.

"Di tayo close para sabihin sayo no. Kasama ko pa nga siya ngayon e. Fierce girlfriend ko pa naman yun, kaya bago ka pa niya makita at masapak, umalis ka na. Choo!" pagtataboy ko sa kanya.

"No way! It can't be!" paghehesterical niya.

"Yes way! And it can be! By the way, she's there oh!" random kong naituro ang isang pretty girl na naka shades malapit sa Painting Gallery. Makaturo lang e.

Pero nagulat na lamang ako ng agaran niyang sinugod yung babae doon.

What the???

"H-HOY!! FVCK THIIISSS!"

(Snow's POV)

Nandito ako sa Paintings Gallery. Manghang-mangha ako sa mga historical paintings na nakasabit sa pader. Kahit hindi ito ang mga original paintings ay maganda pa rin siya sa paningin.

"Wow, this is Spray-Painted Graffiti. The oldest known Art in the world. The first paintings ever made by human hands. And they were created in Indonesia." wika ko.

"Yes Ma'am, Tama po kayo. Gusto niyo ho bang bilhin? It's worth 21,530 pesos. Masyadong mahal pero worth it naman po dahil historical siya at may sentimental value." anang Sales lady.

Ngumiti ako at humarap sa kanya. "Yung mga ganyang paintings dapat bini-bidding. 21k is just a 5 digit numbers. If this is the original painting, this will worth Millions of dollar."

Napanganga yung saleslady.

"Don't worry, wala din naman akog pera kaya hindi ko bibilhin yan."

"Excuse me miss!"

Napatingin naman ako sa isang Babae na bigla na lang nag-appear sa gilid ko.

"Yes?" i respond

"Who are you??" Girl

Napakunot noo ako sa tanong niya.

"Ikaw ang lumapit sa'kin so ako dapat ang magtatanong niyan sayo. Who the hell are you?" kalmado kong sabi as i crossed my arms infront of her. Desperada girl, as my instinct.

"Ako Si Yoonalisa! Ikaw? Ikaw ba ang Girlfriend ni Zai?!" pasigaw na tanong niya na mas lalong ikipinagtaka ko. Is she crazy?

Tinaasan ko siya ng kanang kilay, "Who's Zai--" hindi ko natuloy ang itatanong ko ng biglang may Guy ang dumating.

Snow White and the 7 GangstersWhere stories live. Discover now