>>>CHAPTER 42
Kapag minamalas nga naman at katabi ko pa si Steven sa airplane!
Ok na sana nung nalaman kong kasunod ng number ng upuan ko yung kay Ray dahil letter B ako at dahil sa wala naman kaming letter C na classmate so letter D na ang kasunod which is si Ray dahil DALLAS sya, Nakalimutan kong letter A pala si STEVEN ANDERSON!
Ayan tuloy magkakatabi kami sa unang 3 vacant seats!
ASAR!
Si Steven sa bintana, ako sa gitna at sa may aisle naman si Ray.
Para tuloy kaming pinaglalaruan ng tadhana!
"Pre palit tayo ng upuan" sabi ni Steven kay Marco na kakapasok lang.
"sorry pre ok na ako sa upuan ko, katabi ko kasi girlfriend ko" sabi ni Marco sabay alis.
Pumalumbaba lang si Steven sa upuan nya at tumingin sa bintana.
Hindi nya man lang magawang lumingon sakin pero ayos lang ako din naman hindi ko magawa.
Ang awkward...
Nagkakadikitan ang mga balat namin sa braso pero nilalayo ko din agad.
Feeling ko kasi may kuryente sa loob ng katawan ko.
Nagannounce na ang flight attendant na patayin na ang mga gadgets dahil lilipad na.
Napansin kong nagcecellphone pa din si Steven.
Hindi nya ata narinig yung announcement gawa ng nakahead set sya.
Psh! Bahala na!
Siniko ko sya pero hindi nya ata naramdaman kaya nilakasan ko.
"What?!" asar na sabi nya.
"Patayin na daw ang gadgets" sabi ko pero hindi ako nakatingin sa kanya.
Hindi ko kayang tumingin.
Pinatay nya naman tapos tumingin sa bintana.
"Ok ka lang?" bulong sakin ni Ray.
Nagnod ako.
After ilang minutes nakarating na kami.
Mabilis lang talaga kapag nakaeroplano.
Dumiretso agad kami ng hotel tapos pumasok ng room na nakaassign kami.
Si Anne ang nagvolunteer na karoommate namin para sa kulang.
"Nakahinga ka ba sa byahe?" tanong sakin ni Emma.
"Ha?"
"Love triangle!" sigaw ni Anne.
"Love triangle?" tanong ko.
"Pinag aagawan ka ng dalawang gwapo girl!"
Maparoll eyes lang ako sa sinabi ni Anne.
Haaaay..... Wala palang alam to sa mga nangyayari.
Humiga na lang ako sa kama ko at nag unat unat pero bigla akong hinila patayo ni Lizzie.
"Hep! Bawal ang magrelax! Mag ayos muna ng gamit!" utos nya.
Nagsaludo naman ako sa kanya pagtayo ko.
"Magready na daw kasi maya maya magmamontain climbing ang lahat para daw makita natin kung saan maglalaro" sabi ni Anne.
Pagkatapos naming mag ayos ng kwarto at magbihis ng pangmountain climbing, lumabas na kami.
YOU ARE READING
MY WRONG MATCH
Teen FictionThis book is a work of fiction,names,characters,some places and incidents are product of the author's imagination and are used fititiously. Any resemblance to actual events,places or persons, living or dead, is entirely coincidental. Copyright © 201...
