>>> CHAPTER 17
“aray! Dahan dahan nga!”
“geez! No pain no gain!”
“anong pinagsasabi mo dyan?! Hindi nga ako namatay sa bugbog kanina, mamamatay naman ako sa paggamot mo!”
“oh sya! Ikaw na!” binato ko sa kanya yung cotton pati na rin yung iba pang gamot para sa mga pasa at sugat na nakuha nya dahil sa pakikipaglaban kanina.
Kasalukuyan kaming nandito sa kwarto nya at tinutulungan ko syang gamutin ang mukha nya pero mareklamo eh! Edi sya na maggamot sa sarili nya! Daig pa ang babae kung makapagreklamo!
Kinuha nya yung mga binato ko sa kanya saka ginamot ang sarili.
Halata naming hirap na hirap sya sa ginagawa nya! Psh! Hindi na lang kasi humingi ng tulong sakin!
Haaaaaay…. Ego talaga nito parang ginto!
“akin na nga yan! Ako na ang maggagamot sayo!”
Nagsmirk sya “kunwari ka pa hindi mo lang ako matiis”
“kapal mo ha!” nadiin ko ang daliri ko sa pasa nya
“Aray!”
“ay sorry…ahihihi! Ba’t ba kasi ayaw mo pang tawagan ang mommy mo about sa nangyari?”
“hindi naman to malala para malaman nya pa”
“ang weird mo! May galit ka bas a mommy mo?”
“wala” matipid nyang sagot. Hindi naman obvious na may galit sya… =____________=
“ah bakit pala nawalan ka ng malay kanina?” tanong ko
“ewan..” matipid nya nanamang sagot
Ok thank you sa sagot. Mabuti pang manahimik na lang at wala naman atang maisasagot ito ng matino.
Tinuloy tuloy na lang ang paggagamot sa kanya.
-RUB-
-RUB-
-RUB-
-BDMP-
-BDMP-
-BDMP-
Leshe ang awkward
Ito nanamang feeling na to!
YOU ARE READING
MY WRONG MATCH
Teen FictionThis book is a work of fiction,names,characters,some places and incidents are product of the author's imagination and are used fititiously. Any resemblance to actual events,places or persons, living or dead, is entirely coincidental. Copyright © 201...
