MWM@41

80 0 0
                                        

>>>CHAPTER 41

"Sa gate 5 daw lalabas ang mga galing sa Palawan" sabi ni Martin.

"Walang'ya talaga ang Miley na yon! Sinasabi ko na nga ba may tinatago syang baho!" asar na sabi ni Emma.

"Thany, nandito lang kami para suportahan ka" corncern naman na sabi ni Lizzie.

Nagnod ako habang nanginginig na sa kaba.

Nandito kami ngayon sa airport para hintayin ang pagbalik nina Steven.

Desidido na akong kausapin sya at iexplain ang mga pagkakamali ko.

Pinat ako ni Ray sa balikat atsaka ngumiti.

"Kaya natin to" sabi nya.

Kakausapin nya din kasi si Steven tungkol sa nangyari noon sa SC Office.

Magkaaway pa din sila kahit wala namang dapat pag awayan.

Nakita naming may naglalabasan ng mgapasahero galing Palawan sa gate 5.

Nagready na kaming lahat at huminga ako ng malalim.

Bawat may lalabas parang gustong kumawala ng puso ko sa sobrang kaba na baka si Steven na.

"Si Steven na yata ang sunod!" sabi ni Martin.

Napahawak ako ng mahigpit sa nanlalamig kong kamay.

Paglabas ng kasunod, napasimangot kami.

"Hindi naman sya eh!" sabi ni Emma sabay hampas kay Martin.

Maghintay kami ng ilang minuto hanggang sa isasara na ng guard ang labasan ng gate 5.

"oh! Ba't isasara na nila?! Wala pa sila!" sabi ni Lizzie.

Lumapit ako sa guard na nagsasara.

"Ah sir may hindi pa lumalabas." sabi ko.

"Miss yun na ang last siguro next flight pa ang hinihintay mo"

"pero sir-------"

"Ba't nandito kayong lahat?"

Napatigil ako at bumilis bigla ang tibok ng puso ko pagkarinig ko ng boses ni Steven.

Dahan dahan akong humarap sa kanila.

Nakatalikod sya sakin at hindi ata alam na nandito din ako.

Nakatingin sakin sina Emma na gulat ang reactiob ng mga mukha nila.

Napansin ata sila ni Steven kaya lumingon sya kung san sila nakatingin.

Nagulat sya pagkakita nya sakin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at naiyak na ako tapos tumakbo para yakapin sya.

Niyakap ko sya ng mahigpit.

Namiss ko sya... Gusto kong bumalik kami sa dati pero hindi man lang dumadampi ang kamay nya sa likod ko para yakapin nya din ako pabalik.

Kumalas na ako tapos pinunasan ko ang pisngi ko at tinignan ko sya.

Parang nagtataka ang reaction ng mukha nya.

"Steven, mag gusto akong sabihin"

"Ven ven?" biglang lumapit sa kanya si Miley tapos hinawakan ang kamay nya.

Natameme ako pagkakita ko ng kamay nila na parehong may singsing.

ENGAGED NA SILA?!

"Ano yung gusto mong sabihin? Thania?" tanong ni Steven.

MY WRONG MATCHWhere stories live. Discover now