MWM@37

81 0 0
                                        

>>>CHAPTER 37

*STEVEN'SP.O.V.*

(A/N: SiSteven muna ang maraming POV ngayon. Saka na si Thania! Magulo pautak nyan! xD)

2 weeks na kaming laging nagde-date ni Thania after school at sa dalawang linggong yon naubos ang allowance ko.

Pero ayos lang atleast masaya kami.

Hindi kasi ako pumapayag na sya na ang magbabayad sa kinakain namin kapag nasa labas kami atsaka binibigyan naman agad ako ni mommy ng pera kapag sinasabi kong naubos ang allowance ko dahil sa date namin ni Thania.

Tuwang tuwa pa nga sya eh.

Gusto nya sana akong bigyan ng 1 Million para lang panggastos sa date namin pero tumanggi ako dahil sobra naman ang isang milyon. =_______________=

Napakasupportive nya pagdating sa relasyon namin ni Thania di tulad nung dati nung kami pa ni Miley.

Hindi nya kami pinapansin.

So start na ngayon ng Christmas Vacation ng BIA.

5 days before mag december 25 at yon ay ngayon sabado na.

Medyo kinakabahan na ako na may halong excitement kasi nakikita ko na ang magandang resulta.

"Steven ya! Try this tequila! you'll like it!" sabi ni Martin.

Tama po ang nababasa nyo.

Tequila ang pinapainom nya sakin.

Nasa bar kaming magbabarkada ngayon.

Pano kami nakapasok?

Ayan ang source

'MartinLee'

Pumunta kami dito para makapagbonding bonding kasi panigurado sa pasko busy ang lahat sa kanya kanyang pamilya at wala ng time para sa barkada.

Dito namin naisipang pumunta dahil sawa na kami sa pagmall.

Sinubukan namin dito para malaman kung ano bang meron dito at nagkaroon ng pangarap si Martin magpatayo ng sarili nyang bar.

"Hoy Steven kapag nalasing ka makikita mo!" pagbanta sakin ni Thania.

"No, I won't" nginitian ko sya tapos hinalikan sa noo bilang trust atsaka ininom ko na ang pinapainom ni Martin na kulang na lang isaksak sa baga ko.

Gaaaah! Grabe! Ang tapang ng lasa nito!

Nakapwesto kami ngayon sa VIP Section.

Yung nakapalibot na malaking sofa tapos may table sa gitna.

Biglang lumapit si Martin kay Emma at may binulong.

Ewan ko kung ano yung sinabi sa kanya dahilan para mamula sya ng todo.

"Tara Emma ya! Sayaw tayo!" yaya ni Martin.

"Dance your face! Tigilan mo nga ako!" sabi ni Emma sabay inom ng tequila.

Wow! Ang lakas palang uminom nito.

"Grabe ka Emma nakaka6 glasses ka na! Dahan dahan lang!" sabi ni Lizzie.

MY WRONG MATCHWhere stories live. Discover now