>>>CHAPTER 38
*THANIA'SP.O.V*
~TAKBO
~TAKBO
~TAKBO
Oo, ang tanga ko.
Ba't ako tumatakbo kung ako naman itong panira? pero gusto kong makalayo.
Ayokong makita ang magiging reaction ni Steven kapag nalaman nya ang sinagot ko.
Alam ko ang tanga ng ginawa kong desisyon pero yun naman talaga ang dapat na mangyari bago ko pa sya minahal.
Habang tumatakbo, hindi ko namalayan na mabato ang dinadaan ko kaya natapilok ako at natumba.
"A-araaaaaaaay....."
Naramdaman kong tumulo ang mga luha ko.
Hindi ito dahil sa sakit ng pagkatapilok ko kundi dahil sa ginawa kong desisyon.
Tuluy tuloy lang ang pagbagsak ng mga luha ko kahit na punasan ko may susunod pa rin kaya hinayaan ko na lang.
Sige lang iiyak mo lang Thania. Lilipas din yan at magiging ok din ang lahat.
Sabi ko sa sarili ko pero bigo ako sa pagcomfort ng sarili ko.
"THANIA!"
Nataranta ako nang marinig kong may tumawag sakin.
Pinunasan ko kaagad ang mga luha ko at pilit na tumayo.
Bigla nya akong hinarap sa kanya kaya napaikot ang paa ko na mas lalong sumakit pero hindi ko pibahalata.
Kailangan kong magmukhang matapang at mukhang ginusto ang ginawa kong desisyon.
"Totoo bang hindi la pumayag?!" tanong nya habang naghahabol ng hininga.
Ang bobo ko kasi natapilok pa ako! Nakita nya tuloy ako!
Get a grip Thania! Bulong ko sa sarili ko.
"Yes" mariin kong sabi.
Pinipigilan ko ang boses kong wag lumambot.
Nanlaki ang mata nya "Bakit?! Akala ko ba ok na tayo?! Diba napagusapan na natin to?!"
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.
Naiiyak lang ako...
"Sagutin mo ako! Ano yung mga pinakita mo sakin nung mga nakaraan?! Diba sabi mo mahal mo ako?!"
Oo Steven mahal na mahal kita!
Gusto kpng isigaw pero hindi ko mailabas.
"Ano ba Thania! Magsalita ka!"
Huminga ako ng malalim saka nagsalita.
"Gusto mo talagang malaman?!"
Tumingala ako para mapigilan ang luha ko tapos humarap ulit sa kanya.
"Pagod na akong magsinungaling sayo Steven! Hindi kita mahal! at lalong hindi kita minahal!"
Nagulat sya sa sinigaw ko.
"Yung mga pinakita ko sayo noon?! Ikaw lang ang nagbibigay ng meaning! Wala lang yon para sakin! Psh! Kalalaki mong tao napaka assuming!" sabi ko sabay fake na tawa.
Nakatingin lang sya sakin at gulat.
Kahit ako hindi makapaniwala sa mga lumalabas sa bibig ko.
YOU ARE READING
MY WRONG MATCH
Teen FictionThis book is a work of fiction,names,characters,some places and incidents are product of the author's imagination and are used fititiously. Any resemblance to actual events,places or persons, living or dead, is entirely coincidental. Copyright © 201...
