>>> CHAPTER 13
Lunch time na pero gulung-gulo pa din ang utak ko sa mga nangyari kaninang umaga
*FLASHBACK*
“it’s been a long time Ray Dallas”
Ngiting ngiti na sabi ni Miley pero nakatulala lang sa kanya si Ray na parang gulat na gulat
Winave ko ang kamay ko sa harap ni Ray
“Ray?”
“ ah! Sige Thania kita na lang tayo sa room!” sabi nya nang marealize nya na nasa harap nya pala ako.
“pero pinapabigay to ni Miss ---“
Bigla nyang kinuha ang mga hawak ko
“sige salamat!” tapos hinila nya papasok si Miley at saka sinara ang pinto
At ako…
Naiwang nakanganga
*END OF FLASHBACK*
Ano bang meron sa kanila?
“hoy Thany! Nilalangaw na ang pagkain mo oh!”
Nabalik lang ako sa sarili ko ng bugawin ni Lizzie ang mga langaw sa pagkain ko
“kanina ka pa tulala dyan! Pati kaninang umaga, may ginawa ba sayo si Steven nung sabado at Linggo para magkaganyan ka?!” mataray na sabi ni Emma habang nakataas ang kilay
“ui wala ah! Anong pinagsasabi mo dyan”
~”I will fight for you”
Ugh! Ayan nanaman sa utak ko!
Umiling iling ako tapos tumingin ako sa paigid ng soccer field
“malapit na palang magschool festival” sabi ko
“oo nga! Excited na ako!” masayang sabi ni Lizzie.
“magiging busy nanaman pala ako sa tennis club” nakabusangot kong sabi.
“ako din kaya! Nakalimutan mo na bang pioneer din ako ng Tennis club!” sabat ni Emma.
“ay oo nga pala ikaw din HAHA”
“ako wala… ayokong magtry sa sports tutulong na lang ako sa pag oorganize ng gagawing booth sa room natin” sabi ni Lizzie.
YOU ARE READING
MY WRONG MATCH
Teen FictionThis book is a work of fiction,names,characters,some places and incidents are product of the author's imagination and are used fititiously. Any resemblance to actual events,places or persons, living or dead, is entirely coincidental. Copyright © 201...
