MWM@1

334 20 12
                                        

 >>>CHAPTER 1



"Thank you for choosing me to be on this position. I promise that I won't disappoint all of you and your votes will not be wasted. I'll do my best just to be the best Student Council President in this Batch."


That was Ray....

Nanalo sya sa posisyon bilang isang Student Council President.

Nagtipun tipon ang lahat ng estudyante sa auditorium ng school para sa pag aanunsyo kung sino ang mga nanalo sa naganap na botohan kung sino ang ihahalal na officers sa student council positions.

Lahat ng estudyante ay nagpapalakpakan na may kasaling tilian habang isa isa silang nagpapakilala.



Ako si THANIA BELLE

THANY o di naman kaya THAN ang tawag sakin ng mga kaibigan ko..

Kulot ang aking buhok, maputi, 5'2 at tama lang ang pangangatawan ko.

Pangalawa ako sa 3 magkakapatid..

Pinanganak ako sa New Zealand.


Inaamin ko na galing ako sa isang mayamang pamilya.

Pero ang pamilya naman namin ay napako sa nakagawiang patakaran na pinatupad pa ng mga ninununuan ng pamilya namin noong unang panahon na nakaugalian pa rin hanggang ngayon.

Kaya kung tatanungin hindi rin ako kuntento sa kung ano ang meron kami dahil hindi ko naman nagagawa ang mga gusto ko.

Although may iba naman na pinapayagan ako pero kapag Batas ay Batas.

Ipinatupad ang patakaran na arranged marriage para mapanatili ang katayuan ng business/company ng pamilya namin.


May kuya ako na si THEODIMARK BELLE, tulad ko may fiancee din sya at engaged na sila

Well noon palang gustung gusto na nila ang isa't isa dahil childhood sweethearts at since birth magkakilala na sila.

Meron pa kong mas nakakabatang kapatid na si THALIA BELLE meron na din nakalaan para sa kanya pero hindi pa namin kilala kasi bata pa sya..


Alam ko bata pa ako sa mga gantong bagay pero noon pa lang nung mga 15 and below ang edad ko palagi na akong sinasabihan ng mga magulang ko na bawal akong magboyfriend dahil may fiancé na daw ako at makikilala ko ito ngayong 16 na ako.

Syempre ayoko ng dinidiktahan ako lalo na sa kung sino ang mapapangasawa ko pero pinipilit ko sa sarili na tanggapin kaya medyo okay naman sa akin na parang hindi ...


'Sana lang swertehin ako kung sino man sya....'


Nagaaral ako sa isang international school.


Ito ay ang Beckendorf International Academy (BIA).

MY WRONG MATCHWhere stories live. Discover now