Chapter 7

1.8K 47 9
                                    

Chapter 7

Same Page

"Class, don't forget to bring the needed materials for your activity next week, okay?"

Sumagot ang buong klase habang ako ay abala sa pag-aayos ng aking gamit.

"That's all for today, Goodbye."

Tinapos ko ang pag-aayos ng aking gamit sa aking bag habang naririnig ang mga kuwentuhan at tawanan ng aking mga kaklase. Kierra's talking with her groupmate habang ako ay nakatayo sa kaniyang gilid at tahimik lamang siyang hinihintay.

"Kapag hindi mo 'yon nadala, tatanggalin ko ang pangalan mo sa grupo, naiintindihan mo ba ako Rafael?!" narinig kong masungit na sabi ni Kierra sa kaniyang kagrupo na lalaki. Ngumisi si Rafael Javier sa kaniya at pinisil ang kaniyang pisnge. Pahisteryang sininghalan ni Kierra si Rafael sa ginawa nito sa kaniya.

"Opo, Ms. Dragon!" natatawang sinabi ni Rafael. Napangiti ako sa kanila ni Kierra.

"Fuck you! Tadyakan kita riyan, e!" sigaw ni Kierra rito. Humalakhak lamang si Rafael sa kaniya at kumindat pa bago tuluyang lumabas ng aming classroom.

Binalingan ko si Kierra at nakita ang nakabusangot niyang mukha habang nag-aayos ng kaniyang gamit. Bumulong-bulong siya ng kung ano at hindi ko mapigilan ang pagtawa roon.

"Buwisit talaga ang Rafael na iyon! Subukan niya lang talagang hindi dalhin ang mga pinapadala ko sa kaniya at tatanggalan ko siya ng kakayahan magka-anak!" humalakhak ako sa mga pinagsasabi ni Kierra. Hindi ko alam kung bakit ganoon kalaki ang galit niya kay Rafael. Rafael seems to be a good member, though. Halatang makulit ngunit kita mo naman na mukhang hindi pabigat sa grupo.

"Don't be so hard on Rafael. Mukha naman siyang mabait." kibit balikat kong sabi. Nagsimula na kaming maglakad palabas ng classroom. Ipinulupot ni Kierra ang kaniyang braso sa akin habang kami ay naglalakad pababa ng hagdan.

"Don't get fooled by his appealing looks. Ayoko roon at nakakainis siya!" maarteng sabi ni Kierra. Ngumiti na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Humampas ang malamig na simoy ng hangin sa aking balat. Napatingin ako sa itaas at nakitang madilim ang kalangitan. Mukhang uulan at hindi ako makakapaglakad pauwi ng bahay. Bumuntong hininga ako at iginala ang paningin sa paligid. Maingay sa hallway ng building ng mga seniors. May nakita pa akong grupo ng mga grade 10 students na nagtatawanan at ipinagkakanulo ang kanilang kaibigan sa grade twelve student na mukhang taga section two. Isa ito sa mga kasama nina Greyson sa upuan noong nagkasama ang mga section namin sa Audio Visual Room noong isang araw. Umiling ako at napanguso nang makita kong may ibinibigay iyong grade 10 na babae doon sa lalaki.

Tumigil si Kierra sa paglalakad at iniharap ako sa kaniya. Napatigil din ako sa paglalakad at buong atensyon siyang binalingan. "Saan tayo? It's Friday! Hindi tayo nakapag-celebrate sa pagkatanggap mo sa Music Club dahil mukha kang hindi masaya kahapon. Mind telling me your problem is?"

Bumuntong hininga ako bago ngumiti sa kaniya.

"Wala lang ako sa mood kahapon--"

"At nasa mood ka na ngayon?" pagputol niya sa akin.

Ngumuso ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Why [Under Revision]Where stories live. Discover now