Chapter 3

2.3K 54 0
                                    

Chapter 3

Weird

Agad akong nagmulat ng mga mata nang marinig ang pagtapos ng kanilang kanta. Napuno ng hiyawan at tilian ng mga babaeng estudyante ang buong gymnasium. Halos magtaasan ang lahat ng balahibo ko doon.

Humagilap ako ng hangin at buong tapang na nilingon ang stage. Agad na tumama ang mata ko sa kanya.

I saw him smiling. Familiar feelings started to ripped my heart. Para akong nawala sa aking tamang balanse nang makilala ang mga emosyon na lumulukob sa aking dibdib.

"I love you Tj!"
"Ang hot mo Greyson!"
"Ang gwapo mo Rhylle!"
"Akin ka na lang Erill!"

Sinundan lamang ng mga mata ko ang mga lugar na pinanggagalingan ng mga sigaw na iyon. Ang mga babae ay hindi magkandamayaw sa pagpapakita ng kilig at saya nilang nararamdaman. Ilan din sa mga kalalakihan ang tumigil at tinignan sina Tj. Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng pagkamangha sa nasubaybayan. Muli kong binalik ang tingin ko sa stage at sa pagkakataong iyon, hindi ko inaasahan ang nakita.

Tj stopped wandering his eyes on the crowd the moment our eyes met. Parang pinipiga ang puso ko sa emosyon na naramdaman nang mapagmasdan siya, 'di kalayuan mula sa kinatatayuan ko.

Tj..

Akala ko ay magtatagal pa iyong sandaling iyon. Akala ko ay makikita ko ang matamis na ngiti mula sa kanyang mga labi. Ngunit nagkamali ako sa lahat ng naisip. Malinaw kong nakita kung paanong walang emosyon na nag-iwas ng tingin sa akin si Tj.

I bit my lower lip to stop myself from staring at him. Tila nagiba ang pader na siyang binuo ko tatlong taon na ang nakakalipas nang hindi maalis ang mata ko sa kanya. Napahawak ako sa aking dibdib habang wala sa sarili siyang sinusundan lamang ng tingin.

Sumilay ang ngiti sa kanyang labi nang tumama ang kanyang mga mata sa crowd. "Goodafternoon, ladies." malalim na boses niyang pagbati. Parang nakalimutan ng puso ko kung paano tumibok nang maayos ng oras na iyon.

"I just want to encourage the students who see music as their escape in life to join our club, Music Club, and became the new member of our family." naglakad si Tj sa stage habang hawak pa din ang gitara na nakasuot sa kanyang balikat at nagpatuloy, "If you have any talents in singing, playing musical instruments and maybe in making jokes." he paused then chuckled. Nagtilian ang ilang babaeng nandoon nang marinig ang kanyang tawa. "Then feel free to sign in your name in the Music Club list." he said then winked his eye. Tila nagkaroon ng gyera sa loob ng gymnasium nang gawin iyon ni Tj.

Pinilig ko ang aking ulo at pinagmasdan si Tj. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na panuorin ang bawat galaw niya sa stage. Ang pakinggan ang bawat salitang lumalabas mula sa kanyang mga labi maging ang pagtitig sa bawat pagbabagong nakikita sa kanyang mukha.

He changed. A lot..

From the way he dress, the way he speaks, and the way he smile infront of the crowd. I can't help but to feel happy.

Hindi ko inakala that the shy and skinny boy that I met in seventh grade would turn into this kind of guy. He's just eightheen, yet his body is now perfectly developed. His hair's still messy, like before. I remembered how it feels like whenever I will touch and comb his hair using my fingers. He loves the feeling, just like how I love it too. Maraming pagbabago akong nakikita sa kanya ngayon, but behind all those changes, nakikita ko pa rin ang imahe ng una kong pagkakakilala sa kanya noon na siyang makikita pa rin naman hanggang ngayon.

Why [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon