Chapter 6

1.8K 50 7
                                    

Chapter 6

Ayos lang

Tulala ako sa hapag-kainan habang iniisip ang sinabi ni kuya kagabi. I just can't stop thinking about it. It took me three hours para tuluyang makatulog at maiwala ang isip tungkol doon kagabi.

"Sweety?" napamulgat ako sa aking kinauupuan nang marinig ko ang boses ni mama. Agad akong napatingin sa kaniya at hinintay ang kaniyang sasabihin.

"Bakit po?" tanong ko nang tinitigan lamang ako ni mama.

Tumikhim si mama bago muling nagsalita.

"Tinatanong kita kung bakit maaga ka papasok. I thought nine o'clock ang pasok mo kapag Thursday?" tanong ni mama habang nilalagyan ng fried rice ang aking pinggan.

Kumuha ako ng hotdog at itlog na inihain ni ate Precy. Sumimsim ako ng inumin na gatas bago sinagot si mama.

"I'll audition in Music Club, ma." sambit ko nang hindi tumitingin kay mama.

"Oh really? That's good, anak! I'm sure nakangiti ngayon ang papa mo." tumingin ako kay mama at nakita ang masayang ngiti sa kaniya. Ngumiti ako pabalik.

I just admire those people who can smile with no pain and sadness in their eyes whenever they will remember something or someone in their past. I wish I can do that too.

Nagtanong si mama sa mga naganap sa akin nitong mga nakaraang araw sa school. I told her some of it but not everything. I can't tell my mom that I'm still hurting because of Tj.

Nang matapos kumain ay agad akong nagpaalam kay mama bago tuluyang lumabas ng bahay. Nasa labas na ng main door ang aming sasakyan pati si kuya Lito na naghihintay na sa akin. Kinuha niya ang hawak kong gitara at ibinaba sa back seat.

"Thank you, kuya Lito." I smiled at our family driver. Tumawa si kuya Lito at tinapik ang aking balikat.

I can't help but feel happy na hanggang ngayon ay rito pa rin nagta-trabaho si kuya Lito. Before, he was my papa's assistant. Kababata siya ni papa at naging sobra silang malapit kaya noong naging matagumpay si papa sa kaniyang larangan, hindi niya kinalimutan ang matalik niyang kaibigan. Kuya Lito is one of my papa's living memory. Nakakatuwa lang isipin na kahit nawala na si papa ay nanatili siyang tapat at maaasahan sa pamilya namin.

"Bakit ka may dalang gitara, hija?" tanong ni kuya Lito habang inaayos ang kaniyang seatbelt.

Ngumiti ako bago sumagot. "Mag-a-audition po ako sa Music Club, kuya Lito."

Binuksan ni kuya Lito ang makina ng sasakyan at tuluyan na itong pinaandar palabas ng bahay.

"Naku! Paniguradong makakapasok ka roon. Anak ka ata ng isa sa mga hinahangaang sikat na bokalista rito sa bayan natin." sambit ni kuya Lito nang may pagmamalaki ang boses. Napangiti ako. He's very proud of my father.

"Lumalaki na siguro ang ulo ni papa ngayon, kuya Lito." sambit ko habang nagi-strum ng strings ng gitara.

Humalakhak si kuya Lito sa aking sinabi at nagkuwento pa ng tungkol kay papa.

I never get tired of listening to the people who tells me stories about my papa. Nakakataba ng puso isipin na kahit wala na si papa ay nanatiling buhay ang mga alaala niya sa mga taong naging malapit sa kaniya noong nabubuhay pa siya noon.

Why [Under Revision]Where stories live. Discover now