Chapter 2

2.7K 55 21
                                    

Chapter 2

Walang Pinagbago



"Are you ready, sweetheart?" nakangiting tanong ni mama sa akin nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang pamilyar na lugar.

I smiled. "I'm always ready, ma."

Tumango si mama habang may ngiti pa rin sa mga labi. Hinaplos niya ang buhok ko at saka muling nagsalita. "I hope that maging masaya ang pagbabalik mo rito. Enjoy your first day, okay?" tumango ako kay mama. Nagmano ako at humalik sa kaniyang pisnge bago tuluyang nagpaalam.

Nang tuluyang nakaalis sa harapan ko ang sasakyan ni mama ay tsaka ako humarap sa malaking itim na gate.

Napangiti ako nang mabasa ang pangalan ng naging school ko noong Grade 7 pa lamang ako.

Humampas ang malakas na hangin na siyang nagpapikit sa aking mga mata. Bumalik sa aking isip ang unang beses na tumapak ang mga paa ko rito.

Many eyes were watching. Different groups of friends were laughing. Lahat ay may kanya-kanyang mga ginagawa. Habang ako, tahimik na nagagalak sapagkat ito na ang simula ng panibagong yugto ng aking buhay.

I smiled. Those days.

Dahan-dahan kong inihakbang ang paa ko papasok sa loob. Masuri kong iginala ang mga mata sa bawat pagbabagong nakikita.

Ang daming nagbago. Mas dumami ang mga halaman at buildings. Dumami ang mga estudyante. Mas naging maingay at magulo.

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Pakiramdam ko, bumalik ako sa panahon na inosente pa ako sa lahat ng bagay. Sa bagay na pwedeng idulot ng pag-ibig sa buhay ng isang tao.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makita ko ang pathway na siyang papunta sa gymnasium ng school. Ang daan kung saan unang beses niya akong kinausap ng personal. Ang daan kung saan nagkaroon ng hindi malilimutan na pangyayari.

"Siana!"

Hindi pa ko lumilingon, kilala ko na agad kung sino ang tumawag sa'kin.

Nang saktong pagharap ko ay agad ako nitong niyakap.

"I miss you!"

"Kakakita lang natin kahapon, Kierra." natatawa kong sabi sa kanya.

Hinarap niya ko sa kanya at tsaka siya ngumuso na parang bata.

"Siyempre, ganun talaga!"

I chuckled. "Tara na nga!" hinatak ko siya at sabay kaming naglakad.

Who is she? She is Kierra Jane Asis. My bestfriend since our seventh grade. She is noisy, jolly and a very caring person. Siya ang una kong nakilala at naging kaibigan dito sa lugar na 'to.

"Hi! May nakaupo ba rito?" napatingin ako sa aking gilid nang biglang may umupo sa katabi kong upuan at nagsalita. Nadatnan ko ang malaki niyang ngiti.

"Uh.. Wala.." nahihiya kong sabi. Pilit akong ngumiti saka nag-iwas ng tingin. Hindi ako yung tipo na palaging ngumingiti sa ibang tao. Ewan ko ba, nahihiya kasi ako.

"Alam mo ba!" napatingin ako sa kanya nang bigla na naman siyang nagsalita.
"Kanina naiihi na ako! Tapos guess what? Maling comfort room yung napasukan ko!" umiling siya sa kanyang sarili. I bit my lower lip to stop myself from laughing. "Naglabasan bigla yung mga lalaki, grabeng tawa ko!" halakhak niya.

Hindi ko napigilan ang pagtawa nang marinig ko ang tawa niya.

"That's.. Embarrassing." mahina kong sabi.

Why [Under Revision]Where stories live. Discover now