Chapter 4

1.8K 52 5
                                    

Chapter 4

Why?


"Hi." he greeted. Nakaukit pa rin ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi nang binati niya ako. Kumunot ang noo ko dahil doon.

He's that guy. Yung nakita kong nakatingin sa akin noong hinahanap ng mga mata ko si Tj sa stage. Bakit kaya siya nandito? Oh crap, Siana. Of course, he's a member of this club. He should be the one asking you that.

Napamulgat ako sa aking kinauupuan nang marinig ko ang kaniyang pagtikhim. Agad akong napatingin sa kaniya. His eyes were waiting for my response. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Should I greet him back? Uh.. Nakita ko na lamang ang sarili ko na tumayo mula sa aking kinauupuan at diretsong nilakad ang lugar kung saan nakalagay ang gitarang hawak ko na kinuha ko kanina.

"You don't talk to strangers?" tanong niya nang maibaba ko ang gitara sa stand nito. Napatingin ako sa kaniya at tinitigan siya.

I pressed my lips together. I will not say anything to this guy. Baka anong gawin niya sa akin lalo na't pumasok ako rito sa club nila nang walang paalam at pahintulot ng administrator nila. Argh! You're so stupid, Siana! Bakit ka pa kasi nagpunta dito? Puwede ka namang tumugtog at kumanta sa kwarto mo!

He chuckled. Ipinilig ko ang ulo ko habang nakatingin sa kaniya. Why is he chuckling? Wala namang nakakatawa!

"You're cute." aniya at ngumiti muli sa akin. Parang naging jelly ace ang tuhod ko nang makita ko ang ngiting iyon. Why does he have to smile like that? Napaatras ako sa aking kinatatayuan nang makita siyang naglalakad palapit sa akin.

Tumigil siya at naglahad ng kamay sa akin. "I'm Greyson Montello." aniya habang nakangiti. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang kamay at tinitigan iyon.

"I'm very sure that you can talk, lady. I even heard you singing a while ago." muli akong napaangat ng tingin sa kaniya. Ngumiti siya habang nakalahad pa rin ang kamay niya sa akin.

Tinanggap ko ang kamay niya at nagpakilala. "I'm Crisiana Maurine--"

"Dela Torre.." pagdugtong niya sa aking sasabihin. Pabulong lamang iyon ngunit tama lang para marinig ko.

Napaawang ang labi ko sa narinig sa kaniya. He knows my surname. Kilala niya ako? Pero paano? I'm very sure that kahapon lang ang unang beses na nakita ko siya. And this, this is the second time only. How come that kilala niya ako?

"Kilala mo ako?" hindi ko napigilang tanong sa kaniya.

Tumango siya bago binitiwan ang aking kamay. "Ex ka ni Tj.. Diba?"

Nanlaki ang mata ko sa kaniyang sinabi. What? Ano raw? Paki-ulit?

"Are you serious about that information?" natatawa kong sabi.

Tumango siya sakin.

Hindi ko napigilan ang pagtawa roon. Really, Tj? Wala akong matandaan na naging tayong dalawa noon.

Kumunot ang kanyang noo sa akin. I cleared my throat before speaking again.

"I'm not his ex." umiiling ko pang sabi. "Uh.. A part of his past, maybe?" ipinilig ko ang aking ulo sa huling sinabi.

Amazement was seen in his eyes nang sabihin ko iyon. "Really? But he told us that you're his ex girlfriend. First girlfriend, to be exact." sambit niya at napanguso.

Why [Under Revision]Where stories live. Discover now