Chapter 1

5.4K 82 28
                                    

Chapter 1

Kaya ko na ba?

It all started from this:

"Crush kita."

And everything that we had became nothing because of these five words:

"Sorry at salamat sa lahat."

That time, I knew that what I'm feeling is real. I knew that what we are feeling is real. But I was not aware that everything will change. I was not aware that everything is not meant to last forever.

It's just a simple attraction that I had with this particular good looking guy in our room. He is handsome, tall and perfect in my eyes. Not only in my eyes, but also in the eyes of many. The other young girls in our school are like me. Even the sophomore students are having a crush with him. I cannot blame them. He's really attractive, though.

This attraction that I had turned into something I never know that is even existing. The heart aches, the tears, the sleepless nights and the countless regrets. I never thought that I will be able to know all those feelings. At a very young age.

Twelve years old. Iyon ang eksaktong edad ko nang makilala ko ang lalaking nagmulat sa aking mga mata sa makamundong bagay. Sa nag-iisang bagay na hindi kailanman sumagi sa isip ko na mararanasan ko agad sa maagang panahon. Sa panahon na hindi ako handa at ako'y nabigla.

Grade seven ako noon nang umamin ako na may "crush" ako sa kaniya. Normal lamang ang bagay na iyon kung iisipin ng nakakarami. Simpleng paghanga lang naman kasi iyon na nakakasiguro akong naramdaman na rin naman ng kahit sino sa mundo'ng ito. Ngunit ang pakiramdam na naidulot sa akin niyon, ay nagdala ng malaking sugat sa inosente kong puso at isip.

Matangkad siya. Gwapo. Mapayat. Matangos ang ilong. Mapungay ang mata. At may makurbang labi. Iyong mga katangian na kadalasan mong makikita sa isang lalaking laging hinahangaan sa school. Pareho kaming estranghero sa mundong ginagalawan namin noon. Pareho kaming baguhan sa daan na tinatahak naming dalawa. Pareho pa lamang nagsisimulang bumuo ng mga sariling pangarap.

Hindi naman talaga siya ang una kong nagustuhan noon. It was his friend, named Winbert. Hindi ko alam kung paanong biglang nagbago. Pero nagsimula lang naman iyon nang malaman ko mula sa isa naming kaklase na sinabi niyang may gusto na siya sa akin mula noong unang araw palang ng pasukan.

Magkahalong kilig at pag-aalangan ang nararamdaman ko. Kilig dahil may gusto sa akin ang karamihang natitipuhan ng mga babae sa school namin. Pag-aalangan dahil sino ba ako para magustuhan niya? I mean, I know that I got the looks, pero hindi lang naman ako ang may hitsura sa room at lalo na sa school.

Naiiling ako habang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ng iba. Sa totoo lang, wala lang iyon. Crush lang naman. Crush lang. Pero hindi ko inakala na lalalim pala iyon.

December 23, 2013, araw na umamin ako sa kanya. Wala akong balak umamin kung hindi lamang ako pinilit ng kaibigan ko. Siyempre kasi hindi naman ako sanay sa bagay na iyon, at babae ako kaya't bakit ako ang gagawa ng aksyon? Pero hindi ko alam. Hindi ko alam kung paano ko naisend ang mensahe na iyon sa kanya. Ang mensahe na naglalaman ng mga salitang nagpabago sa takbo ng buhay ko. Nagdadalawang-isip ako dahil kapag nalaman iyon ni mama, panigurado na malilintikan ako. Pero hinayaan kong dalhin ako kung saan ng nararamdaman ko. Hinayaan ko dahil bago iyon at masaya sa pakiramdam.

Why [Under Revision]Where stories live. Discover now