"Hindi na yata." I said. "Medyo late na eh, bawi na lang ako sa susunod. Hindi muna siguro ako kukuha ng night off."

"I think I better leave the two of you alone." Tumayo na si Kenneth at bago ito umalis ay nagpalitan pa sila ng pilyong ngisi.

I nudge Anthony sa tagiliran. "Ano ibig sabihin ng mga ngising yan ha?"

He chuckled. "It's a guy thing."

"Guy thing pala ah." Pakunwa'y umirap ako sa kanya and he laughs.

"Let's get out of here mabuti pa." He says as he stood up at hinila ang kamay ko patayo.

"Teka magpaalam muna tayo." I said to him habang hinahagilap ng mga mata ko ang mga kasama niya at ang newly weds.

"Nagpaalam na ako kanina pa." He said in a matter-of-fact tone.

I looked at him instanly. "Saan tayo pupunta?" Biglang kumulo ang tiyan ko.

Shit! Hindi pala ako gaano kumain kanina dahil hiyang-hiya ako at kahit anong pilit niya kanina na kumain ako ng marami hindi rin umubra.

He frowned instantly. "Yan na nga ba sinasabi ko, hindi ka kasi kumain masyado, nagwawala tuloy tiyan mo."

"Eh kasi naman po," I explain. "Ikaw kaya ang imbitahin sa wedding event na puro sosyal at ma-poise ang mga bisita at parang ipis lang kung kumain eh natural mahihiya ako lumamon noh."

Bigla siyang natawa. "Gandang-ganda nga sa'yo mga bisita dito kung alam mo lang. THey kept on asking me kung girlfriend ba kita."

Nagulat yata ako don ah. "Ano naman sinabi mo?"

"Nililigawan pa lang kita at hindi mo pa ako sinasagot." He waggled his eyebrows.

"Ligaw ka dyan." I poked him sa ribs.

"Alangan sabihin ko na magkaibigan lang tayo." He held my hand right away. "Pag sinabi ko yon maraming single dito ang poporma sa'yo."

Napalunok ako when his face turned serious.

"Kanina nung naabutan ko kayo ni Kenneth na nagtatawanan I really felt jealous." Walang pakundangan niyang pahayag.

Nagulat nanaman ako sa statement niya na yon.

Napaka-straight forward.

Natameme ako at walang masabi. Kahit gusto kong magsalita eh walang lumalabas sa bibig ko. Wala akong ibang maramdaman kundi ang pagbilis ng tibok ng puso ko at kaba.

Jealous? Diba meaning non nagseselos? Bakit naman siya magseselos?

"I-I'm really hungry na Anthony." Yan ang tanging lumabas sa bibig ko. Parang gusto ko tuloy mag-vanish sa harapan niya agad-agad pero deep inside me ay nakaramdam ako ng tuwa sa pahayag niya.

He Chuckled lightly as he held my hand firmly. "I know a good place na mabubusog ka."

I felt jealous. Muling nag-echo sa utak ko and I smiled at it.

********

Di ko maiwasan ang magtaka nang dalhin niya ako sa restaurant na eat all you can just outside Makati kung saan ginanap kanina ang reception.

"Eat all you can talaga?" Natawa tuloy ako.

"Mabubusog ka naman kasi eat all you can." He said. "Two hundred pesos lang pwede ka na kumain endless."

I laughed.

"I love it when you laugh." Napalingon ako sa kanya nang sabihin niya yon and found him staring at me.

I stared at his handsome face.

Eto nanaman po si Heartbeat na bumibilis, baka naman himatayin na ko niyan.

"Ma'am, sir." Pareho kaming nagulat sa boses ng isang staff na babae at napalingon kami agad sa kanya. "Tuloy po kayo." Nakangiti siya samin.

"Thank you." Sabi ko na lang at agad na hinila si Anthony para pumila at kumuha ng pagkain sa buffet table na puno ng pagkaing pinoy at mga dessert.

******

A/N

Bitin! I know! Bawi na lang ako sa next chapter... Medyo na out of ideas ako at sa totoo lang tatlong oras ako na-stock sa harapan ng PC at nag-iisip... Titingnan ko kung makakapag-upload ako ng panibagong chapter later midnght or tomorrow after work... Pasensya na sa kinalabasan ng update.. Kung wala vote or comment ito ok lang sakin... Alam ko rin na ang tagal niyo naghihintay ng update tapos ETO LANG ang kinalabasan..

Pagpasensyahan nio na kung ang tagal ko bago makapg update. Super busy at pagod lagi sa work eh :( Kung di lang need kumita malamang babad ako 24/7 dito sa wattpad.... Hehe!

xoxo

In Love With A StripperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon