Welcome

161 16 0
                                    


Mabuhay, mga manunulat! 

Una sa lahat, hindi ako propesyunal na kritiko. Ang makikita ninyo dito ay ang sarili kong pananaw sa inyong mga akda pero sisiguraduhin kong magbigay ng tapat na opinyon na makakatulong upang maisaayos o mapaganda ang inyong mga kuwento. Kaantabay niyo'y asahan ninyong ako'y magbibigay ng respeto sa aking gagawing pagsusuri sa inyong mga akda. Bukas rin ako sa anumang katanungang inyong ibabato sakaling may mga bagay, paksa, o konteksto sa inyong kuwento o sa aking review na hindi klaro. 

Pangalawa, hindi ako mapili sa genre subalit ang inyong mga istorya ay dapat na nasa lenggwaheng Tagalog o TagLish lamang. Kinakailangang may hindi bababa sa limang kabanata. Maaaring tapos na, maaari ring hindi. Pero hindi ako tatanggap ng mga epistolary novel kaya paumanhin para dito.

At para sa huli, walang rekisitong bayad na kinakailangan upang makatanggap ng pagsusuri mula sa akin. Ang tanging hihingin ko lamang ay inyong mahabang pasensya at malawak na pang-unawa. Paalala rin po na mabagal magbasa ang inyong lingkod kaya walang takdang panahon kung kailan ko maibibigay ang aking mga review.

Para sa mga interesadong sumali, pakipunan na lamang po ang form sa susunod na kabanata.

Maraming salamat!



Read and ReviewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon