“Ha?”

                SHAKS ANG FAIL KO! “J-joke lang…Hayley pala pangalan ko. Hehe.”

                Ngumiti nalang siya bilang sagot. “Sorry talaga dito ha.” Tinignan niya yung papel na hawak ko kanina. “Teka…project mo to? Sa Physics?”

                “O-oo eh…”

                “Pero, matagal na ang deadline nito eh. Ngayon mo palang ipapasa?” alam niya itong project kasi magka-batchmate lang rin naman kami at magka-iba lang ang section.

                “Eh..hehe.” napakamot nalang ko sa ulo. Nakakahiya naman kasi kung sasabihin kong late akong magpapasa.

                “Ah! May naisip ako.” Bigla niyang sabi habang naka-ngiti. “Gagawan nalang kita ng bago.”

                “H-ha? Wag na! Nakakahiya naman...”

                “Di, okay lang! Tsaka ‘bat ka naman mahihiya? Eh ako na nga yung may kasalanan eh.”

                “Hayaan mo na, okay lang. Gagawa nalang ako ng bago.” Weh Hayley di nga? Sisipagin ka pa bang gumawa ng bago?

                “Sus, wag ka na mahiya. Ako nang bahala!” 

                Nag-isip si Hayley ng sandali. “Pero baka mahalata ni Maam na hindi ako ang gumawa niyan.”

                Napa-isip rin si Ken dahil dun sa sinabi ni Hayley. “Edi tuturuan nalang kita kung paano i-solve yan.”

**

                “TALAGA?! AS IN SI KEN-THE-SECOND-HEARTHROB ANG GAGAWA NG PROJECT MO?!”  gulat na sinabi ni Scarlett sa akin.

                “Yup, siya nga.”

                “Grabe ka! Sige sa susunod ikukusa ko nalang na ihulog yung homework ko sa basurahan pag dadaan si Ken para turuan niya rin ako!” 

                Aba’y tignan niyo nga naman tong lukresyang to. Gusto pang manglandi ng kung sino-sino.

                “Papunta na siguro siya.”

                “Sino? Si Ken?” nanlaki yung mata ni Scarlett. “Teka! Wag mo sabihing susunduin ka rin nun?!”

                Flinip ko yung hair ko at ngumiti. “Hm, I guess that’s how my charisma works.”

                Binatukan ako ni Scarlett dahil sa kalandian ko. “Ang harot mo!”

               

                Maya-maya pa eh may kumalabit sakin sa likod ko kaya naman nilingon ko siya para malaman kung sino yun. “K-Ken!”

                Ngumiti si Ken pero imbis na siya ang mapansin ko, mas nabighani pa ako sa serious face ng kasama niyang si Dylan.

                “Tara na?” tanong ni Ken.

                “S-sige…..”

                “Ako nalang magdadala niyan, baka mabigat.” Kinuha niya yung librong hawak ko. Tumingin siya kay Dylan at nagsalita, “Sige dre, alis na muna kami. Kita nalang tayo mamaya.”

                “Sige.” Sagot naman ni Dylan. Grabe! Kahit emotionless yung pagsagot niya dun sobrang hot pa rin!

                Umalis na si Dylan kaya naman nagsimula na rin kaming maglakad ni Ken papunta sa kung saan niya ako dadalhi. Kasi nga itu-tutor niya ako saglit tungkol sa project ko at sabi niya naman, sa ibang place niya nalang ako tuturuan para mas peaceful.

                Sa ngayon, hindi kaming dalawa nagsasalita. Sobrang tahimik ng atmostphere ngayon….at hindi ako sanay. Kasi ayaw ko ng ganito.

                “Paano mo nga pala nalaman na…admirer ako ni Dylan?” awkward kong tanong. AY JOKE LANG DAPAT PALA HINDI KO NA YAN TINANONG. KASI NAG-CONFESS NA PALA AKO KAY DYLAN SA CANTEEN LAST WEEK NA MAY GUSTO AKO KAY DYLAN AT MALAMANG EH ALAM NIYA TALAGA YUN! T__T

                Natawa naman siya ng mahina. “Lagi kaya kita nakikitang nakatingin sa kanya tuwing magkasama kami.”

                “Oh?” Grabe nakakahiya naman. Baka isipin niya obsessed ako kay Dylan tapos ang creepy ko (which is medyo totoo naman lol).

                “Oo,” sagot niya. “Minsan nga ngingiti ka pa kapag nagkakasalubong kayo eh.”

                “Grabe nakakahiya naman.”

                “Bakit ka naman nahihiya? Eh halos lahat naman ng babae sa campus ganun din ang ginagawa kapag nakikita nila si Dylan eh.”

                “Oo nga okay lang pag sa kanila kasi magaganda naman sila at kung tutuusin, mas malaki ang chance na mapansin sila ni Dylan. Eh ako? Wala naman akong laban dun.”

                “Sino naman nagsabi sayo niyan? Maganda ka naman eh. Siguro nga mas maganda ka pa kesa sa kanila. At alam mo ba?” tumigil kami sa paglalakad at hinawakan niya ang dalawa kong balikat. “Kahit gaano pa kahigit yung mga yun sayo, hindi naman sila nag-eeffort tulad ng ginagawa mo.”

                “Anong ibig mong sabihin?”

                Nagsimula ulit kaming maglakad. “I mean, ikaw kasi lagi mo siyang binibigyan ng something. And yung mga binibigay mong yun ay alam kong pinaghirapan mo. Maybe hand-made mo siya, or maybe pinag-ipunan mo ng sobra. Compared to the other girls, lahat binili lang nila ng pera galing sa bank account nila. Effortless.”

                Wow, tama nga naman yata si Ken. Halos lahat kasi ng babae sa campus naming eh mayayaman. Eh ako, may kaya lang, kaya hindi lahat ng gusto ko ay meron ako. Pinag-iipunan ko muna. O kaya kahit ako lang yung gumawa ng mga binibigay ko kay Dylan eh atleast galing sa puso dibaaaa? *pout*

                “Wag kang mag-alala, kasi hangga’t wala pa siyang girlfriend, may pag-asa ka pa.” 

                Haaaay, buti ka pa Ken na-aappreciate mo ako. Di katulad ni Dylan, lagi lang akong dinadaandaanan.

When She Courted HimWhere stories live. Discover now