MTJAB: Chapter 4

Magsimula sa umpisa
                                    

"Third: Celebrate weeksary. Since two months lang ang bet natin, ginawa namin ni Ethan na weeksary ang i-celebrate niyo. Bibigyan namin kayo ng pera para pang-date niyo." Natatawang paliwanag niya. Grabe na talaga ang kalokohan nitong sina Claire at Ethan. Napaka-isip bata nila, sa totoo lang.

"Number four: Get to know each other. Yes, kilalanin niyo ang isa't isa para naman pagkatapos ng bet natin, pwede kayong maging magkaibigan. Kahit yung pinakamaliit na bagay, dapat malaman niyong dalawa."

"And last, live under the same roof. Kagaya ng sinabi ko sa rule number one, hindi kayo pwedeng mag-away sa labas ng bahay. Ito 'yon guys. Titira kayo sa isang bahay sa loob ng dalawang buwan at doon sa bahay na 'yon, pwede kayong mag-away hangga't gusto niyo!" Masayang paliwanag ni Claire. Nanlaki ang mga mata ko. Maging si Liam ay napatayo.

"Hoy! Anong kalokohan 'yan? Wala sa usapan 'yan!" Sigaw ko saka tumayo at inagaw ko yung papel. Pinunit ko iyon pero tinawanan lang ako ni Claire.

"Marami akong copy niyan, Sisteret. Nasa safety box ko nga 'di ba?" Nakangising sabi niya.


"Te-teka! Since pumirma kami, nasaan na yung five hundred thousand?" Paninigurado ni Liam. Sumang-ayon naman ako sa kanya.


"Makukuha niyo lang ang five hundred thousand after two months." Seryosong sabi ni Ethan. Umupo siya sa single couch na para bang kampanteng kampante siya.


"Ano?! Paano yung pang-tuition ko?!" Sigaw ko.

"Don't worry, Sisteret. Tinawagan ko kanina si Mommy.Siya na ang mag-sponsor para sa scholarship mo." Magandang balita 'yon ah! Pero natigilan ulit ako.


"E 'di hindi ko na kailangan sundin 'yang bet na 'yan!" Sigaw ko.

"Teka lang. Paano naman yung allowance ko?" Problemadong tanong ni Liam sa kapatid.


"Ipapahiram ko sa'yo ang isang credit card at ATM ko bro," Sagot ni Ethan sa kanya. Grabe. Rich kid talaga. May pa-gano'n gano'n pa. Ilan kaya ang credit cards nitong magkapatid na 'to? Saka nakakapagtaka lang, bakit namumulubi si Liam ngayon?

Natahimik kami ni Liam. Tiningnan ko siya nang masama pero mas matalim yung titig niya sa akin.

"By the way, kung ayaw niyong ituloy yung pustahan, pwede naman eh. Basta ba bayaran niyo kami ni Ethan ng one million pesos." Mapang-asar na sabi ni Claire. Nanlaki ang mga mata ko. One million pesos?! Isang kalokohan na naman ba ito?

"Tss, ano kami, tanga? Hindi namin kayo babayaran." Halata na ang iritasyon sa boses ni Liam.

"Oww, bro. Pumirma kayo sa kontrata. Pwede namin kayong idemanda. Wala namang gaguhan. Saka isa pa, nakwento ni Claire na lawyer ang daddy niya." Natatawang sabi ni Ethan. Napanganga ako.

"PINAGPLANUHAN NIYO BA 'TO?!" Sigaw ko sa kanilang dalawa. Tumawa naman sila. Lumapit si Claire doon sa dalawang maleta at hinila iyon saka pinahawak sa akin.

"Nandiyan na ang mga gamit mo, Sisteret! Kumain ka sa oras. Mami-miss kita. 'Di bale, sandali lang naman ang two months 'di ba? I love you, Sisteret." Nakipag-beso pa siya sa akin at niyakap ako.


"Anong klaseng best friend ka?! Bakit mo ako binebenta?!" Naiiyak na talaga ako. Imbis kasi na maghanap ako ng pera para sa tuition ko, nagkautang pa ako ng milyon. Napakataba ng utak nitong si Claire! Nasobrahan na sa bright idea!


"Bro, ingat. Tinext ko na sa'yo yung address ng bahay niyo. Nandoon na rin ang mga gamit mo." Isa pa 'to! Nakakainis silang dalawa. Nakita ko naman ang pag-igting ng panga ni Liam na para bang nagpipigil siya na h'wag magalit. Padabog siyang lumabas ng bahay.


Inirapan ko sina Ethan at Claire pero tinawanan lang nila akong dalawa. Lumabas na ako ng bahay ni Claire at laking gulat ko nang makita kong mabilis na pinaharurot ni Liam ang kotse ko.


"Hoy! Sasakyan ko 'yan!" Sigaw ko pero bigo ako dahil mabilis nawala sa paningin ko iyon.


Sasakyan ko kasi ang ginamit namin kanina papunta rito para hindi kami maghiwa-hiwalay at si Liam ang nagmaneho no'n kanina. Nakakainis naman. Sinilip ko ulit ang bahay nila Claire at napanganga ako nang makita kong nila-lock na nina Ethan at Claire ang gate ng bahay.


"I really hate you, Claire!" Sigaw ko.


"Pasasalamatan mo rin ako rito, Sisteret. I love you!" Nakangiting sigaw niya. Padabog kong hinila ang dalawang maleta ko at naglakad na ako palabas ng subdivision.


Puro usok ng sasakyan ang sumasalubong sa akin sa kalsada. Ang dami pang mga nag-iinom sa bawat kantong madaraanan ko. Nakakatakot. Naiiyak na talaga ako. Naaawa ako sa sarili ko.


Kasalanan lahat ito ni Liam! Bakit ba ako nagtiwala sa isang katulad niya? May scholarship nga ako pero magkakaroon naman ako ng malaking utang kapag hindi ko tinupad yung pustahan. Magaling na lawyer pa naman ang daddy ni Claire.


"Pssst! Miss! Tagay ka muna!" Nagtayuan ang balahibo ko nang marinig ko ang boses ng isang lasing. Binilisan ko ang lakad ko pero narinig kong nagtawanan sila ng mga kainuman niya.



Bilisan mo pa, Ara! Kapag naabutan ka, karatehin mo! Para akong gaga na kinakausap ang sarili. Hindi, kaya ko 'to. Nag-aral ako ng taekwondo. Hindi 'yon mababaliwala.

"Miss!" Humawak na ang isa sa kanila sa balikat ko. Humarap ako sa kanila para sana sipain ang humawak sa akin pero nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil ang tangkad nito at mukha talagang lasing na siya.


Yung mga kasama niya rin ay lasing na at mukhang hindi papahuli nang buhay. Labas pa ang malaking tiyan ng isa dahil nakataas ang puting sando nito. Ang isa naman, may yosi sa bibig at tumatalsik ang laway dahil sa pagtawa. Nakakadiri sila at nakakatakot silang tumitig. Para bang hinuhubaran nila ako sa mga titig nila!

"Isang tagal lang, miss." Baliko na ang dila ng isa dahil sa alak.

"Ah, hi-hindi po, kuya." Nauutal na sagot ko. Natatakot ako! Hindi ko magagamit ang pinag-aralan ko sa taekwondo dahil lima sila. Isa lang ako.

"Tatanggihan mo kami? H'wag ka namang ganyan, miss." Lumapit ito sa akin at mas lalo akong kinilabutan nang hapitin ako nito sa baywang ko. Ang baho niya!


Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha pero natigilan ako nang biglang may humila sa kamay ko at hinalikan ako sa labi. Ang init-init ng labi niya na para bang nilalagnat siya. Nakakalasing. Anong klaseng halik ba ito? Bakit gumagalaw ang dalawang parte ng labi niya? Nakakakiliti sa pakiramdam at para bang gusto kong gayahin ang paghalik niya. Ano?! Pamilyar ang mabangong katawan niya! Itutulak ko sana siya pero siya na ang unang bumitiw sa halik.


"May problema ba rito?" Sobrang laki ng boses niya. Lalaking-lalaki iyon. Akmang susuntukin siya ng isa pero nagtakbuhan sila dahil may dumaan na sasakyan ng pulis.

"Tss, dumadami ang manyak sa mundo." Iritadong sabi niya. Hanggang ngayon, nakanganga ako dahil sa halik nitong lalaki na ito. B-bakit i-iba? Lumingon siya sa akin kaya naman natauhan ako.

"B-bakit mo ako hinalikan?!" Sigaw ko sa kanya pero nauutal ako. Lumunok siya at nakita ko ang paggalaw ng adam's apple niya.

"Kaysa naman yung baboy na 'yon ang humalik sa'yo, e 'di ako na lang. Sigurado ka pang mabango ang hininga ko." Pagyayabang niya. Dahil sa tono ng pananalita niya, biglang may tumadyak sa isip ko na siya nga pala si Marcus Liam Cando na ubod nang lakas ng hangin sa katawan.

"Kapal ng mukha mo!" Hiyaw ko sa kanya.

"Tss, sige pahalik ka ro'n sa baboy na 'yon! Ano?! Mamili ka. Yung baboy na yon o akong gwapo?!" Napanganga na naman ako dahil sa kahanginan niya. Nakipagsukatan siya ng tingin sa akin at napatungo ako. Wala akong pipiliin! Kaasar lang. Hinila ko na ulit yung maleta ko pero bigla niya akong tinawag.

"Lian..." Ang lumanay ng boses niya pero hindi ko siya pinansin. Naglakad pa rin ako. Bigla niyang hinila ang isang maleta ko para mapatigil ako sa paglalakad.

"May uuwian ka ba?" Tanong niya sa akin. Bigla kong naalala na wala nga pala akong tutulugan ngayong gabi. Napailing ako. Tiningnan ko siya at nakita kong mukhang pagod na pagod siya ngayon.


"Wala rin akong uuwian," Sabi niya.

"Pareho lang pala tayo. Sige na, maiwan na kita riyan." Sabi ko saka ko hinila ang maleta ko para maglakad na ulit pero natigilan ako nang magsalita ulit siya.

"Umuwi na tayo sa bahay natin, Lian."

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon