"You're always welcome, hija. Kapag kailangan mo ng tulong pwede mo kaming lapitan. Buti nga hetong mga anak ko ay willing kang tulungan, lalo na 'tong bunso ko..." aniya at binalingan ang katabi ko.

I turned to him, napatingin din siya sa akin at tumikhim bago bumalik sa pagkain. Ang tahimik niya ah? I'm expecting him to say something about this pero seryoso na siyang kumakain.

"It's a good thing that you became friends with my son, hija. Jerome can help you... si Jared kasi ay abala sa asawa niya tsaka sa trabaho." Tito Jose commented.

"Opo..." I smiled at them. "Thankful po ako na may mga taong handang tumulong sa akin. Masaya po ako na may taong nakakaintindi sa sitwasyon ko. But I realize po na nakakapagod ng tumakbo at tumakas..."

Napatingin silang lahat sa akin. Their eyes narrowed while trying to absorb what I just said. Sa totoo lang parang sumasagi na sa isipan ko ang pag-uwi at harapin ang kung anumang plano sa akin ng mga Mondragon. But that doesn't mean that I'll agree on that arrange marriage thing. Magkamamatayan kaming lahat bago nila ako mapapayag.

"What do you mean by that, hija?"

Huminga ako ng malalim. "I'm thinking of going home and just face whatever's coming."

"Sab!" napataas ang boses ni Jerome. Mukhang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

Bahagyang tumawa ang tatay ni Jerome at tumingin kay Tita Janelle. "Looks like she'll do what you're ex-boyfriend did, Hon. I thought she's different..." aniya.

"Hon..."

"Alam niyo po na ex-boyfriend ni Papa si Tita Janelle?" bigla kong naitanong, still shocked from what I heard. Muli na namang tumawa si Tito Jose at tumingin sa amin.

"Of course! Matagal ko ng gusto si Janelle pero mas mahal niya ang ama mo. So I let go of her... tutal ay nasaksihan ko naman kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Pero nung bumalik ako dito galing abroad from studying my law degree, nalaman ko na kinasal na pala sa iba ang lalaking mahal niya... so I took that chance to make her mine forever." he genuinely smiled at us.

Malawak rin ang ngiti ni Tita Janelle. Mukha rin siyang kinikilig sa sinabi ng asawa.

"Kaya ikaw, hija, I hope that you'll make a decision that you will not regret, especially when it comes to love." aniya at ngumiting muli.

"Naalala ko noong unang beses na na-in-love itong si Jerome doon sa high school classmate niya, parang pinagbagsakan ng langit at lupa kasi hinayaan niyang umalis 'yung babae... pero heto mukhang naka-move on na siya sa nangyari at handa na ulit na magmahal..." sabi ni Tita Janelle at bahagyang tumawa.

"Ma matagal na 'yun..." he retorted.

"Alam ko, pero aminin mo minaha mo talaga siya di ba? First girlfriend mo 'yun!"

Napatingin ako kay Jerome. Nakatingin siya kay Tita Janelle. He looks so defensive and slightly irritated. Mukhang ayaw niyang pinag-uusapan 'yung ex girlfriend niya. Kung big deal sa kanya 'yung ex niya, that means affected pa rin siya kahit na matagal na yun.

I suddenly felt a painful pang on my chest. Hala ano 'yun?

I ignore my thoughts and continued eating my food silently. Gusto ko na lang na umuwi at matulog. Baka pagod na nga talaga ako sa mga nangyayari sa buhay ko. I need a break from all of these. Siguro sa sembreak ay magpla-plano akong pumunta sa isang malayong probinsya na malayo sa lahat ng ito.

"Mas bagay kayo ni Iya..." sambit ni Tito Jose.

Napaangat ako ng tingin sa kanila. He just said it out of the blue. Lumawak ang ngiti ni Tita Janelle at mabilis na tumango. Jerome's expression hardened when he gazed at me. Mabilis naman akong napayuko at napahigpit ang hawak ko sa kubyertos.

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon