Aleelelelellelelekalakalakala!


"Happy Anniversary din. Nips, 1 year na tayo. Hindi ko namalayan," hindi ako makapaniwala. Ang saya. Pwede pala 'yun nuh? Pwede naman palang matutunan ang magmahal. Pwede pa rin palang turuan ang puso, it is up to you on how you will handle it. Kasi ako, unti-unti ko ng minamahal si Dong kahit hindi pa ganoong buong buo.


Pagkatapos naming magdinner ay nagsleep-over siya dito. Pero sa sala siya. Niligpit ko yung pinagkainan namin pero sabi niya bukas na lang daw yung mga petals. Pinagbigyan ko na, umakyat na ako sa kwarto ko at natulog.

Haaay, ang saya ko. Lord, thank you for this day. Good night world!




























Nagising ako sa nakakasilaw na araw na pumapaso sa mukha ko. O MY G! Hindi na naman ako nakapagjogging, anu ba 'yan. Ayyssh! Pagbaba ko, ang linis na ng sahig tapos ang bango bango. Napansin ko rin na hindi niya pa inaalis yung nakahang na banner. Bumaba ulit ako, nasa groundfloor kasi yung kusina at andito pa pala si Dingdong. Nagluluto siya ng breakfast, ang cute. Kinikilig tuloy ako, ano ba 'yan.

"Good Morning! My Beautiful Nips." bati niya sa akin.


"Good morning din, my handsome nips!" bati ko rin sa kanya. Napansin kong tumigil siya sa pagluluto tapos tumingin sa akin habang nakangiti.


"Ang ganda ganda mo."

Naramdaman kong namula yung pisngi ko. Enebeyern! Agang aga, pinapakilig ako.


"Ganito, tawagin mo ako." sabi ko sa kanya tapos tumalikod ako. Medyo naguluhan siya pero tinawag niya din ako.


"Nips" tawag niya sa akin. Ako naman, hinawi ko ng malakas yung buhok ko. Yung parang kapag endorser ka ng Rejoice tapos mag-sslow motion.
Waaaaaaah! Lakas ng trip ko, ahahahahaha! Tumawa siya tapos niyakap ako mula sa likod.















































General's POV

Kinabukasan, muling nagkita sina Ina at Ama sa parke. Bandang alas quatro y media ng hapon. Agad naman siyang pinuntahan ni Ina. Pagkatapos ng batian ay doon lamang nakita ni Ina ang dalang Cotton Candy ni Ama. Agad niya itong kinuha sabay kain. Si Ama, imbis na pumalag ay napangiti na lang.

Hindi niya alam, 'pag kay Ina tumitiklop siya.

Habang nakaupo sa isang bench ay nakita nila ang mga batang naglalaro sa bandang play area. Matagal nilang tinitigan ang mga ito. Natawa sila sa tawa ng mga batang tumatawa ng walang kabagay-bagay.

Nang makaalis ang mga ito ay nagtinginan sila.

May kung anong kapwa nag-udyok sa kanila at mistula ring batang nagtatakbo papunta sa palaruan.

Una nilang pinuntahan ang swing, agad na nagpaligsahan at nauna si Ina. Marahan namang tinutulak ni Ama ang swing.

Pangalawa ang seesaw, daretso ang tingin at tanaw ang dalawang subhekto.

Orion's Belt  حيث تعيش القصص. اكتشف الآن