Chapter 57

723 33 11
                                    

Pag dating ko sa kwarto ay wala na si Achilles, siguro ay umuwi na siya. Umuwi na siya sakanyang asawa. Ngumiti nalang ako sa aking pag iisip. 


"Tapos na ba kayong mag usap ni Achilles? Hindi ko alam ang gagawin ko dito Tasha. Si Nanay mo at si Tanya ay umuwi ng sandali at mag lilinis ng bahay niyo para sa pag uwi ni baby Shiki ay malinis. Turuan mo naman ako mag alaga. Etong si Jaylord at Kas naman ay wala din namang alam sa pag aalaga kaya andiyan sila at naglalampungan lang. I want to learn. I'm more than willing to learn" Halata sa kanyang mukha na nahihirapan siya ngunit bakas din dito ang saya. Ng dahil sa nakikita ko siyang ganyan kay Shiki ay parang nasisiyahan nadin ang puso ko.

Kumuha ako ng towel at lumpit ako sakanya. Pinunasan ko ang kanyang noong may butil ng pawis. Napaatras pa siya sa ginawa ko, siguro ay hindi niya din inexpect na gagawin ko yun.


"Oh bat parang gulat na gulat ka? Ayaw mo ba ng ganon?" Tanong ko.


"G-gusto, pero baka dahil sa mga ginagawa mong ganyan eh baka hindi ako makapag hintay at ako na mismo ang kikidnap sayo at idadala na kita sa simbahan para hindi ka na mwala?" Natatawang sabi niya.


"Kailan ka pa naging ganyan Arkeen?" Natatawang tanong ni Kas.


"Wag ka ngang mangialam dito. Magpakasal na din kayong dalawa ." Singhal naman ni Arkeen.


"Hindi mo naman ako kailangan pang kidnap'in. Promise ko sayo na dadating din naman tayo diyan ng hindi mo ako pinipilit." Ngumiti ako sakanya at hinalikan siya sa kanyang pisngi.


"Damn! Tasha." Namumula niyang sabi. Humagikgik nalang ako sakanya dahil ang cute cute ng itsura niya. Para siyang isang highschool boy na nahihiya sa kanyang crush.


Ilang saglit pa ay umiyak si Shiki kaya kinuha ko siya kay Arkeen. Siguro ay gutom na siya. Pinabreastfee ko siya habang nakikipagkwentuhan kay Jaylord at kay Kas, si Arkeen naman ay parang manghang manghang nakatitig saakin.


"Bakit ba ganyan ka makatitig saakin?" Tanong ko sakanya.


"Mas lalo kang gumaganda, Mas lalo kang gumaganda sa tuwing hawak hawak mo si Shiki." Nakangiting sabi niya.


Parang may kung anonghumaplos sa puso ko kaya ito tumalbog. 


"Namumula si Tasha, Sus! Pakipot pa kasi eh." Pag loko sakin ni Jaylord.


Tumawa nalang ako ng dahil sa sinabi niya saakin.


Matagal pa kaming nagkwentuhang apat dahil wala din namang mapuntuhan ang dalawang to kaya dito sila sa ospital tumatambay.


"Naiisip ko nanaman yung asawa ni Achilles." Biglang singit ni Jaylord.


"Bakit?! Type mo siya no!" Pasigaw na tanong ni Kas sakanya pagkatapos ay sinapak sapak siya ng malakas. Para pa naman siyang lalake kung sumapak.


"A-aray, A-aray!" Sinubukang harangin ni Jaylord ang mga kamay ni Kas. "Hindi yun. Ano kaba! Yuck! Hindi ko type ang mga tomboy no." Sabi niya.

AchillesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora