Chapter 49

834 36 4
                                    

"Pare, magpapakasal na kami ni Tasha. I want a new life with her. I'm done making bad things. Only in bed." Masayang sabi ko kay Arkeen.

"H-ha? C-congrats." Utal na sabi niya.

"Bakit parang di ka naman masaya? Gago! Tara inom tayo." Nilagyan ko ang kanyang shot glass ng alak at ganon din saakin tyaka ko ito nilagok agad.

Andito ako ngayon sa condo niya. Si Tasha ay umuwi muna sakanila. Panatag naman ang loob ko dahil nakabantay roon ang mga tauhan ko.

Ilang buwan din akong nagtiis. Ilang buwan kong hinintay ang pagkakataong ito. Kasama ko na ulit ang babaeng mahal ko at sisiguraduhin kong papatayin ko kung sino mang muli ang hahadlang saakin.

"Pupunta nga pala dito si Kas at si Jaylord." Walang buhay niyang sabi. Biglang kumulo ang dugo ko ng marinig ko ang pangalan ng gago na yun.

"Tang ina! Bakit magkasama sila? Papaloko nanaman ang babaeng yun? Sige papuntahin mo ng mapatay ko na ang hinayupak na yun." Sagot ko naman sakanya sabay kasa sa baril ko.

"Sila na ulit ni Kas. Sige patayin mo ng ikaw naman ang patayin ni Kasandra. Alam mong hindi basta basta ang babaeng yun." Sagot naman niya.

"Bakit? Paano bang nagkabalikan sila? Ang dami namang ibang lalaki jan. Iyon pa!" Muli kong singhal.

"Eh sa nagmamahalan sila eh! Pwede ba. Hayaan mo nalang sila. Uminom ka nalang. Hindi pwedeng ikaw lang masaya! Ako papatay sayo eh!"

"Ay oh. Grabe siya. Basta wag niyang asahan na pakikitunguhan ko ng maayos yung lalaking yun. Matapos ng ginawa niya!" Sabi ko sabay lagok ulit ng alak na nasa baso ko.

Ilang saglit pa ay nagulatang kami ng may maingay na tunog ang nagmumula sa may terrace ng condo ni Arkeen. Tunog elisi ng helicopter. Dali dali naming bununot ang mga baril namin at nagpunta malapit sa may terrace.

Ilang saglit pa ay may dalawang taong tumalon mula si helicopter papunta sa terrace at napag alaman naming si Kasandra at si Jaylord pala ito.

"Hi jerks! Kamusta!" Sabi ni Kasandra at lumapit saamin para ibeso. Ni hindi man lang niya alintana ang mga baril na nakatutok sakanya. Sabagay ay sanay niya. Kumbaga para saamin kasi ay laruan nalang ang mga ito.

Tinitagan ko ng masama si Jaylord at ngumisi lang siya saakin ng nakakaloko.

"Tang ina niyo! Hindi ba uso ang pintuan sainyo!" Singhal ni Arkeen sakanila

"Relax! To naman. Katamad kasi eh. Kaya dito na kami dumaan." Sagot naman ni Kasandra.

"Babe, tara sa loob." Hinila ni Kas si Jaylord papunta sa loob at wala kaming nagawa kundi ang sundan sila.

Pagkarating namin sa may pinag iinuman namin ay prente na silang umupo.

"Guys, eto si Jaylord at alam ko namang kilala niyo na siya. Gusto ko lang siyang ipakilala sainyo bilang boyfriend ko. Kinikilig kasi ako pag ganon." Sabi niya sabay hagikhik.

"Tss." Sabay naming sabi ni Arkeen.

"Papaloko ka nanaman sa lalakeng yan! Kakantutin ka lang niyan. Tapos iiwanan ka rin niyan. Sus." Sabi ko.

Agad na tumayo si Kasandra at tinutukan ako ng baril sa ulo. "Ang bad ng bunganga mo Achi. I'll shoot your head sige ka." Sabi niya ng may nakalalokong ngiti sa labi.

"You don't need to do that babe. Ako ang papatay sakanya. Hindi lang muna ngayon. Pasalamat ka at malaki ang pasasalamat ko kay Tasha. Dahil sakanya ay nalaman kong mahal ko padin si Kas." Sabat ni Jaylord.

AchillesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant