lumapit kaming dalawa.. hoo~ medyo kinakabahan ako.

Kiseop: Su-suzy? Pwede ka ba naming makausap?

Halata mong nagulat sya..

Suzy: S-sure..

Kiseop: Tara, dun tau mag-usap sa garden.

Tumingin muna sya kina Yura.. ngumiti naman si Yura, parang sinasabi na "go ahead.." .. sumunod naman sa amin si Suzy..

Suzy's POV:

Andito na kami sa garden ngayon, ang lakas-lakas talaga ng tibok ng puso ko. Ano bang pag-uusapan namin?

Haeri: Suzy.. im very very sorry sa lahat-lahat ng mga nagawa ko sau..

Umiiyak na sabi sa akin ni Haeri.. maiiyak na rin ata ako.. ramdam ko kasi yugn sincerity nya eh.

Kiseop: Suzy, si-sinabi na sa akin ni Haeri ang lahat-lahat.. Sorry kung hindi ako naniwala sau.. Sorry, sana mapatawad mo kami..

Hindi ko na napigilang yung luha ko. Naisip ko naman, ano naman ngayon kung nalaman nya na, na wala talaga akong kasalanan.. magiging akin ba sya ulit? Hindi na diba? Ang sakit-sakit kasi.. hindi na talaga kami pwede..

Suzy: A-ano ba naman kau.. pi-pinapatawad ko na kau..

Tapos bigla akong niyakap ni Haeri.. wala talaga akong maramdaman na kaplastikan sa kanya ngayon..

Haeri: God, Suzy!! Ang bait mo, sorry ha? Nagawa ko lang naman un kasi..

Suzy: Ssshh.. okay na.. ka-kalimutan na lang natin yun.

Haeri: P-pwede ba kita maging kaibigan?

Suzy: Oo naman..

Yumakap sya ulit sa akin.. napansin ko na nakatitig sa akin si Kiseop.. nagsmile lang ako sa kanya..

and

he smiled back at me..

Parang natuwa yung puso ko.. kasi.. ngumit sya.. ngayon nya ulit ako nginitian..

Haeri: O sige, mauna na ako sa inyo sa canteen ha?

Tapos umalis na sya agad.. ang weird ha.. di ba selosa un? bakit naman nya kami iniwan dito??

Ano ka ba Suzy, may tiwala sya kay Kiseop.. alam ni Haeri na wala ng iba pang papatulan si Kiseop kundi si Haeri lang.. MAHAL nila ang isa't-isa ok?

Sa pagconvice ko sa sarili ko, eh ako lang din ang nasaktan.. napaiyak ulit ako..

Campus CoupleTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang