Chapter 8

915 25 0
                                    

CHAPTER 8: I'LL TAKE CARE OF HER.

WHAT?! Hindi sya makahinga? Bakit?

Kiseop: Teka, may asthma ka ba?

Hindi sya sumagot, hirap pa ring huminga. SHIT! Pinaupo ko sya sa malapit na bench.

Suzy: Kis-eop. N-nasa bag ko yung huh inhaler k-ko. Bilis!

Kinuha ko agad ang bag nya at madaling nahanap ang inhaler. Kinuha nya agad ito sa akin at ginamit iyon para makahinga sya.

Unti-unti na syang nakakahinga ng maluwag. Habang ginagamot nya ang kanyang sarili ay nakatitig lamang ako sa kanya. Nakikita ko sa kanya ang ate ko, may asthma rin yun at laging ako ang tumutulong sa kanya kunin ang kanyang inhaler, lagi kasi nya itong iniiwan. Nakakainis nga eh kasi mahal na mahal ko ang ate ko kung kaya't ayaw kong makita syang nahihirapan sa sakit nyang asthma, kagaya ni Suzy active rin sya kaya lang hindi pwedeng mapagod. Mahal ko ang ate ko kasi sya ang nagturo sa akin ng lahat-lahat, lagi akong pinoprotektahan at binabasahan ng mga story nung bata pa ako. Sa ngayon ay nasa Seoul, Korea sya kasama ang asawa nya at nag-iisang anak na si Jun.

Bumalik ulit sa normal ang paghinga ni Suzy kaya lang pale pa rin ang mukha nya. Binalik nya sa kanyang bag ang inhaler at nahihiyang humarap sa akin.

Suzy: Uhm, t-thank you nga pala at sorry kung uhm inatake ako ng asthma actua-

Kiseop: Bakit hindi mo sa akin sinabi?!

Malakas ang boses ko pagkasabi ko nun, hindi ko alam kung bakit pero feeling ko ay nag-aalala lang naman ako.

Suzy: Hindi naman mahalaga yun eh-

Kiseop: HINDI MAHALAGA? Ano ka ba naman, alam mo na mang bawal sayo ang magpapapagod pero nagpakapagod ka pa rin! Are you out of your mind? Buti at dala mo ang inhaler mo.

Suzy: Look, Kiseop okey na ako, walang dapat ipag-alala. At lalong-lalo na HINDI KA DAPAT MABAHALA SA AKIN. Get it?

SHIT! Tama sya, hindi dapat ako mabahala. Tama!

.

.

.

MALI! MALI! Bakit iisa lang tumatakbo sa isip ko..

na dapat protektahan ko sya.

na she needs me.

ahh basta!

ILL TAKE CARE OF HER, no matter what!

Ewan ko, pakiramdam ko nakikita ko lang sa kanya ang ate ko at at..  ayaw ko syang makita next time na hindi makahinga. Nasasaktan lang din ako.

Suzy: Uhm, sa tingin ko kailangan na nating umuwi?

Kiseop: No! Let's eat some lunch first.

---

Kakatapos lang namin mag-lunch at ngayon ay papunta na kami sa dorm. She badly needs rest., at medyo namumutla pa sya.

Nang makarating na kami sa gate ng DORM ay agad kong kinuha ang isang necklace sa isang compartment. Hindi lang ito basta-basta na necklace, bigay ito sa akin ng ate ko. She told me na ibigay ko raw ito sa isang girl na very special sa akin. Hindi ko alam kung bakit ko ito ibibigay sa kanya, hindi ko naman sya lubusang kilala.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi ko ito mabigay-bigay kay Haeri. Natatandaan ko pa nga nung nakita nya ito sa kotse ko inakala nyang para sa kanya yun. Sinuot nya kaagad pero pinatanggal ko ulit sa kanya. Palusot ko pa nga na sa ate ko yun, na bawal ko daw ipahawak sa iba. Ang babaw ng palusot ko kaya ayun nagalit sya sa akin at hindi ako pinansin for 3 days.

Suzy: Wow, ang cute naman nyan.

Kiseop: Y-yeah, and this is for you.

Suzy: For me? Really?

Nag-nod lang ako at ako mismo ang nag-suot ng necklace sa kanya. Hindi ko maintindihan pero ang sarap ng feeling ko nung nagustuhan nya yung necklace.

Kiseop: Ingatan mo yan ah?

Suzy: Syempre naman no! Ang cute kaya. Sige, alis na ako. Salamat sa lahat-lahat ah?

Kiseop: Tch. Anong salamat? May kabayaran ang necklace na yan.

Suzy: ANO?!

Kiseop: May kabayaran ang necklace na yan, wala ng libre sa panahon ngayon.

Suzy: Pero wala ka namang sinabi eh. Psh, magkano?

Kiseop: Hindi magkano, Suzy.

Suzy: Huh?

Kiseop: Ang magiging kabayaran ng necklace na yan ay.. promise me na- na hindi ka magpapakapagod at make sure to take care of yourself.

Suzy: May ganun bang kabayaran?

Kiseop: MERON.

Bago sya makapagsalita ay agad akong bumaba sa kotse upang pagbuksan sya. 

Suzy: SALAMAT ulit. Sige, bye.

Kiseop: Sige.

With that tiningnan ko sya hanggang makapasok sya sa kanyang dorm. So its official, GIRLFRIEND ko na sya. *evil smile* Kawawang SUZY hindi man lang nya alam na may BOYFRIEND na sya. Kung tutuusin nga dapat proud sya. AKO kaya BOYFRIEND nya!

Campus CoupleWhere stories live. Discover now