CHAPTER 1

3.3K 68 3
                                    


CHAPTER 1: A NEW START IN PLEDIS UNIVERSITY.

SUZY's POV:

Woah! Umaga na naman, another day to start of. Wish ko lang na sana maging masaya ang araw ko kahit na ngayon ang first day ko sa aking new school. Yeah, nag-transfer kasi ako sa Pledis University. Know why? I don't know, better ask my parents. Tch.

Driver: Oh, andito na po tayo sa new school nyo. Ingat po kayo, tawagan nyo na lang po ako kung uwian nyo na.

Me: Ahh, sige po.

Andito na pala ako sa school, andami kasing iniisip kaya hindi na alam kung ano na ang nangyayari. Masisisi nyo ba ako? Nininerbiyos lang naman ako ah? Pano kung hindi ko magustuhan ang school na to? Teka, imposible. Sa laki at ganda ba naman ng school na to? Hayy! Makapunta na nga sa Guidance Office.

Alam ko kung saan ang guidance office nila, dun sa pinakadulo. Hayy, umagang-umaga exercise ka agad. Tamad ba? Haha! So yun, habang papunta ako ron di ko maiwasang ma-excite.. makikita mo kasi sa mga mukha ng mga estudyanteng nadaraanan ko na mukhang tuwang-tuwa sila kahit busy sa paglalakad. May makikita kang naglalakad na may hawak na maraming aklat pero nakangiti pa rin, may makikita kang grupo ng mga babae sa isang bench na nagtatawan sa kabila naman ay mga lalaki na nag-gigitara. Hayy. Oops, andito na pala ako sa Guidance Office. Bago pumasok ay chineer ko muna ang sarili ko.

Me: Kaya mo yan, Suzy! Fighting! :D



Kiseop's POV

Kibum: Wait lang, pare! Hindi ka ba muna kakain? May 1 hour pa bago ang start ng klase natin ah? Gutom na rin kasi ako.

Xander: Ako rin!

Kiseop: Mauna na lang muna kayo, may kukunin pa ako sa locker eh.

Kibum: Kita na lang tayo sa canteen.

Kiseop: Sige.

Hay! Kung mamalasin ka nga naman. Nagiging ulyanin na ata ako, tama bang iwanan ang trigonometry notebook ko sa locker? Wala ko tuloy nagawa yung assignment. Tch, napakabrutal talaga ng mga guro ngayon. Di ba nila naisip na nakakapagod ang buhay estudyante, ang alam lang nila: "Okey class, I'll give you an assignment blah blah blah". Hay!! Ang layo layo pa naman ng locker ko.

Mir: Kiseop!

Kiseop: Bakit?

Nasa guidance office na ako nang bigla akong tinawag ni Mir, naman! Ilang hakbang nalang nasa locker area na ako. Gusto ko na rin kumain. Gutom na rin ako kanina pa.

Mir: Walang practice sa basketball mamaya, sabi ni coach.

Kiseop: Bakit daw?

Mir: Malay ko. Ayaw mo nun? Free tayo mamaya.

Kiseop: Tch. Sinong may sabing ayaw ko? Sige may kukunin pa ako sa locker ko.

So, ayun.. pumasok na ako sa locker room for boys. Meron kasing dalawang malalaking room na magkaharap, locker room for boys(left) at locker room for girls (right). Habang papasok na ako sa Locker Room ( LR) saktong may tatlong babae na kakalabas palang sa LR for girls..

1st girl: Hi, Kiseop!

Nag-smirk lang ako pero grabe na yung tilian nung tatlo. Psh, makapasok na nga sa LR.

Suzy's POV

Ano yun? Bakit nagtilian yung tatlong babae? WEIRD ~ Uh, nga pala. Binigay sa akin ni Maam D yung schedule ko for Monday hanggang Friday, as well as my locker room and my dorm! Whoa! Super Exciting naman, imagine sa loob ng school may dorm? Syempre magkaiba ang sa boys and girls, pero magkaharap lang naman daw at may 4 na guards na nakabantay. Sa gitna naman daw ng Dorms ay may Study Area, mayron din daw benches. Sa loob din daw ng school ay may swimming pool at playground, pero may gate din naman daw per area. Example ang dorms may gate ~ ang playground at swimming pool may gate ., para organize naman tingnan.

AT ang schedule naman ng klase ay depende. Kung Math mo ngayon kailangan mong pumunta sa Math Department sa 3rd floor at may 3 teachers ~ ako kay Teacher Morales naka-assign therefore sa room 1 ako pupunta.. kung kay Sir Palomar ka naman sa room2 ka. Ganda no? At may kanya-kanya pala yang schedule. Kung ang kay Maam Morales is 2:30pm upto 3:20pm ang klase, kay Sir Palomar naman ay 3:20 upto 4:10pm.

Hay! Hindi pa muna ako matutulog sa dorm ko ngayon wala pa ako naka-impake eh. So, ang start pa ng klase ko ngayong Monday is 9:30am. 2nd floor. Room 1S. Chemistry. 8:00 pa, punta muna ako sa locker ko.

Whoo? Ang ganda naman dito. May 7 lockers sa loob ng LR at may malaking mirror sa dulo ng wall na kung saan maraming babae ang tinitingnan kung ayos na ba ang uniform nila. May 5 mahahabang upuan din. OP naman ako, pano? Ako lang ang hindi naka-uniform. Naka-dress pa man din. Tsk!

Pumunta ako sa row # 6. 6th year na kasi ako. Dito sa Pledis ang HS nla is hanggang 7th year. May isang girl na nakapansin sa akin. Nag-smile sya tapos lumapit sa akin.

?: New student ka? By the way, Yura nga pala and you?

Me: Suzy. Nice meeting you, Yura!

Yura: Me too. Uhm, so what number ng dorm mo?

Me: Room 14.

Yura: Really?? OMG! Room 14 din ako. Sa wakas, apat na rin kami sa room!

Me: Ganon ba? Ang saya naman.

Yura: Ngayon ka na ba lilipat sa dorm?

Me: Hindi eh. Wala pa ako nakaimpake.

Yura: Sayang naman. Ahm, sige ha? May klase pa ako.

Me: Wait. What subject?

Yura: Chemistry. Room 2S. 9:30.

Me: Sayang naman. Room 1S ako. Teka, maaga pa naman ah? 8:20 pa lang.

 

Yura: Wala kasi ako nakagawa ng assignment. Tinamad kagabi.

Me: Haha. Sabay nalang ako sayo. Tutal pareho lang naman tayo ng pupuntahan iba nga lang ang room.

Campus CoupleWhere stories live. Discover now